Simula

2 0 0
                                        

Lauren's Pov

Ang kapal ng mukha ng unggoy na yun! Ako si Lauren Gail Andres, papatulan ang isang womanizer na kagaya niya?! to hell with that! At anong sabi niya naikama na niya ko?! Walanghiyang kulugong yun kahit siya pa ang nag-iisang lalaki sa mundo hinding hindi ko siya papatusin kahit na sobrang gwapo pa niya tse-Letse!

Makita ko lang talaga ang pagmumukha niya mata lang niya walang latay!

Naglalakad lakad ako sa Hallway patungo sa aking unang klase, at talaga naman ang mga tsismosa parang ibon they flock together! kahit san ako lumingon aba'y di nakakaligtas sa mga mata ko ang mga mapanuri nilang mata.

Wala ata silang magawa sa mga buhay buhay nila at enjoy na enjoy silang pag-usapan ang buhay ng iba, sarap pagbibigyan ng flying kick sa mukha!

Nang marating ko ang classroom namin, humarang agad sa harap ko ang mga ilusyonada kong kaklase, mga anak mayaman, spoiled brat, at hello doc ang mga pagmumukha.

"Hoy! Lauren ano tong naririnig naming nagdididikit ka daw kay Edwin Flores?". Si monica.

"At hindi lang yun sis, naikama na daw iyan ni Edwin, akala ko pa naman tomboy ka?". Si Eunice at sinipat pa ko mula ulo hanggang paa.

"May tomboy bang malandi? if I know arte niya lang yun para mapansin ni Edwin my love". Si Alysa, na kinikilig kilig pa habang sinasabi ang huling salita.

Napa-360degree ang mata kong may mahahaba at makapal na pilik-mata, natural yan te!

"As if namang papatulan ko yung sex maniac na yun". Bulong bulong ko.

"Aba aba anong binubulong bulong mo jan?". tanong ni Alysa

"Sabi ko tumabi kayo sa dinadaanan ko kung ayaw niyong i-headlock ko kayo!". Sabi ko at inangat ang braso ko sabay paikot ikot nito sa harap nila, natakot naman ang mga impakta at nagsialis.

Tsk! puro satsat takot din naman pala.
Nagtungo ko sa assigned chair ko ang pabagsak na naupo dun, What a great day to start sabi ko sa isip ko.

"Babaita ka! sinabi ko na sayong wag ka munang pumasok eh, tignan mo ngayon pinagpipiyestahan ka ng mga tsismosa. Ano ba naman kasing eskwelahan 'to? naturingang pribado at puro anak mayaman ang nag-aaral, pero puro walang mga pinag-aralan!". Sabi ni Angie, habang lumalapit sakin at piniflip ang kulot niyang buhok.

Si Angie ang bestfriend ko friends na kami since highschool, at siya din ang nambulabog sakin ng pagkaaga-aga para lang ichika ang nalaman niya. Tsk! pasyente bakit naman ako liliban sa klase, as if namang matakot ako sa kanila?

Nang dumating ang una namin lecturer ay nagsipuntahan nadin ang mga kaklase ko sa upuan nila.

"Okay class kindly bring out your workbook, and turn to page 36". Sabi ng lecturer namin sa History.

Tok! tok! tok! ang tatlong katok. joke!

Lumapit ang lecturer sa pinto at binuksan ito,.

"Yes, Mr.Dela Cruz?". Tanong ng lecturer.

"Hi Mam, pinapatawag po si Ms. Lauren Gail Andres ni Dean, nandyan po ba siya?". Sabi ni Michael, member ng student council.

Lumingon sa kinaroroonan ko ang lecturer namin, sabay taas kilay.
Damn! I'm in big trouble!

"Yes, Mr.Dela Cruz she's here". sagot ng lecturer namin.

At niluwagan pa ang pagkakabukas ng pinto, pumasok naman si Michael.

"Ms.Andres kindly follow me to the Dean's office". Sabi nito sa striktong tono, sabay labas ng klase.

"I smell trouble". Bulong ni Angie sa mapangasar na tono, magkatabi lang kasi ang upuan namin. Gusto ko tuloy siyang kaltukan ng isa.

Tumayo ako at nagpaalam sa lecturer, may mga sinabi pa ito pero di ko na pinansin.

"Let's go". Sabi ni Michael sa malamig na tono, problema nito?

Tumango lang ako at sumunod sakanya.

"What did you do this time". Tanong nitong walang lingon likod sakin, napakamot naman ako sa ulo ko.

"I didn't do anything, pero mamaya meron na". Sabi ko.

Nilingon niya ko sabay smirk.

"I know what you're thinking, I'm telling you stay out of trouble Ms.Andres". Warning nito at nagpatuloy ulet sa paglakad.

Napanguso naman ako, grabe naman 'to may psychic power ba siya at parang alam niya nasa utak ko.

Nang marating namin ang Dean's office kumatok muna si Michael bago kami pumasok sa office ng Dean.

Sabay kaming bumati kay Dean.

"Dean, here's Ms.Andres". Wika ni Michael

"Thank you Mr.Dela Cruz, you may now go back to your class". Wika ng Dean.

"Okay sir". Sagot ni Michael at sinulyapan ako saglit bago lumabas ng office, I'm really in big trouble!

When Love StrikesWhere stories live. Discover now