Kamusta bro? Wala ng intro intro
Ilan na ba ang natuhog mo?
Dami na noh?
Buti wala ka pang tulo
Ilang babae na ba ang iyong biniyak
Ilang babae na ba ang iyong pinaiyak
Ilang babae na ba ang niloko mo ng mga salita mong mabulaklak.
Ilang pangako na ba ang napako
Ilan na ba ang nadala mo sa SOGO
Ilan na ba ang natalsikan mo ng likodo
Mag ingat ka baka may tiyan ka nang napalobo
Ikina gwapo mo ba yan?
Tingin mo angat kaasa iba nyan
Akala mo ang pagiging pogi yan ang basehan
Mali ka bro kaya iyo ng tigilan
Ang babae hindi kahoy yan para lang sibakin
Ang babae hindi palay yan para lang bayuhin
Ang babae hindi bukid yan para lng araruhin
Ang mga babae tao yan na kailangang respetuhin
Pati iba nadadamay ng dahil sayo
Di na tuloy pinagkakatiwalaan pati matitino
Mga lalaki tuloy nilalahat na
Pumapanget tuloy imahe ng mga inosenteng tao
Dapat sayo isumbong sa presidente
Dapat sa dalawa mong itlog kinukuryente
Dapat sa tulad mo pinuputulan ng ari
Para di na kumalat pa ang iyong lahi
Alisin mo na yang libog mo sa katawan
Kamayin mo nalng kung di mo kayang pigilan
Ipunas mo nalang sana sa basahan
Hindi ung naghahanap ka pa ng parausan
Ikaskas mo nalang sana sa pader
Hindi ung naghahanap ka pa ng partner
Gumamit ka nalang ng lotion sir
Wag ka ng gumamit ng babae brother
Nakakasakit ka kasi alam mo ba yon?!
Yung tipong papasok ka sa isang relasyon
Bobolahin mo para lang makuha ang intensyon
Tapos iiwan mo nalang pagkatapos mapasukan ang balon
Ilang babae pa ba ang masasaktan
Ilang babae pa ba ang pagsasamantalahan
Ilang babae pa ang m iiwanan mong luhaan
Para lang itigil ang iyong kagaguhan
Kapag ba may sakit ka na
Kapag ba wala ka nang babeng mabibiktima
Kapag ba wala ng babaeng magtitiwala
O kapag dumating na sayo ang karma
Sana nga karmahin ka
Para matauhan ka
Para pagsisihan mo lahat ng iyong ginawa
Para maramdaman mo ang nararamdaman nila
Sana dumating ung oras na ikaw naman
Ikaw naman ang masaktan
Ikaw naman ang mapagtripan
Pano kapag ikaw ang nasa katayuan nila
Pano kapag ikaw namn ang nagseryoso
Pano kapag ikaw naman ang maloko
Pano kapag ikaw naman ang iwan pagkatapos kunin ang mahalaga sayo
Sakit diba?!
Di mo inisip yon tanga!
Itigil mo na yan hangga't maaga pa
Wag mo ng hintayin na magsisi ka pa
Pano kapag kapatid mong babae ang ginanon
Pano kapag nagkaanak ka at ganon din ang sitwasyon
Sa tingin mo di ka magagalit non?!
Kaya naman magisip ka na ngayon
Ano bro titigil ka na ba o tutuloy ka pa
Wag masyadong makapal ang mukha
Di ka na nga kagwapuhan manloloko ka pa
Tao ka rin naman(di nga lang halata)
Kaya dapat kang matauhan
Respeto lang naman ang kailangan
Di pa huli ang lahat sayo
Pwede ka pang magbago
May ipapagawa na lang ako
Ipikit mo ang iyong mata
Isspin mo ang iyong kspatid na babae
O kaya'y babaeng sayo ay mahalaga
Isipin mo na katulad mo ang magiging boyfriend niya
Oh ano nagets mo na ba ?
Ngayon itigil mo na
TIME!
