Iniisip ko, iniisip ko, ano bang gagawin?
Dapat pa bang ipagpatuloy? O dapat na kitang iwasan?
Oo, iwasan! Iwasan kasi... Masakit na.
Araw-araw minu-minuto na lang,
Nakakabaliw! Ganto ba talaga kapag umibig?
Mababaliw ka, mababaliw ka sa kakaisip sa kanya samantalang siya?
Hindi niya alam, wala siyang alam
Kasi takot ka!
Takot kang aminin, takot kang umamin
Kasi ano? Baka hindi kayo pareho ng nararamdaman?
O baka kasi may iba na siyang nagugustuhan?
Nababaliw ka sa kakaisip sa kanya,
Hindi na alam ang gagawin kasi nalilito ka na sa'yong nadarama,
Ano na nga ba ang dapat gawin?
Kasi ako, pagod ng umasa at masaktan.
Ipagtapat na nga ba? O ipagsawalang bahala?
Hindi. Hindi kasi... Alam mo sa sarili mo na gusto mo talaga siya, may pakialam ka at nasasaktan ka na!
Kaya hindi mo na kayang ipagsawalang bahala kasi,
Mahal mo na.
Hindi mo alam kung paano at saan mo sisimulan,
Ang pagtatapat ng damdamin mong walang kasiguraduhan.
Walang kasiguraduhan kung ano ang kanyang nararamdaman.
Masaktan? Takot kang masaktan sa magiging sagot niya?
Sa katotohanang magpapalaya sa'yo?
Sa katotohanang matagal ka na niyang nasaktan,
Tapos masakit masaktan?
Para matapos na, para matapos na ang kabaliwan mo sa kanya,
Ipagtapat mo na!
Kung hindi ganoon ang nararamdaman niya para sa'yo,
Ngayon, alam mo na.
Hindi ka na mag-iisip, magpapakatanga!
Dalawa lang ang posibleng sagot niya,
Gusto ka rin niya o hindi ka niya gusto.
Kaya imbes na magpakabaliw ka,
Sabihin mo na!
Para ngayong maaga pa lang,
Alam mo na.
Oo, masakit masaktan, masakit umasa, masakit paglaruan pero mas masakit ang,
"Masaktan ng hindi mo nasabi ang 'yong nararamdaman."
Hindi mo na sabi kasi na duwag ka.
Na sa katotohanang,
Gusto ka rin niya pala.
***ⓔⓝⓓ***
YOU ARE READING
Spoken Word Poetry [TAGALOG]
PoetryMga damdaming hindi nasasabi, mga nasaisip na isinusulat at ipinapahayag sa iba ngunit hindi direkta sa KANYA. Poot. Pagkabigo. Nagmahal. Nasaktan. Sumulat ng Poetry at Magbasa. ♥
![Spoken Word Poetry [TAGALOG]](https://img.wattpad.com/cover/120855377-64-k773780.jpg)