Alam nyo ba yung kanta ni Bugoy nun? Nakakarelate ako sa kanta nayan nung nauso yan. Medyo kahawig to nung chapter 9. Haha. Nagtataka ka siguro kung bakit ganyan yung title nung chapter na to, pakinggan mo yung kanta ni Budoy na yan, tungkol dyan yung isusulat ko.. kung tinatamad ka naman, basahin mo na lang to. :)
Dalawang beses na nangyari sakin to.. ang mainlove sa isang kaibgan. Sa isang close na kaibigan, yung parang bestfriend ba. Unang beses na nangyari sakin to nung 4th year highschool ako nung nasa pinas pa ko. Nagsimula yun nung kalagitnaan na ng 4th year highschool ko.. Magkahiwalay kami ng section. Itatago ko nalang uli siya sa pangalang, "Jen". 2nd year highschool palang kami ni Jen, close na kaming dalawa. Actually, ka MU ko siya dati nung 1st year highschool ako.. e dahil sa mas gusto nya yung bestfriend ko, wala na kong magagawa kung di tanggapin yun. Pero ayos naman dahil walang nagbago samin ng bestfriend ko. :) Isa pa yun e, ang torpe. Haha. Hanggang sa naging close friend ko na si Jen.. ganun kaming dalawa kahit nung 3rd year highschool at 4th year. Lagi kong kinukurot pisngi niya, madalas magkausap kame. Tawa ng tawa, kwentuhan sa mga bagay bagay.. kamustahan.. puro ganyan. Kapag may problema ako, o kaya siya, pinag-uusapan namin, cinocomfort ko siya, cinocomfort nya din ako minsan.. Bago ko siya ligawan, meron pa siyang naging boyfriend nun nung 3rd year kami.. buti nga hindi nagseselos yung boyfriend nya dahil sobrang close ko kay Jen. Lumayo din ako nung una dahil nga baka magselos, pero sabi naman ni Jen okay lang daw dahil alam naman ng boyfriend nya na MAGKAIBIGAN lang kami.
Hanggang sa maghiwalay silang dalawa nung 4th year na kami.. mas lumalapit yung loob ko kay Jen nun, ang bait niya kasi, ang ganda pa. :) Rosy cheeks, singkit yung mata, kahit na chubby yun, malakas talaga dating niya sa lalake. Tapos ayun nga, sino bang hindi magkakagusto sa ganung babae, swerte na nga ako dahil kaibigan ko siya. Haha. Dahil sa inlove na nga ako sa kanya nun, gumagawa na ko ng diary tungkol yun lahat sa kanya, sa mga nangyari sa araw araw sa school.. ayun, tapos nung sembreak, ginawan ko siya ng stitch, na nakatahi yung name niya. Kakatamad nga e, pero iniisip ko para sa kanya naman eh, ayos lang yun. :)
Bago ko umamin sa kanya, nag-ipon muna ako ng lakas ng loob nun tska ng tapang para sabihin sa kanya. Haha. Kinekwento ko pa nga sa seatmate ko yun eh, kaming dalawa lang nakakaalam.. haha. Suportado naman yung kaibigan ko nayun sakin, nagbibigay din siya ng mga ideas.. ganun. Ayun na, umamin na ko sa kanya nun. Kausap ko siya nung gabi na yun.. sabi ko, "Jen, may sasabihin ako sayo.. kaso wag ka magagalit ah." Sinabi kong mahal ko siya, na hindi pa nawawala yung pagtingin ko sa kanya.. syempre siya, nagulat napa "Haa??!!!" nalang siya sa sobrang gulat niya.. bakit daw.. ganun. ganun.. haha. Hanggang sa ayun na, naamin ko na sakanya.. ang sarap lang sa umaamin eh yung kapag nasabi mo na sa kanya yung matagal mo ng gustong sabihin, yung nailabas mo na yung pinakatatago tago mong nararamdaman para sa kanya. Masarap sa pakiramdam, pagkatapos non, wala na muna akong pakialam kung ano mangyaring susunod, basta nasa isip ko nun, ayos na.. naamin ko na sa kanya. Para kong nabunutang ng tinik nun. Haha. :)
Hanggang sa ganun, nanliligaw na ko sa kanya.. nagsusulat ako sa diary ko. Tinatapos ko yung regalo ko sa kanya.. hanggang sa dumating yung araw na binigay ko na sa kanya yung mga gnawa ko. Yung diary, yung stitch, tapos may sulat pa. Haha. Nagpasalamat naman siya sakin, salamat daw.. ganyan.. ganyan. Babasahin nya daw yun. Hanggang sa magkausap kami araw araw, magkatext kami madalas.. Bigla nalang hindi siya namamansin. Lumalayo siya sakin minsan.. sympre naiisip ko dalawang dahilan lang naman kung lalayo sayo yung babae.. Naiilang siya sayo, o ayaw niya sayo. Hindi ko pa alam kung ano sa dalawang yun kung anong dahilan kung bakit siya lumalayo.
Try out sa school namin yun, para sa mga team para sa intrams. Pinapanood ko siya habang nagvovolleyball siya, syempre nagchecheer din. Haha. Tapos uwian na, may bitbit siyang bad nun na medyo mabigat.. Kinuha ko sa kanya sabi ko, "Ako na magdadala." Ayaw niya.. kinukuha niya sakin tapos biglang lalayo. Syempre ako kahit ganun lang, nasasaktan na ko.. kaya umuwi nalang ako, sila nagpunta pa sa Mcdonalds. Syempre ako, malungkot habang nasa jeep.. sakit kaya. Haha. </3 Pagkauwi ko ng bahay, tinext ko yung kaibgan kong babae, kasama niya si Jen nun. Buti nalang talga tinext ako ng kaibgan ko nun, kung hindi matagal akong maghihintay sa wala.. sinabi niya sakin na wala daw akong pag-asa kay Jen, na kaibigan lang daw talaga yung tingin niya sakin.. Hindi pa nga ako naniniwala nun dahil ayoko maniwala sa sinabi nya. Pero si Jen daw mismo nagsabi sa kanya, na wala daw talagang pag-asa.. Nung nalaman ko yun, medyo nagalit ako sa kanya.. hindi dahil sa hindi nya ko gusto, dahil kasi alam na pala niyang wala akong pag-asa sa kanya sa kanya, hindi niya pa sinasabi agad. Ewan ko kung bakit, siguro mahirap nga naman sabihin dahil ayaw niya ko saktan. Pero mas masakit naman yung paaasahin mo yung isang tao ng matagal tapos wala naman palang mangyayare..
Nasa bahay ako nun nung gabi na nalaman ko yun, nung nalaman ko yun.. nagpunta agad ako sa kwarto ko, sinarado ko yung pinto.. niyakap ko yung unan ko ng sobrang higpit, matawa na kayo pero naiyak ako nung gabi nayun.. bawat hinga ko napakalalim. Pero nung gabing din yun, tanggap ko na lahat.. pero syempre andun parin yung sakit. Isang linggo ko siyang hindi kinausap nun.. sa isang linggo na yun, sinasabi niyang ayusin namin yung problema, dahil ayaw dw niyang mawala yung friendship namin. Mag-usap daw kaming dalawa.. ayun. Dahil nga ayoko din naman mawala yung pinagsamahan namin, naging okay kaming dalawa, bumalik yung dating kami.. hindi na ko nagseselos kapag nakikita kong meron syang kasamang lalake, o kung may nanliligaw man sa kanya. Sa ngayon wala na kaming communication.. pero nakikia ko sa FB ko na meron na ata siyang boyfriend. Syempre masaya ko para sa kaibgan ko, sigurado akong napakaswerte ng lalake nayun, at wag na wag niyang sasaktan yung kaibgan kong yun.. :)
Yung pangalawang nangyari sakin yun, siya yung tinutukoy ko sa chapter 9. Kaso nga lang, hindi pa nababalik yung dating kame. Haha. Hindi ko din alam kung bakit, sinusubukan ko kasi pero ayaw eh.. di ko alam kung bakit. Hahaha.
Mahirap mapasok sa ganitong sitwasyon.. lalo na nga kaibgan mo. Kapag kasi once na umamin ka sa kanya, dapat handa ka sa kahit anong pwedeng mangyare, dalawa lang naman eh, kung gusto ka din niya, o hindi. Kung hindi, madalas nawawala na yung friendship niyo, madalas nawawala yung pinagsamahan.. pero sabi ko nga depende naman sa inyo yung kung mababalik niyo yung dating kayo. Hindi mo rin naman kasi masisisi yung sarili mo kapag nagmamahal ka e. Bigla bigla mo nalang mararamdaman yan sa isang tao.. hindi mo rin masisisi yung sarili mo na mahulog ka sa kanya dahil sa pinapakita niya sayo, sa ugali nya o kaya sa itsura niya. Kaya hindi tama na sabihin kong wag kang mahulog sa isang kaibgan, hangga't maaari lang, wag kang mahulog sa kaibgan mo.. peri di rin eh, di mo nga kasi macocontrol yang nararamdaman mo sa isang tao. Haha. Ewan. Basta kung matapang ka at handa kang mawala yung pinagsamahan niyo ng kaibgan mo, umamin ka sa kanya! Haha. Kesa naman sa torpe, malay mo gusto ka rin pala ng kaibgan mo. ;)
*END
YOU ARE READING
Eh sa gusto ko magsulat eh?!
RomanceBago mo basahin to, mag-promise ka muna sa sarili mo na di ka mababaduyan. Promise?
