Sa likod ng masasayang tugtugin,
Mayroong nakatagong hiling.
Hiling na sana ikaw ay akin.
Ngunit, ang ikaw ay sa malayo nakatingin.
Baliw man kung iisipin,
Sakim man kung ituturing,
Ngunit itong puso'y sayo lang nakatingin.
Hindi ko napansin na may paparating.
Isang damdaming 'di ko akalain sa iba maibabaling,
Ikaw ang tumulak upang lisanin,
Ang mundong hindi naman akin.
Sa tuwing aking iisipin, ako'y napapailing.
Hindi na ikaw ang babaeng iibigin.
Di ko akalain ako'y mahuhulog sa iyong bangin.
Maraming salamat sa kanyang pagdating.
Mula nang siya ay lingunin ako'y nahumaling.
Dahil sakanya ako'y nagising,
Mula sa masamang tugtugin na sayo ay nanggaling.
-
----------
Dedicated to thatladyunnamed thankyou for the cover 😊😊
BẠN ĐANG ĐỌC
Tugtugin
Thơ caP.s Plagiarism is a crime no part of it should be distributed with out permission. This is dedicated to @thatladyunnamed thankyou sa cover 😊😊😊 vote and read/read and vote :)
