"Siya 'yong anak ng may publishing company sa New York. I'm right, right?" paninigurado ni Daddy.

Unti-unti naman akong tumango. Muli kong tinignan si Jace na ngayo'y seryosong nakatingin sa kanyang cellphone.

Pumalakpak si Daddy at bahagyang tumawa bago lumingon kay Jace. Agad namang nag-angat ng tingin si Jace kay Daddy nang lingunin siya nito.

"Zarina has a lot of suitors when we were in New York pero ang tumagal lang na kilala ko ay iyong si Austin," kwento ni Daddy kay Jace.

Gusto ko na lang magtago sa ilalim ng lamesa sa sobrang hiya at bilangin ang mga alikabok na naiwan sa lapag. Jace doesn't need those kind of useless and unnecessary informations.

"Pero ewan ko ba dito kay Zarina. Ni isa sa mga manliligaw ay walang sinagot. She just focused with her studies," sabay bawi ni Daddy. "It's really a right choice to make her study in New York. She made everything worth it."

I looked at him and I saw his proud smile. I can't help but to smile, too. I feel like I did a very right thing and I deserve a reward for being such a good daughter.

"Ah, yes... My twin told me before that she's going to New York that's why she can't attend her debut. She thought it's just a trip or a vacation," pagkwento ni Jace at muli akong napalingon sa kaniya.

Naalala ko ang pag-aya sa akin noon ni Liana na tinanggihan ko. Talaga palang nag-oopen siya sa kanyang kakambal.

"Well, her mother wants her to study in New York. They already talked about that before her debut. Noong una'y umapila si Zarina pero kalaunan ay pumayag na rin siya. Hindi rin naman kasi siya papayagan ng Mommy niya na hindi doon mag-aral at sumama sa amin," sabi naman ni Daddy. "She's our only daughter. She is our princess. I also won't allow her to stay here alone. Hindi mapapanatag ang loob ko."

Hindi ako makapaniwalang baliwala lang kay Daddy ang pagk-kwento ng mga ito kay Jace. Sobrang bilis mapalagay ng kanyang loob sa kanya upang masabi ang mga bagay na dapat ay nakapaloob lamang sa pamilya namin.

Kita ko namagn napatahimik si Jace. He's wearing his usual expression but he looks like he's thinking about something deep.

Bigla namang tumunog ang cellphone ni Jace na nagpaantala sa kanyang pag-iisip.

Tinignan niya ito at napahinga ng mlalim.

"Excuse me," he said to Daddy before he answered the call.

Tumayo at saka tumalikod upang sagutin ang tawag.

"You're here?" mahinang sabi niya ngunit dinig ko pa rin 'yon. "Okay. Just ask someone to lead you here. Iyong tinext ko sa'yo kanina. Yes. Okay. Bye."

Pagkatapos ng tawag ay agad na humarap si Jace sa amin ni Daddy.

"Hope you don't mind po if I invited someone to join us for dinner," sabi ni Jace kay Daddy.

Agad namang umiling si Daddy at ngumiti. "It's fine, Jace. May vacant seat pa naman."

I became uneasy when he mentioned about an uninvited guest. Mukhang hindi ko magugustuhan kung sino man 'yan lalo na kung babae.

Nang makarinig ng katok mula sa pintuan ay agad akong nag-angat ng tingin. Sabay namang bumukas ang pintuan at lumitaw ang babaeng nakangiti sa waitress na naghatid sa kanya rito.

She's wearing a fitted red dress that gave emphasis to her curves. May nakasabit ding white coat sa kanyang magkabilang balikat. She looks so mature and professional.

Is the type of girl that Jace likes is like her?

Kayang-kaya kong gayahin ang kanyang pananamit at ang awrang ipinapakita niya pero hindi katulad niyang natural na. You will see that I'm really trying hard lalo na kapag nagsalita na ako o kapag nagpakita na ako ng ekspresyon.

Arctic Heart [#Wattys2018 Winner]Where stories live. Discover now