*calling Dylan*
(Oh?)
“Dylan! San ka!?”
(Bahay.)
“Tambay tayo?”
(May date ako.)
“Weh?”
(Bye.)
Tuuuut tuuuuut tuuuuut.
Ay! Hashtag medyo bastos. Tsk.
*calling Jeero*
(Uhmmmmm)
“Hello, Jeero?”
(Mmmmm?)
“Wag mong sabihing tulog ka pa?”
(Mm.)
“Ay sorry nagising pala kita.”
(Mm.)
“EH! Bumangon ka na dyan alas onse na aba!”
(Hmmmmm.)
“Tambay tayo.”
(Mmmmmm.)
“Hoy, nakikinig ka ba?”
(Mm.)
“JEERO!” Sinigawan ko nga.
(Ay tanga. Grabe ka naman Leng.)
“Ayaw mo gumising eh!”
(Gising na ko.)
“Talaga?”
(Mm.)
“So ano, tambay tayo?”
(Mm.)
“AISH! Sige na nga matulog ka na lang dyan!”
(Mm.)
“K thanks bye!” at binabaan ko na. Ako naman ang hashtag medyo bastos.
Hay nako. Sigurado may hang-over na naman yung ulupong na yun. TSK.
Si Ivan kaya? Puntahan ko kaya sila sa bahay nila? Tutal sabi naman ni BB lumabas daw kami minsan diba? HAHAHA tama ang galing mo talaga Leeanne Faye. Tamang-tama malapit na maglunch, panigurado maraming pagkain kina Vano ngayon. HARHAR
...................
Pinark ko sa tapat mismo ng gate nina Vano yung motor ni Kuya Liam. Oo nakamotor ako. Nakakatamad kaya maglakad. Tsaka di naman malalaman ni kuya e. Wag nyo lang akong isusumbong.
Pipindutin ko na sana yung doorbell nang mapansin kong hindi nakalock yung gate. So there, pumasok na ko.
At dahil bukas din ang maindoor, pumasok na ko. Naririnig kong may nagkakalampagan sa kusina kaya nagdere-deretso ako papunta don. Isusurprise ko na lang sila.
Habang papalapit, naramdaman ko ang pagkulo ng galit kong tyan. Ang bango...
Pagkarating ko sa dinning room, dahan-dahan akong sumilip sa kitchen.
Ivan is there, Blaire is there.
Pareho silang nakatayo malapit sa stove. Habang naghahalo si Blaire, nakatayo lang sa tabi nya si Ivan.
“Come on, Phil. Taste it.” Sabi nya tapos akmang susubuan si Ivan.
“I don’t have to. I bet it’s delicious.”
“Noooo. Please please please, Phil. Taste it.”
“Fine.” Tapos sinubuan nya si Vano. “As expected.” He said then smiled.
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----44th string-----
Start from the beginning
