Nakakapagod na

10 0 0
                                        

Nakakapagod na
Nakakapagod na Paulit ulit ka na lang umiiyak
Sa iisang dahilan at tao,SIYA hindi ba?
Ilang beses kong gustong kausapin at harapin ka
Kaso Alam ko namang hindi ko kaya kasi ang hanggang salita lang naman ako sinta.
Nakakapagod na laging humingi ng mga senyales
Para lang mapatunayan ko na ikaw na nga
Ngunit parang hindi nakiki Ayon ang tadhana
At ang kanyang gusto ko ay ang siyang nauuna
Nang sabihin mo sa akin na wala akong pag-asa
Awtomatiko na ang nararamdaman ko ay nawala
Di ko man masabi sayo ng harapan mahal
Pero nalaman ko na kung saan ako nararapat
Nararapat ako sa puso ng iba hindi sa puso mo
Sa puso na kung saan kayang ibigay at iparamdam
Sa akin ang pagmanahal na matagal ko ng nililimos sayo
Ikaw na mismo ang nagsabi na Hindi mo ko gusto
Paano ko pa ipagsisiksikan ang sarili ko
Kung may Iba ng nagmamay ari ng iyo
Pasensya na kung napagod at sumuko ako sinta
Pagod na akong habulin ka habulin ka ng paulit ulit
Sa loob ng isang bilog na ako lang ang napapagod
Napapagod na ang aking buong katawan
Pero mas pagod na pagod na ang aking puso na
Nasasaktan na kahit isang tao ay hindi kayang ibalik
Siguro nga tama sila tama sila na
Pinagtagpo lang tayo ngunit hindi itinadhana.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Compilations Of Spoken words PoetryStories to obsess over. Discover now