prologue

18 0 0
                                        

Isang malutong na sampal ang sumalubong sa akin pagkatuntong na pagkatuntong ko ng aking mga paa sa aming tahanan. Naroon ang lahat at tila sadyang inaabangan ang aking pagdating.

Hindi nakatiis si Mommy at nilapitan ako pagkatapos kong makatanggap ng sampal mula sa aking ama. I deserved it.

"Ganyan ka ba namin pinalaki Liana?! Ganyan ba?!" Namayani ang boses ni Daddy nang sigawan nya ako sa harap ni Mom, Ate at Kuya. Hindi ako nakasagot, ramdam na ramdam ko ang hapdi ng aking pisngi na dulot ng pagdapo ng palad ng aking ama roon.

"Rico calm down. Baka pwede natin 'tong daanin sa usapan," hinawakan ako ni Mom sa braso ngunit nanatili lamang akong nakatungo. I couldn't face them knowing what I did was such a shameful act and I deserved to be called a 'disgrace' to the family.

"Huwag na huwag mong makampihan 'yang anak mo ngayon Carmella. You know how much I love that child pero hindi natin 'yan pinalaki para magpagamit lamang at mang-agaw ng lalaki," Dad said fuming in anger. Nag-unahan ang aking mga luha sa aking narinig. Napakasakit pakinggan ng mga katagang iyon lalo pa't nanggaling mismo ang mga iyon sa sarili kong ama.

"Rico enough! Hindi ko kinakampihan ang anak ko pero hindi rin tamang pagsabihan sya ng ganito! She has made a mistake, a terrible mistake, pero hindi naman niya ginusto iyon. Anak ko ang batang ito Rico, dugo't laman ko. Kilala ko sya, kilala ko ang mga anak ko higit kanino kaya huwag kang makapagbitiw-bitiw ng ganyang mga salita sa anak mo--"

"Baka nakakalimutan mo, anak mo rin ang isa pang naaapektuhan dito Carmella. Huwag mong konsintehin 'yang bunso mo habang nasasaktan dito ang isa pang anak mo!" Dad shouted back. He was referring to my older sister who was silently crying beside my brother.

Napapitlag ako nang may humawak sa kamay ko. Nag-angat ako ng tingin at nakitang si Kuya iyon.

"Umakyat ka na muna, padadalhan nalang kita ng pagkain doon," iginiya niya ako patungo sa hagdanan. Walang imik naman akong nagpahila sa kanya at dumiretso na sa itaas.

When My Sister's Lover Married meHistórias para pegar e não largar. Descubra agora