"Actually ma... horror super queen!", pagtatama ng babae sa ina at magsisimula na ring magtanggal ng ilang make-up sa mukha

"Oh... yun pala! Horror Super Queen daw!", sabi ng ina at mapapansin ang ilang gamit na nakalapag sa lamesita, "Kaya napagpasiyahan naming i-testing sa iyo yung magiging role niya sa bago niyang play... hindi ko inakalang mas magiging best actor ka kanina anak ah!"

"Ay naku! Ako na naman talaga ang nakita ninyo... may choice pa ba ako?!", wika ng lalaki at akmang tatayo nang biglang pigilan ng ina

"Wait... sa iyo ba galing ang mga gamit na ito?", tanong ng ina sa bunsong anak pagkakita sa ilang gamit sa lamesita

"Ah... Yes ma!",mabilis na wika ng lalaki na kakalkalin naman ng ina ang mga nakalapag na gamit, "Ginabi ako pag-uwi kasi dumaan pa ako sa bilihan para sa project ko sa Electronics... at ma! Kapag nai-defend ko yang project na iyan ng maayos at na-bless ni God, ako ang gagawin nilang Division STEP Delegate na lalaban pa sa Puerto..."

"Rico?", sabay na sambit ng ina at ng babaeng anak

"Wow! Sosyal...", singit ng babaeng anak, "Doon galing si Luis Fonsi eh! Yung kumanta ng sikat na 'Despacito'... favorite dance song ko yun! Grabe nakakaindak talaga, ang sexy pa nung kumanta! Aw!"

"Hindi, Dito lang naman sa Pinas yun!",wika ng lalaki at magpatuloy,"Sa Puerto..."

"Princesa!", sabay na sambit ng ina at ng babaeng anak

"Wow! Sosyal...",singit muli ng babaeng anak at matatapos na sa pag-aayos ng maruming mukha, "Doon sa Palawan makikita yung Subterranean River National Park... sama kaya kami ni mama sa iyo dun kapag pumunta kayo para malibot naman namin ang magagandang tanawin at maaliwalas na likas yaman ng Pilipinas"

"Oo nga anak...",mas malambing na sabi ng ina at ibabalik ang mga ginalaw na materyales sa project ng bunsong anak na nag-aaral pa sa hayskul

"Gusto niyo ba???",may pananabik na wika ng lalaki sa dalawa pang kausap at matutulala sa kisame. Tatango nang may ngiti ang dalawang babae hanggang sa magpatuloy sa pagsasalita ang lalaki at may maaalala, "Kung sa bagay tila masaya nga yung pumunta ng Puerto Princes... Puerto Princesa??? Ay hindi! Sa Puerto Azul yun! Sa Puerto Azul High School sa Ternate, Cavite yung gaganaping Division STEP Contest!"

"Ay! Ganun ba? Sus! Ka...lapit lang palaa!", banggit ng ina na sa pagtayo ay siya namang may magdo-doorbell mula sa labasan at magsasalita muli ang ina sa dalawang anak, "Oh! Heto na yata ang pina-deliver kong foods sa 'Cabalen'! Mag-ayos na kayo riyan para makakain na ng hapunan!"

"Yes ma! Magpapalit lang ako ng pambahay sa kuwarto ko!", sambit ng babaeng anak at tatayo upang dumiretso sa kuwarto. Habang ini-entertain ng ina ang delivery boy na high school student din sa umaga ay biglang mapapatayo ang lalaking anak sa kinauupuan sa may salas at biglang may mahuhulog na ballpen sa sahig mula sa bulsa ng kaniyang pantalon.

"Ay... Nabagsak na naman siya!", wika ng lalaki at dadamputin sa sahig ang bumagsak na ballpen na LOTUS na itim na may scotch tape na balot bilang pananda

Sa lalo pang pagdilim ay tuluyang bubuhos ang malakas na ulan sa labasan na lalong magpapalamig ng panahon. Mararamdaman mo pa rin ang simoy ng Kapaskuhan sa loob ng hapagkainan ng mag-anak sa kanilang kabahayan dahil sa ilang pandekorasyong hindi pa nila natatanggal kabilang na ang isang makintab na parol na nakasabit malapit sa ilawan nilang may ceiling fan.


Siyempre, bukod sa kakaligpit lamang na malaking Christmas Tree sa kanilang salas dalawang araw pagkatapos makapagpalit ng taon. Sama-sama ang tatlo na kumakain sa kanilang dining table at magkukuwentuhan.

"He he... Kumusta pala ang principal ninyo sa school ninyo, Kimpoy?", tanong ng ina sa bunsong anak habang kumakain

"Well... as far as I know po eh He is still sick and cannot talk clearly...", wika ng lalaking si Kimpoy

"Ganun ba?", dagdag ng ina, "Sa pagkakaalam ko naman eh may prospect nang ipalit sa kaniya as principal dun eh! Setting aside dun sa huklubang assistant na si Dr. Marce Chavez"

"Oh... eh sino naman ma? Kayo po ba?!", usisang babaeng panganay at sasalok ng isang basong juice mula sa malapit na pitsel

"Ahm... Gustuhin ko man Kimsu pero marami ring nakaatang na obligation sa akin as Schools Superintendent sa Provincial Office eh! Mukhang hindi ko maiiwanan basta-basta...", sagot ng ina sa babae, "Pero alam ko nagkaroon na ng another spectacular choice ang Provincial High School Director para maging bagong principal ng DNHS sa pinakahuling naging meeting nila! Someone... very bookworm!"

"Really?", banggit ng babaeng si Kimsu, "Mahilig din kaya siya sa mga Harry Potter Books?! Or yung series ni Stephenie Meyer... Dan Brown... Danielle Steele"

"I guess so!", sagot ng ina, "But she was an alumnus... and already made her first book about her thesis sa mga nakakapanindig balahibong creatures sa Visayas"

"Oh... sounds great and excited!", wika ng lalaking si Kimpoy at iinom ng tubig pagkatapos kumain, "Sige ma... ate! At may tatapusin pa akong project!"

"Oh siya... huwag kang pakapuyat diyan ah!", pahabol na bilin ng ina sa anak na lalaking didiretso sa salas at kakaway ang lalaki bilang tugon sa nasabi


Susundan din ng tingin ni Kimsu ang kapatid at magsasalita sa ina, "Masipag ding mag-aral si Kimpoy... hindi malayong makakakuha iyan ng scholarship sa college"





"Yeah... I know right...", nakatulala sa bunsong sabi ng ina, "In God'sWill..."

EksadZWhere stories live. Discover now