Fall Apart

19 5 0
                                        

Fall Apart

We fall in love but at last our love fall apart, Why?

What happened?

Why did we fall apart?

When we're so inlove at each other?

Tandang tanda ko pa noon na kay hilig mong bigyan ako ng mga regalo na kay tamis ng iyong pag ibig sa akin pero anong nangyari sa Arvie na aking minamahal at naging pusong bato?

Anong nangyari sa malambing na Arvie ko na naging kasing lamig ng yelo sa akin ang turingan?

Bakit ka nagbago, Arvie?

Hindi mo na ba ako mahal?

Hindi ba at ang sabi mo ay hanggang sa dulo ay tayo pa rin?

Na hindi mo ako iiwan?

Pero bakit ang nangyari ngayon ay gumuho ang ating pagmamahalan?

Bakit hindi ka lumaban?

May iba ka na bang ipinaglalaban?

At kaya ay hindi mo magawang ipaglaban ako?

Ako eto si Cindy ang babaeng minahal mo at kinalimutan mo.

Ang sakit lang kasi, e. Ako etong patuloy pa rin na lumalaban sa matagal na nating pagmamahalan na gumuho na.

Umaasa pa rin ako na mahal mo pa rin ako, Arvie.

Na kahit wala ng tayo.

Ay maalala mo man lang.

Na minsan ay naging akin ka.

Na minsan rin akong naging mundo mo.

Na minsan tayo ay nagmahalan.

Na minsan mo rin akong minahal.

Ngayon ay gaganapin ang ating muling pagtitipon kasama ang ating mga dating kaklase na saksi ng ating pag-iibigan.

Kasama mo siya.

Ang bago mong kasintahan.

Kay bilis mo akong napalitan.

Ang sakit. Alam mo ba iyon, na kay tagal ng ating pinagsamahan pero lumipas lang ang ilang buwan ay may bago ka na.

Ang sakit na mapapamura ka na lang at gustuhing wag na lang sanang mabuhay pa.

Nginitian mo ako na para bang walang nangyari.

Na para bang hindi ka man lang nasaktan.

Ganun na lang ba iyon, Arvie?

Bakit?

Hindi mo ba alam na iyang ngiti mo noon ay ang nagpapangiti rin sa akin pero ngayon ay ang pumapatay sa akin?

Ang sakit talaga, sobra!

Ang sakit na makita kang masaya sa iba habang ako... nadudurog at nasasaktan.

“Cindy,” tawag mo sa akin na noon ay Mahal.

Nasaan na ang Mahal na tawag mo sa akin, Arvie?

Lumaos na ba tulad ng ating pagmamahalan?

Kay bilis naman.

Liningon kita na may ngiti sa labi na sa loob loob ay wasak na wasak na ako.

Hindi lang pala wasak kung hindi ay durog na durog na pala.

Labis ang ating pagmamahalan noon at ngayon ay labis ang aking pagkasaktan.

“Oh, Arvie. Kamusta?” masiglang tanong ko sa iyo na ikinataka ng iba pa nating kaklase.

Fall ApartWhere stories live. Discover now