Nakaupo ang dalaga sa upuan ng bus na sinasakyan nila.Hindi pa ito umaandar dahil hindi pa naman oras para ito ay bumyahe.Nakatingin lang ang huli sa bintana at may iniisip na isang tao habang hinihintay ang kasama.Nagtatalo pa sa isip nya kung ang pag-alis nya papuntang Maynila ay itutuloy nya pa.Ngunit ng maalala nya ang mga pangyayari na dinanas nya mula rito ay naging itim na naman ang damdamin nya para sa huli.
"Sorry kung iiwan kita.Sorry kung ito lang ang paraan upang maging masaya naman ako.Hindi ako makasarili,ginagawa ko lang ang dapat.Sana wag mong pabayaan ang sarili mo at sana maging masaya ka sa piling nya.Ngunit may isang bagay na nagdudugtong pa sa atin at iyon ay akin na lamang babalewalain."banggit nito na ang pinapaksa ay ang isang taong nasa isip nya.
Ngunit kulang ang nasa isip nya na nagdudugtong sa kanilang dalawa dahil bukod doon ay may dalawa pa,una--ang di mawalang pag-ibig nito sa isa na pinipilit nya sa sarili nya na wala na at ang pangalawa--ang isang bagay na hindi pa nya nalalalaman ngunit malapit nya ng malaman dahil ito'y pag-aari lamang nya.
Napabuntong hininga na lamang ito at sabay pagdating ng kanyang kasama na bumili sandali sa labas ng maaari nilang kainin.Tumingin sya dito at nagkangitian sila.Binigyan naman sya ng kasama nya ng pagkain at umupo sa tabi nya.Kumain sila at nagsimula ng umandar ang sinasakyan nilang bus.Muli syang napatingin sa lugar na nilakhan nya.
"Paalam.Salamat sa lugar na naging parte ng buhay ko."wika niya at pumikit na lang habang kumakain.
Gusto nyang makatakas sa lalaking minahal nya ng sobra dahil sa mga pangyayaring dinanas nya rito.Marahil sa una ay kampihan sya ng tadhana ngunit baka sa huli ito'y tumalikod sa kanya at sila'y muling pagkitain.
YOU ARE READING
Proxy Girl
RomanceFray Senior Agustin-maraming nagkakagusto sa kanya.He's looks perfect on the eyes of his admirer.He has the word charisma that every girls fall for it.But the situation is,he don't know how to court a girl.He had more girls in his life,but every one...
