Chapter 10

24.6K 475 7
                                    

This Chapter is for Snow Valerio.

Thank you for voting and reading my stories. ^_^

And for everyone. Thanks for reading^_^ Sana magustuhan niyo tong chapter na to. Thank you^o^

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Jasmine's POV:

"San mo gusto kumain?" tanong ni Nathan. Kakatapos lang kasi ng misa.

Syempre, kahit ba wala ang parents namin eh kailangan magsimba parin kami.

"Hmmm...Ewan. Ikaw, Nikki? May gusto kabang kainan?" kasama namin si Nikki. Wala kasi siyang kasama magsimba kaya sinama na namin.

"hmmm...Shakey's tayo?" We nodded. At sumakay na kami ng kotse.

Nang makarating kami sa Shakey's. Nagpark kaagad si Nathan. Bago pa siya bumaba, pinigilan ko na siya.

"Oh? bakit? ayaw mo dito?" tinignan ko sila Jade. Kasama niya yung mga kaklase ni Nathan.

"Um...kasi....ayun oh. S-sila, Jade at mga kaklase mo." sabe ko sabay turo. Napa kunot naman noo niya.

"Wait. Bakit ka naman natatakot, Ate Jass? Hindi ka ba girlfriend ni kuya?" tinignan ko siya. Girlfriend? hindi. Niligaw nga wala eh. Girlfriend pa kaya?

"Hin---" Nathan cutted me off.

"Nililigawan." nanlaki naman mga mata ko sa sinabe niya. Anong nililigawan?

"Oh. Eh ayun naman pala eh. Why so scared to be seen by them?" Napakunot noo ko. Joke ba to? Wala naman akong nababalitaan na nanliligaw to ha!

At tuluyan na nga kaming bumaba ng kotse. Nanginginig ang mga tuhod ko. Kinakabahan ako!

Pumasok na kami sa loob. At mukhang napansin nila kami. Tinawag kasi si Nathan nung isa niyang kaklase. Lumapit kami. He held my hand.

"Nathan, bat...kasama mo si Jasmine?" tanong nung babae. Kaklase niya din. Tch. Di ko alam na pati babae eh nakikipagkaibigan din pala to. Akala ko kissing toy niya lang eh. Tch.

"Bakit? masama ba?" he said calmly. Nagkatinginan yung mga kaklase niya.

"Di niyo pa ba alam?" sabe ni Jade kaya napa tingin kami sa kanya. Oh no.

"Nililigawan ni Nathan si Jasmine. Diba Jass?" tumango ako. Tinignan nila kami na para bang hindi totoo ang nakikita nila.

"Ahh...Sige, guys. Nagugutom na kasi tong dalawa eh. Kita nalang bukas." paalam ni Nathan.

"eh ayaw niyo ba sumabay nalang samin? Para masaya." sabe nung babae. Tch.

Nathan sqeezed my hand. Tinignan niya ako saglit.

"Hindi na. Mahiyaan kasi masyadong tong si Jass eh. Sige. Bye." at naglakad na kami. Umupo kami sa medyo malayo sa kanila.

"ano meron sa kanila? Bat ganun sila kung magtanong?" tanong ni Nikki.

"hindi kasi sila makapaniwala na itong si Nathan ay nililigawan ako. Sikat na sikat kaya yang kuya mo sa school." sabe ko. He smirked. Ayan nanaman. Ang Hangiiin!

"Nikki, kumapit ka kahit saan. Dali!"

"bakit?"

"ang hangin masyado eh. Baka tangayin tayo." natawa naman si Nikki. Lumapit si Nathan sakin. He pinched my cheeks.

"Awww! Ang sakit!" sabe ko habang hinihimas yung pisngi ko.

"Ang cute mo talaga." I rolled my eyes.

Secretly Married To A Gangster (Editing)Where stories live. Discover now