Poetry

24 4 2
                                        

1 salita, sampung letra
Ikaw ang aking kakampi sa hirap at ginhawa
Sa kasiyahan at kalungkutan ikaw ang aking naging kasangga
Hindi mo ako sinukuan kahit na ikaw ang aking naging takbuhan kung may kailangan
Hindi mo ako binitawan kahit na ikaw ay nahihirapan

Ikaw ang nagbigay ng lubos na kasiyahang hindi ko inaasahan
Ngunit ikaw rin pala ang magbibigay ng sukdulang kalungkutan
Sa paglipas ng panahon ay hindi mo ako pinabayaan
Hindi mo ako masisisi kung bibigyan ko ito ng ibang kahulugan

Hindi ko alam kung kailan, bakit at paano
Basta ang alam ko lang ay bigla akong napaibig sayo
Ayaw kong sabihin sayo ang lihim kong pagtingin dahil sa takot na baka layuan mo ako
Kaya't pinilit ko na itago ang lihim kong pagmamahal sayo

Binigay ko lahat ng aking makakaya
Binigyan kita ng halagang ngayon ay iyong tinatamasa
Ngunit sa paglipas ng panahon ang loob mo'y tila lumalayo sa akin
Hindi ko mawari ang mga dahilang iyong binitawan
Ang tanong ko lang sayo ay bakit nawala ka noong mga panahon na ikaw ay aking kailangan?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon