Diary ng Gwapong Mahinhin Noon, Siga Ngayon (True Story)

74 0 0
                                        

Introduction

                 Ang story na ito ay tungkol sa lalaking dumaan sa identity crisis at naging straight na ngayon. Ipagpalagay na lang natin na imposible talagang mangyari na from "GAY to STRAIGHT" pero in God's will nothing is impossible at dahil na din sa isang Babae na naging First Love niya pero never na naging sila (FRIENDZONED)

Chapter 1

                Siya si Drew (Gwapo) bunso siya sa limang magkakapatid siya din lang ang only boy in the family. Lumaki siya kasama ang apat niyang mga ate. During Elementary Days almost friends ni Drew ay puro mga girls and mahilig siya sa paglalaro ng chinese garter, paper dolls at jackstone with his girl-friends. Hindi mapag kakaila talaga na may something na talaga kay Drew pero ini-ignore nalang ito ng kanyang mga magulang kase nga bata pa at no doubt siya lang talaga ang nag-iisang lalaking anak sa pamilya. Grade 1 si Drew noon may crush siya na Babae pero pagdating ng Grade 3 nagsimula na din siyang mag ka crush sa Lalaki. Nung nag Grade 4 na si Drew may nakilala siyang isang Lalaki Lean ang pangalan (Gwapo din) at naging bestfriend niya ang kapatid na babae nito si Kathryn. Nung nag Grade 6 na si Drew may nakilala siyang classmate niya na babae Irish ang pangalan at naging crush niya ito at unti-unti ng nawawala ang pagka attract niya kay Lean kahit mag kaklase silang tatlo (Drew,Irish,Lean). Grumaduate na sila ng Elementary.....

Chapter 2   High-School Days

                    High-School na si Drew excited na siyang pumasok sa first day of class.Naghahanap na siya kung ano ang isusuot niya. Si Drew ay hindi siya yung tipo ng bakla na magsusuot ng pambabae, malandi at mag ambisyon na magkaboyfriend na aattract lang... iba siya sa ibang bakla.. Tinitingnan niya ang mga listahan sa bawat classroom kung nakalista ba ang pangalan niya doon. I- Section C siya habang sina Lean, Kathryn at Irish I-Section B. May bago nanamang nakilala si Drew na classmate niya na lalaki Annrue ang pangalan mas pogi pa kay Lean... haha at naging super crush niya ito at nang bigla niyang nakita ito sa isang mall na may kasamang babae (gf) sobrang nasaktan siya at nilagnat kinabukasan. Mula noon nagsimula na siyang mag move-on. Pagkadating ng Second Year super sad si Drew kase trumansfer ng ibang school si Annrue at tuluyan na talaga siyang naka move-on. 2nd year na si Drew may naging close siya na babae Joy ang pangalan, simple, charming, cute, mabait at maganda pero astigin ang dating. Naging matalik silang magkaibigan, magkasama sa pag iinternet (FRIENDSTER) at parating magkasama sa pag-uwi. 

Chapter 3

            Dumating ang araw na parang may gumugulo sa isipan ni Drew na hindi niya maipaliwanag, nang bigla nalang siyang nagkagusto kay Joy hindi na niya maintindihan bat nagkakagusto siya sa lalaki at babae. Simula noon naiilang na siyang sumama kay Joy, hindi makaderetso ng tingin pag kinakausap ni Joy at naglakas loob na hindi magpapahalata. Alam na ni Joy na may pag kahinhin itong si Drew kaya din niya ito nagustuhan at naging mabuting magkaibigan. May isang araw na sa during PE time nag-uusap at nagtatawanan sina Drew at Joyce kasama ang iba pang mga classmate nila na bigla nalang sinabi ni Joy na "Gwapo naman pala itong si Drew pag naka Smile" sobrang saya ni Drew na narinig niya iyon mismo sa mga labi ni Joy at sabay kantyaw mula sa mga kaklase nila na "Uy gwapo daw si Drew sabi ni Joy, at alam niyo bagay naman talaga kayong dalawa ikao Drew may pagka bakla, ikaw naman Joy may pagka tibo" sabay tawa. Kilig na kilig si Drew ng mga panahong iyon. Umuwi na sa bahay si Drew kumain, nagpunas at nag study sa pagkahiga niya sa kanyang malambot na kama na pag-isipan niya ng malalim "ano ba talaga ako? sino ba ako? bakit ito ang nararamdaman ko?". Kina umagahan naisipan ni Drew na gumawa ng Love Letter para kay Joy. Lumipas ang mga ilang araw nagsimula ng bumuo ng sulat si Drew para kay Joy isinulat niya dito kung ano ang nagustuhan niya kay Joy at kung gaano niya kagusto si Joy. Mahigit kumulang tatlong araw na binuo niya ang sulat na nagmula sa kanyang puso ang mga mensaheng nakapaloob sa liham. Isang araw gusto na sanang ibigay ni Drew ang Love Letter kay Joy ngunit nahihiya siya sa kanyang mga kaklase at lalo na kay Joy. eh! sino bang hindi mahihiya na sa paningin nila na bakla ka talaga at bigla nalang magpapadala ng Love Letter sa Babae. Ayon nagkaroon ng brilliant idea si Drew so ipinadala nalang niya ito sa isang classmate niya na girl na kapitbahay ni Joy at nakarating naman sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Diary ng Gwapong Mahinhin Noon, Siga Ngayon (True Story)Where stories live. Discover now