Date Posted: September 12, 2017
DISCLAIMER
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not copy, cite, or distribute without permission of the author.
SIMULA
WARNING SPG
"Nakakainis ka naman Hannah eh, iiwan mo na kami." ani Din.
"Duh ganun talaga girl, sawang sawa na ko makipagplastikan sainyo eh." biro ko. Ito na ang last day ko sa opisina at kanina pa ako kinokonsensya ng mga kateam ko dahil sa pagreresign ko.
"Oo nga eh mababawasan na yung mga bitch dito sa office." ani Clarisse.
"Dahil wala na ang queen bitch, si Angel na ang papalit." ani Din. Nagtawanan kami. Mamimiss ko talaga sila pero kailangan kong gawin to dahil namimiss ko ng magsulat ng balita. I graduated Journalism and yet I'm working at a financial company, so layo di ba? When the opportunity knocks finally, grinab ko na agad.
"Oh sige na nga aalis na ko dahil maglilipat pa ko sa bago kong dorm saka baka umiyak pa kayo sa pag-alis ko." saad ko.
"Asa, baka magpaparty pa nga kami eh." ani Angel. Pabiro ko siyang inambahan ng sampal, nagtawanan naman sila Adelina sa ginawa ko.
"Alis na nga ko mga kipay ng taon babush." Nagpaalam na ko sakanila saka nagpaalam sa iba naming katrabaho. Masasabi kong mamimiss ko ang lahat lahat dito, ang mga katrabaho ko, ang mga boss, ang environment but you will never grow if you don't explore. And I want to chase my dream and that is to be a well-known journalist.
Didiretso na sana ako ng dorm ko nang maisipan kong surpresahin si Paul sa apartment niya. Ang alam niya ay bukas pa ako maglilipat pero naisipan kong isabay na ngayon dahil lumuwas na din naman ako. "Kuya Sct. Santiago po." saad ko sa taxi driver.
Mag-iisang buwan na din ata nung huli kaming nagkita ni Paul, parehas kasi kaming busy sa trabaho. Sunod sunod din kasi ang hosting niya sa iba't ibang event at commentator din siya sa mga basketball league. Sa facebook na lang kami nakakapag-usap kaya for sure matutuwa yun kapag nakita ako.
Abot tenga ang ngiti ko dahil sa sobrang excitement ko. Miss na miss ko na siya kaya sobrang excited akong makita siya ulit. Chineck ko ang phone ko, wala pa rin siyang message kaya nagpasya akong itanong kung nasan siya.
'Nasa raket pa ako hon, bakit?' aniya. Hindi ko na siya nireplyan. Hihintayin ko na lang siya dito kahit hanggang gabi pa.
Makalipas ang isang oras ay nakarinig na ko ng mga yabag ng paa. Mabilis akong nagtago sa likod ng pinto upang hindi niya agad ako makita. Gugulatin ko na sana siya pagbukas ng pinto ngunit imbes na si Paul ang pumasok ay babae ang pumasok sa kwarto niya, kasunod si Paul.
"Ang liit lang pala nitong kwarto mo, hindi katulad ng dati mong apartment na pangpamilya talaga." saad ng babae. Hindi ko pa maaninag ang mukha niya dahil hindi nakabukas ang ilaw.
"Mas mura kasi to, nag-iipon kasi ako kaya nagtitipid ako." ani Paul. Ang bilis ng tibok ng puso ko, bakit siya nagpapapasok ng ibang babae dito sa kwarto niya. Inabutan siya ni Paul ng damit. "Ito na ang suotin mo." aniya.
Nanginginig ang kamay ko, nangingilid na din ang luha ko. Paul sino siya, anong ginagawa niya sa kwarto mo, bakit kayo magkasamang dalawa. "Paano kapag nalaman to ni Hannah?" She knew me, that bitch knew me.
