C H A P T E R 14

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oh ito. Salamat ah." Inabot ni Kid ang ang baunan kay Angry.

"Walang anuman Oppa!" magiliw nitong sabi sabay lagay ng baunan sa de gulong nito bag na Hello Kity ang design.

"Kita-kita bukas!" ani ng bata at umalis na ito. Medyo nagtaka si Kid dahil walang sumundong magulang dito.

"Teka!" Mabilis na hinabol ni Kid si Angry. Nakaupo na ito sa waiting shed nang bus ng mahabol niya.

"Ohhh-ppa?" namumula ang pisngi ng bata nang makita ang crush niya na nasa gilid na niya.

"Sasabay ako sa'yo," ani Kid. Medyo hingal.

"Ha?" Mas lalong namula ang pisngi ni Angry.

"Sasabay ako sa'yo. Magba-bus ka 'di ba?"

At tumango-tango lang si Angry. Namumula pa rin.

Hindi naglaon, dumating na ang bus. Sabay silang tumayo.

"Anong gagawin?" tanong ni Kid.

"Ha? Eh 'di sasakay na tayo Oppa. Hindi ka pa ba nakakasakay ng bus? Tara na, pasok na tayo..." Naglakad na si Angry papunta sa pasukan ng bus at nang mahirapang iakyat ang bag ay mabilis siyang tinulungan ni Kid.

"Ako na," ani Kid sabay kuha sa bag na de gulong kay Angry.

Nasa may left row sila umupo--sa ikapitong upuan sa may likuran.

"Ang cute naman ng bag mo? Ito ba ang uso ngayon?" tanong ni Kid kay Angry na ikinamula ng bata.

"Oo Oppa."

"Hmmm."

"Magpapabili ako ng ganyan kay Dad bukas."

"Ha?" Biglang natanga si Angry sa sinabi ng crush. Hindi niya lubos maisip ang ang 17 year old niyang crush na may 5" 11 na height ay magdadala ng de gulong na bag sa campus nito. Hindi niya rin bakas sa cute na mukha ng crush kung nagjo-joke ba ito. Rak na dis.

Si Angry, nakatingin lang sa binta at namumula pa rin. Si Kid naman ay busy sa pagdo-drawing ng additional details sa beer can ng Fujiwara Densui.

"Sino 'yan Oppa?" tanong ni Angry.

"My mystery girl," nakangiting sagot ni Kid nang hindi nililingon si Angry at naka-focus lang sa dino-drawing niya.

Namula bigla ang batang si Angry. Hindi naman sa nag-a-assume siya or what pero pakiramdam niya eh siya iyong dino-drawing ni Kid sa beer can ng Fujiwara Densui.

"Magaling ka pa lang mag-drawing Oppa..." ani Angry at maya-maya ay napatayo na siya sa kinauupuan niya nang huminto na ang bus sa tapat ng isang public market.

"Teka saan ka?"

"Bababa na Oppa."

"Sama ako."

"Ha?" Mukha ng kamatis ang mukha ni Angry dahil sa sobrang pagkapula. Tinulungan ulit siya ni Kid na maibaba ang de gulong na bag at nang makapasok sila sa palengke ay sandamukal na tanong ang natanggap kay Kid.

"Ito ba ang palengke? Ang weird naman."

"Hindi ka nakakapasok ng palengke Oppa?"

"Hindi pa."

"Eh saan kayo namamalengke para sa pagkain niyo?"

"Maraming laman 'yong ref namin."

"Ano 'yung ref Oppa?"

"Hindi mo alam?"

"Hindi."

"Parang box 'yun na malaki. May pinto. De kuryente. Malamig at maginaw sa loob."

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon