Mahirap paniwalaan pero mahal kita
Sa isip at puso ikaw lang walang iba
Di maipaliwanag bakit hanap ka ng mata
Oo. Imposible pero maniwala ka sana
Sa maraming bagay parehas tayo
Mundo natin ay di magkalayo
Ikot ng isip moy akin ng kabisado
Sana pintig ng ating pusoy magkatagpo
Ngayoy maglalakas loob
Susundin ko aking kutob
Hinding hindi na matatakot
Para sa duloy di malungkot
Sana tignan aking labi
Dahil itoy may sinasabi
Minamahal kita ng matindi
Kahit parehas tayong lalaki
