Chapter 3

779 14 3
                                    



Days have passed. Pinilit kong kalimutan ang nangyari noong anniversary namin ni Zander pati na rin yung misteryosong lalaki at kung ano ang nangyari noong gabing yun.

Lagi akong sinusundan ni Zander at lagi niya din akong tinatanong sa mga kaibigan namin upang kamustahin at alamin kung nasaan ako. Pilit niya akong kinakausap upang humihingi ng eksplenasyon kung bakit ako nakipag-hiwalay sa kanya pero panay iwas ko sa kanya. Ang hirap pala. Ang hirap pala kung nagmamakaawa ang taong mahal mo na wag mo siyang iwanan at hiwalayan. Mahirap iwasan si Zander dahil malapit lang bahay namin sa isa't isa at parehas pa kami ng eskwelahan na pinapasukan. Lagi ko siyang iniiwisan. Hindi ko kaya na harapin siya kasi baka balikan ko siya.

Andito ako ngayon sa pinkasulok ng library ng school. Kabisado ko ang schedule niya kaya medyo napadali ang pag-iwas ko sa kanya. Everyday ganito ang routine ko: Pasok sa school, punta sa library, punta sa mall pag mas mahaba ang vacant time, iwas dito, iwas doon, at laging kinakabahan dahil baka makasalubong ko siya.

Magkaiba ang building namin dahil di kami parehas ng course pero di pa rin maalis sa akin na kabahan. Alam niya din ang schedule ko kaya malaki ang possibility na magkita kami.

Nakalabas na ako ng library para pumunta sa klase ko ng magkasalubong kami.

"Babs!"

Binilisan ko ang lakad ko papunta sa klase ko.

"Trix!" Lalo ko pang binilisan. "Beatrix please naman." Nararamdaman kong malapit na siya sa akin kaya tumakbo na ako. Wala pang ilang minuto ay nahabol na niya ako.

"Beatrix bakit mo ba ako iniiwasan. Kausapin mo naman ako ng maayos hindi yung ganto. Bigla bigla kang makikipag-hiwalay tapos iiwasan mo ako." Hinawakan na niya ang braso ko para pigilan akong makalayo sa kanya.

"Wala na tayong pag-uusapan, Zander." Pilit kong inaalis ang braso ko sa pagkakahawak niya pero mas lalo niya itong hinigpitan.

"Ano yun? Pagkatapos ng tatlong taon nating pagsasama, tatapusin mo nalang yun ng ganon ganon nalang? Trix, please baka pwede pa natin 'tong pag-usapan." Pagmamaka-awa niya.

"Ayoko na Zander. Ayoko na kaya maghiwalay na tayo. Please wag ka ng gumawa ng eksena dito. Maraming nakakakita at nakakarinig."

Pinakawalan niya ang mga braso ko ng mapuna niyang marami ng taong nakatingin sa amin. "Mag-uusap pa tayo. Hihintayin kita mamaya sa tambayan natin."

"Hindi ako pwede mamaya." Umalis na ako pero bago ako makalayo ay narinig ko ang boses niya. "Maghihintay ako, babs."

Binilisan ko na ang lakad ko. Dahil nararamdaman ko na ang luhang namumuo sa aking mga mata pagkatpos kong marinig ang boses niya na malungkot at parang nasasaktan.

Nakita ko si Marylou – ang bestfriend ko – sa labas ng classroom namin at hinihintay ako. Classmate ko si Lou sa halos lahat ng subjects ko ngayong sem. Hindi uso ang block section dito sa school namin kaya minsan classmate ko siya, at minsan hindi.

"Trix, bilisan mo baka dumating na si Sir!" Lumapit na siya sa akin at hinila ako sa braso.

"Bakit ba ang hi-hilig niyo manghila o manghawak ng braso?" Mahina kong sabi.

"Huh? Niyo? Nahihibang ka na ba 'te? Alam kong medyo may kasexyhan ako pero isa pa rin ang bilang ko!!" Napangiti niya ako sa pagda-drama niya. Nakakawala talaga ng stress pag kasama ko ang bestfriend ko kasi ang energetic niya lagi at napaka-optimism niyang tao.

"Wala, kwento ko nalang sa'yo mamaya." Naupo na ako sa paborito naming pwesto – sa may bandang gitna. Ayaw kasi namin sa harap kasi madaling mapuna ng mga prof. Kapag sa likod naman di na kami nakaka-pag focus kasi puro nalang kami daldalan.

"Ay! Bet ko yan." Umupo na din siya at nag-ayos ng kanyang gamit. "Sana 'di mag-overtime ngayon si Sir. Kotang-kota na siya kaka-OT sa atin. Kung pumapasok kasi siya ng maaga, edi sana sakto yung time niya at hindi siya umo-overtime." Bigla ko siyang tinapik nung nakita kong papasok na ng pintuan ang prof namin.

"May himala!" Pabulong na sabi ni Lou.

Nagsimula ang klase at nakinig na kami ng mabuti ni Lou. Hindi man halata pero pala-aral na estudyante si Lou at consistent Dean's Lister siya. Hindi ko nga alam kung pano niya nagagawa maging active sa mga party at galaan, at i-maintain ang grades niya.

"Tara na't lumamon! Nakakagutom yung klase natin ngayon." Pag-aaya niya pagkatapos ng klase.

"San tayo kakain? Ayoko sa canteen, maingay kasi."

"Ay oo nga pala! May iku-kwento ka pa sa akin. May alam akong tahimik na lugar at masasarap pagkain nila dun pati mga waiter!" Sabay kindat sa akin ni Lou.

Natawa ako sa kanya. "Kadiri ka Lou!", Kaloka talaga 'tong kaibigan ko.

~~

"BREAK NA KAYO!????" Nagulat si Lou matapos kong ikwento sa kanya lahat ng nangyari noong anniversary namin ni Zander (minus the Mr. Stranger part).

"Shh! Ang lakas ng boses mo!"

"Kaloka. Kaya pala hindi ka na gaanong pumunta sa tambayan at kaya pala lagi kang tinatanong sa akin ni Zander." Sabay subo niya sa fries na inorder namin.

"Hindi pa pala nila alam?"

"Hindi.. ata.. o ako lang ang hindi nakakaalam neto?! My gahd! Bakit ka naman nakipaghiwalay babae ka?!"

"Ewan ko. Siguro I fell out of love?" Lie. Hindi ko pa masabi kahit sa kanya ang dahilan kung bakit kasi lalo ko lang mararamdaman ang realidad and it's not healthy for me. "Tska he deserves someone better."

"Bullsh*t, Trix! Narinig ko na yang mga katagang ganyan. 3 years yun Trix! At sa loob ng 3 years na yun nakita ko kung gaano kayo ka-in love sa isa't isa. 'I fell out of love' at 'He deseves someone better'?! WTH Trix!"

Natutunaw na yung desserts namin. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa best friend ko. I feel sad kasi di ko magawang masabi sa kanya yung totoong rason kung bakit.

"I know it sounds weird and sh*tty. Pero ayoko na, Lou." Mahinahon kong pagkakasabi.

She looked directly at my eyes. "Bakit?"

Napabuntong hininga ako. "Mahirap i-explain. Basta ang alam ko ayoko na."

"Baka naman kelangan niyo lang ng space? Or baka naman.. baka naa-attract ka na sa iba?"

Oh how I wish na ganyan lang ang dahilan.

"No. Wala akong iba Lou. May mga bagay lang talaga minsan na kelangan na nating bitawan para di na tayo masaktan at makasakit pa. Minsan letting go is the best choice lalo na kung alam mong wala na talagang kapupuntahan ang relasyon niyo. And that's what I felt sa relasyon namin. I know this sounds shitty af, Lou. But he deserves someone better, and that someone isn't me."


To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Sep 20, 2017 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Letting Go (Hiatus)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz