Introduction : Buhay Inosente

23 0 0
                                        

Ako si Mia, isang tagabario, sa paanan  ng burol nga kami nakatira. Ordinaryong magsasaka ang mga magulang ko, namulat ako sa mahirap at simpleng buhay.
Wala kaming telebisyon o anumang aplayanses, meron kaming isang radyo na libangan naming lahat.

Lima kaming magkakapatid ako ang pangatlo, at pinakakyut daw sa aming magkakapatid na babae. Masasabi kong may utak din ako, sa pagkat lagi akong my ribbon tuwing pagtatapos ng eskwela.

Nung ako ay nasa sekundarya ipinangako ko sa sarili ko, hindi muna ako magpapaligaw at magkakaroon ng boypren hanggang di ako nakapagtapos ng high school, pero sa mga panahong pinigil ko ang sarili, palagay ko hindi ko rin lubos na na-enjoy ang ilang taon ng aking pagiging teenager. My crush ako nun, pero torpe siya eh, kaya sori nalang ako. Magkaganun man, naisip kong bitawan ang pangako ko sarili ko at hayaan ko ang sarili kong maranasan ang buhay may pag ibig. Kaya umo-o ako sa isa mga manliligaw ko.
Ngunit di nagtagal, alam kong hindi naman seryoso ang relasyong meron kami ng boyfren ko, tingin ko biro-biro lang ang lahat, kaya kumalas ako.

Grumaduweyt na ako ng sekundarya, at gusto ko sanang maging isang guro.
Pero hindi na'ko kayang pag aralin muna ng mga magulang namin, dahil dalawa na sila ate kong nag aaral sa kolehiyo at may isa pang highschool at elementarya.
Inaya ako ng isang pinsan ko na magtrabaho sa Baguio, dahil gusto kong makapag ipon sinubukan ko ang magtrabaho.
At dito bumigat ang mga pangyayari sa buhay ko.

Abangan ang mga susunod pang kabanata.

The Young MotherStories to obsess over. Discover now