When The Sun Sets

24 4 4
                                        

"Reyeeeeeeees!!!"

Ay buteteng kalabaw nga naman! Nagbabalik si kumag.

Ako nga pla si Alexandra Mae Reyes. Lex, for short. Ang pinakamagandang nilalang sa mundong Mars. Charot hahaha. Di naman ako maganda eh, di rin panget. Katamtaman lang. Nasa second year college at pumapasok sa Brandon University.

Anyways, balik tayo kay kumag.

Wag mo siyang papansin at lilingunin, Lex. Wag na wag.

Binilisan ko ang lakad bago pa niya ako maabutan. Maya maya, bumigat yung bag ko. Teka, ba't nga ba bumigat? Pagkalingon ko sa kanan ko, jusko Lord! Ano bang kasalanan ko at pinaparusahan ako ng ganito?

"Good morning, prinsesa ko." Nakangiti niyang sabi sakin habang nakaakbay.

Siya si Yuan Gonzales. Ang PINAKAmahangin na nilalang na nakilala ko. Ang sabi ng iba, gwapo daw. Pfft! Di ko makita. At ang sabi rin ng iba, kaya niya daw ako laging inaasar, kasi daw may gusto DAW siya sakin. As if noh.

Tumigil ako sa paglalakad at tinanggal yung kamay niyang nakaakbay sakin.

"Prinsesa mo mukha mo! Ano na naman bang kailangan mo at kailangan mo pang sirain yung umaga ko?" Kahit na araw araw naman nasisira araw ko dahil sayo =______=

"Kailangan ko? Ikaw eh." Ugh. Yan na naman siya sa mga banat niya.

"Pssh.  Bahala ka na nga diyan." Umalis na ako bago ko pa siya masapak. Nakakagigil!

"Oy prinsesa ko! Wag mo namang iwan ang gwapong tulad ko!"

Akala ko, titigilan niya na ako..... MALING AKALA LANG PALA!

Kasi ang kumag, sumusunod parin sakin. Hanubaaaaa?!

Hinayaan ko na kasi araw araw ganito na ang sitwasyon naming dalawa. Yuck! Naming dalawa? Ewwwww! Germs!

Dumiretso na ako sa upuan ko pagkadating ko ng classroom. Pero shoot! Nakalimutan ko na seatmates din pala kami. Thanks to him, sinuggest niya kay maam na tatabi siya sakin. Wala naman akong magawa kasi wala na ring vacant seats.

Kinuha ko na lang ang libro ko at earphones para di muna ako guluhin ni Yuan. Pero wala pang isang minuto...

"Prinsesa ko, bakit ang ganda mo?" Tinanggal niya lang naman ang earphone ko sa left side (dahil dun yung upuan niya) at biglang nagtanong.

Uminit ata sa pwesto ko.

"Uyyyyyy, namumula ang prinsesa ko!"

'Uy ang sweet na naman nina Yuan at Lex oh!'

'I swear bagay na bagay sila. Kyahh!'

'Sana ganyan din boyfriend ko!'

'Kaibigan namin yan!'

'Yun oh! May development na! 'Tol kwento ka mamaya!'

Ayan. Resulta ng pagsigaw niya na namumula ako. Mamaya, for sure nasa hot seat na naman ako.

Hinawakan ko ang pisngi ko at mainit nga. Bakit kasi ang bilis bilis kong mamula sa mga ganitong bagay eh.

"Hay nako, Yuan. Tigil tigilan mo na nga ako. Akin na nga yan!" Kinuha ko sa kanya yung left earphone ko pero nilayo niya lang.

"Kiss mo muna ako." He smirked.

Anu daaaaaw?!

"Huh. Asa ka." Pinilit kong abutin sa kamay niya pero dahil sa tangkad nito, nahihirapan ako. Tumayo pa kasi eh. Nasa balikat niya lang kaya ako!

When The Sun SetsOnde histórias criam vida. Descubra agora