Natulala lang si Kid sa paghagulhol ni Angry sa harapan niya. Maya-maya pa tinanong niya ito, "Pa'no mo nalamang nandito ako?"

Hindi sumagot si Angry pero nagsiyukuan naman si Nathan at Jambo. "Sorry Nathan pero ang kulit niya kasi kanina. Kaya ayun sinabi na lang namin na nandito ka sa Wilson Hospital," pag-amin ni Jambo.

Huminga ng malalim si Kid at maya-maya pa ay natulala siya nang biglang sinutok-suntok ni Angry ang almost well toned chest niya.

"Nahihibang ka na ba Oppa? Bakit mo ba kinain ng hilaw 'yung mushroom?" Angry wailed, her tears are still bursting. Sinisisi niya ang sarili niya sa pagka-ospital ni Kid.

In a heartbeat, napalitan ng pagngiti ang pagkatulala ni Kid sa ginawa ni Angry sa kanya. Sumaya siya bigla. Sumaya siya kasi nalaman niyang may isang tao palang concern sa kanya.

"Thank you for the concern Angry," Kid candidly smiled as he wipe the tears of Angry by use of his hand.

Nang gawin iyon ni Kid ay biglang umurong ang mga luha ni Angry. Namula ang kaniyang pisngi. Kumabog ang kaniyang puso. Tumitig siya sa mga mata ni Kid.

"Oppa..." she muttered, dinig niya bigla ang pagtibok ng puso niya na kasing liit na ng stawberry key chain na nakasabit sa laylayan na de gulong na bag niya.

"Puwede mo ba akong turuan ng division at multiplication?" ani Kid at masaya namang tumango si Angry. Pareho namang napanganga si Nathan at Jambo sa sinabi ng kaibigang si Kid. Anila'y nalason nga siguro ito sa hilaw na mushroom na kinain.

*  *  *
L U K R E C I A

"THIS is the result if a certain city when it is handled properly by a politician who's only wanting growth and success for its city," ani Mr. Lee kay Lukrecua.

Naglalakad-lakad sila ngayon sa napaka-busy na Roxas Night Market. Gabi na at marami na ring taong pumapasyal dito para magpamasahe at kumain ng mga streetfoods. Sari-sari ang mga taong makikita rito. Mga highschool at college student, mga magpamilyang kumain sa mga stalls, mga vendors na nagluluto ng mga kikiam ball, kwekkwek, nagpre-prepare ng shakes at iba pa. Maririnig din ang mga naghalo-halo ng salitang mariring sa lugar na ito. Andiyan 'yung mga sumisigaw na vendors dahil may panibago na namang orders, mga babaeng umaagik-ik, mga nagchichikang tropa sa tables habang kumakain, mga taong nagtatanong ng "Magkano 'to?", at mga mga batang nagtuturo ng kung anu-ano, "Mama gusto ko ng fishball."

     "Eh bakit naakusahan 'yung vice mayor na drug lords daw seya?" tanong ni Lukrecia sabay nguya ng fishball.

     "It's just a political strategy from a party who want to destroy the image of Davao. Ganun talaga. Kapag namumunga ang isang puno, aasahan mong marami ang mangbabato nito," Mr. Lee said.

Tumango naman si Lukrecia kahit 39 per cent lang ang na-gets niya sa sinabi ni Mr. Lee. Pagkatapos nilang magkatagpo kanina sa Arch of Unity sa China Town ay agad silang nagpunta rito para kumain ng streetfoods. Minsan ng na-bomba ang lugar na ito but both of them are confident na secure na ang area na ito. Kahit saan ka kasi lumingon ay may pulis ng nagbabantay.

"Ay thank you Ma'am," sabi ng pulis na binigyan ni Lukrecia ng mineral water. Natawa lang si Mr. Lee sa ginawa ni Lukrecia.

Noong una, isanf pulis lang ang binilhan ni Lukrecia ng tubig pero kinalaunan ay halos kalahati na ng mga pulis na nagbabantay ang binigyan niya.

"That's nice," ani Mr. Lee. Tumawang kinikilig naman si Lukrecia.

"Pakiramdam ku kasi uhaw na uhaw na sila. Naranasan ko na reng mauhaw kaya enabutan ku sila," masayang ani Lukrecia.

Mr. Lee genuinely smiled. Nahiya siya bigla. May charity ang kompanya niya pero ni minsan ay hindi pa siya nakapag-abot ng tubig sa isang nagsisilbingpulis para siguridad ng maraming tao.

"Huy," natulala si Lukrecia nang biglang umalis si Mr. Lee. At laking gulat niya nang pagbalik nito ay may tottee bag na itong bitbit na may lamang mineral waters. At mas nagulat pa siya biglang di-nistribute ni Mr. Lee sa mga pulis ang nabiling tubig.

Kita ng dalawng mata ni Lukrecia ang mga ngiti ni Mr. Lee habang namamahagi ito ng tubig. At habang pinagmamasdan niya si Mr. Lee na ginagawa iyon ay biglang kumabog ng pagkalakas-lakas ang puso niya. The loud beats of her heart sounded like a gong. Paulit-ulit ang pagkalabog nito na rinig na halos ng tainga niya. At habang nag-go-gong ang puso niya ay hinahanap niya ang dahilan kung bakit nagiging ganoon iyon. The last time her heart sounded like this was the time that Dudong confess his feelings on her. At takang-takang si Lukrecia kung bakit niya nararamdaman iyon habang tinititigan niya si Mr. Lee na nagdi-distribute ng tubig.

"Hendi pwedi," ani Lukrecia. Nabitawan niya ang fishball na dala niya. Inalapat niya ang kamay niya sa dibdib niya. The gong was still there. Dinig na dinig pa rin niya ang puso niya.

"Lukrecia, come here!" nakangiting ani Mr. Lee.

And in a sudden moment, bumagal bigla ang ikot ng mundo ni Lukrecia.

At nang mangyari ang bagay na iyon ay bigla namang kumanta ang isang babae sa hindi kalayuan kasama ang banda nito. Nakisabay bigla ang pagtunog ng puso ni Lukrecia sa saliw ng kantang Porque na kinanta ng babae.

"Porque contigo yo ya eskuhi? Ahora mi corazon ta supri. Bien simple lang iyo ta pidi. Era cinti tu el cosa yo ya cinti... Ta pidi milagro. Bira'l chempo. El mali ase derecho. Na dimio reso. Ta pidi yo Era ulvida yo contigo...🎶"

Nang tulala pa rin si Lukrecia ay ang pawis na pawis na si Mr. Lee na mismo ang lumapit sa kanya. Mr. Lee smiled at her at maya-maya pa ay kinausap niya na ito. Pero tila hindi narinig ni Lukrecia ang mga sinabi ni Mr. Lee dahil malungkot lang itong nakatitig sa mga labi ng makisig na CEO na nasa harapan niya.

"Bakit ikaw pa ang napili? Ngayon ang puso ko ay sawi. Kay simple lang ng aking hiling. Na madama mo rin ang pait at pighati...🎶" Patuloy pa rin ang feel na feel na pagkanta ng isang babae kasama ang banda.

Tinabingi naman ni Lukrecia ang mukha niya at malungkot niya muling tinignan ang mukha ni Mr. Lee. Naduling siya bigla. At maya-maya pa ay naiyak siya.

"Sana'y magmilagro. Mabalik ko. Mali ay mai-diretso. 'Pinagdarasal ko. Sa 'king puso. Na mabura ka sa isip ko...🎶"

"Mr. Lee?"

Tumigil ang ang pagkanta ng babae.

Hindi na rin bumagal ang ikot ng mundo ni Lukrecia.

"Yes Lukrecia?" malapad ang ngiti ni Mr. Lee.

"Pa'nu kung totoong ma-adik ako sa'yu? Talaga bang totokhangin mu aku?" ani Lukrecia, may dumaloy na luha mula sa kanang mata niya.

"Wait? Are you crying?"

Nakagat ni Lukrecia ang labi niya. Gusto niyang sabihin na nagugustuhan niya na si Mr. Lee pero natatakot siya. Natatakot siya na kapag siya ang unang umamin ay baka maging katulad din ang mangyari sa kanila ni Mr. Lee sa sinapit nilang dalawa ni Dudong.

"Ha? Wala! Humekab lang ako!" ani Lukrecia at kunwaring humikab siya.

"Ikaw talaga," nakangiting ani Mr. Lee sabay pat sa ulo ni Lukrecia, parang aso lang.

"Let's go? Let's start the photoshoot tonight?" ani Mr. Lee at labis na nasaktan si Lukrecia nang hindi man lang siya hinintay ni Mr. Lee para makasabay siya nitong maglakad. Pero sabagay? Sino ba siya para hintayin ng isang CEO?

"Bakit ikaw pa ang napili? Ngayon ang puso ko ay sawi Kay simple lang ng aking hiling. Na madama mo rin ang pait at pighati...🎶" Muling kumanta ang babae sa hindi kalayuan at maya-maya pa ay hindi na napigilan ni Lukrecia ang sarili at niyakap niya na si Mr. Lee mula sa likuran nito. Madiing ipinikit ni Lukrecia ang mga mata niya at maya-maya pa ay muli siyang naiyak habang nakayap mula sa likuran ni Mr. Lee.

"Porque contigo yo ya eskuhi? Ahora mi corazon ta supri. Bien simple lang iyo ta pidi. Era cinti tu el cosa yo ya cinti...🎶"

*  *  *

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Where stories live. Discover now