UNANG KABANATA

7 1 0
                                    


          ANG malakas na kabog ng aking dibdib ay mas malakas pa sa naririnig kong ingay na nanggagaling sa mga tao.

          Hiyawan.

          Napuno nang malakas na palakpakan at sigawan ang apat na sulok na Gymnasium.Sana gaya nila ay kaya ko rin itong gawin na para bang wala nang bukas.

          DUG . DUG . DUG .

          "Sana ako." puno ng pagasa kong wika.Napalingon sa akin ang babaeng nasa tabi ko at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.Humarap kami sa isa't-isa at naghawak-kamay.

           DUG . DUG . DUG .

"Nanginginig ang kamay mo , Maris."aniya.

"At ang ating Champion para sa taunang School writing contest ay walang iba kundi si . . "

DUG . DUG . DUG .

"Maris Deguzman!"

Maris Deguzman? Ako? Ako ang nanalo?

Para bang huminto ang pagdaloy ng dugo ko nang banggitin ng babae ang pangalan ko.Ilang segundo ang lumipas at napuno ng katahimikan ang paligid-katahimikan na para bang hindi nila inaasahan ang nasabing resulta.Hindi ko alam kung pupunta na ba ako sa unahan para tanggapin ang aking parangal dahil sa nagtataasang kilay ng mga tao.

Bulungan.

Matapos ang ilang segundong katahimikan ay nabalot ng bulong-bulungan ang paligid.Mas gugustuhin ko pa atang batuhin nila ako ng basura kaysa tingnan na para bang isa akong hindi katanggap-tanggap na nilalang.

"Err . . Atin pong palakpakan ang ating Champion para sa taunang School writing contest."wika ng babae sa unahan na tila nagulat sa reaksiyon ng mga tao.

Nagpalakpakan ang mga tao.Palakpakan na hindi ko gustong marinig dahil sa nakakainsulto nitong hatid.

"Sige na , Pumunta ka na sa unahan Maris.Congratulations sa'yo!"nakangiting wika ng babae sa aking tabi.Ngumiti na lamang ako sa kanya bilang pasasalamat.

At gaya ng sabi niya ay dahan-dahan akong nagtungo sa unahan upang sana'y kunin ang aking parangal nang mapansin ko ang kaguluhan na nagaganap sa pagitan ng mga hurado at iba pang staff.Tinawag sandali ang babae na tagapagsalita sa unahan upang kausapin at ako ay naiwan sa unahan-balisa.

Nakayuko lamang ako nang mga oras na iyon.Wala akong maramdaman na kasiyahan at kalungkutan ang bumabalot sa aking katawan.Naramdaman ko ang pagakyat ng tagapagsalita kaya't umayos ako sa pagkakatayo at lumingon sa kanyang direksyon.Kitang-kita ko sa mga mata niya ang panghihinayang at kalungkutan na animo'y nanghihingi ng . . . paumanhin?

Bakit? Ang unang tanong na pumasok sa aking isipan.Sa kanyang pagharap sa mga tao ay nagbigay siya ng isang alanganing ngiti sa kanyang labi.

"Paumanhin po sa aking panandaliang paglisan sa stage dahil may importante po kaming sasabihin sa inyo at lubos kaming nanghihingi ng paumanhin sa lahat ng ito lalo na sa aking nabanggit kanina."wika nito.

Napangiti ako ng mapait nang maunawaan ko na ang mga nangyayari.

"Ang ating champion po ay si Janella Dizon."saad niya.

Hiyawan . Palakpakan .

Sana gaya nila ay kaya kong matuwa sa sinabi ng babae.Sana ay hindi ako kasalukuyang nakatayo sa kanilang unahan.Sana ay hindi ko ipinilit sa aking sarili na kaya kong manalo.

The Black Book of LusciousWhere stories live. Discover now