My life and love story

Start from the beginning
                                    

    2nd. yr high school ako nung nakilala ko si icle (Hindi totoong pangalan) :D . May istura si icle kaysa kay kimpoy. Nanligaw si icle saakin . Barkada sya ng aking kapatid na bunso. Mas matanda ako kay icle nun ng isang taon. pero hindi ito naging hadlang upang masira ang relation namin. Mabait si icle, mahiyain kaming parehas. Nutrition month nun. July. nag lakas loob pumunta si icle sa saaking room upang dalhan ako ng isang palamig. Napaka saya ko nun dahil hindi ko akalain na sya mismo ang magaabot nun saakin. Hiniram ko ng cellphone nya at binigay nya to " icle pahiram ng cellphone, maglalaro lang ako, tuladng ginawa ko, hiniram din nya ang cp ko. pag tingin ko ng cp nya nagulat ako sa aking nakita dahil panay larawan ko ang aking nakita. Nakita ito ng mga kaklase ko ay hindi nila ako inalisan sa pangaasar . Hapon nun nung bunalik na namin ang cp ng bawat isa. " SABAY tayo umuwi " sabi nya. Nabigla ako sa sinabi nyang yon. Pero hindi ako sumangayon sa gusto nya.. marami akong alibay para lang hindi ko sya makasabay. 17 days lang kami ni icle . Hindi kami ngatagal dahil alam ko PUPPY LOVE lang ang aming nararamdaman sa isa't isa.

2nd. Yr din ako nung napansin ko si kerbi ( Hindi totoong pangalan) naging campaign manager nya ko sa isang election sa paaralan. Si kerbi ay isang mabait, malambing, suplado, magaling magguitara, maganda ang boses, hindi ganun katangkaran. Sya ang 3rd. yr. na nun. Rose pahingi nga ng # mo. para pag may kailangan ako itetext kita sabi nya. Si ako naman nagbigay ng # ko. wala pa akong nararamdaman nun para kay kerbi. Sobrang suportado ko sya nun dahil magkaibingan nga kami. Pero unti-unti ng nahulog ang loob ko sakanya ng hindi ko namamalayan. Dumating na ung oras ng pagpeperform nya sa stage. kumanta sya ng harana sa karamihan ng mga estudyante. Napaka saya ng araw na un saakin dahil ako din ang trainor nya sa pagkanta nun.. :D Walang nakakaalam na nagkahulugan na ang aming loob. Inaalala nya ako pag nakauwi na ba ako ng bahay. masaya syang katext. dahil malambing, open minded sya. at lahat ng problema nya kinukwento nya saakin hanggang nalaman ko na ang lahat sakanya. Madalas kaming magkasamang magsimba kumain sa labas . Nung una nagkakailangan pa kami dahil walang alam ang mga kaklase ko at nya tungkol saamin.. Isan beses hindi namin akalain na magkakasabay kami sa jeep, kasama nya ang barkada nya at kasama ko din ang barkada ko, hindi ko mapigilan ang pagtingin sakanya dahil magkatapat lang ang aming upuan sa jeep. Mas mnabuti nyang lumipat sa tabi ko at pabulong na sinabi " Ingat ka po, text nalang kita mya. " Si kerbi ay mas matanda saakin ng isang taon , pero kahit ganun hindi nagkakaiba ang kagustohan namin sa mga bagay bagay. Nagkakasundo kami. isang araw Nakakahalata na ang mga kaibigan ko dahil madalas ko na syang nakakasama at madalas ko na syang nakakatext mahirap itago ang relation namin dahil nasa isang campus lang kami. nagsimula ang relation namin nung 3rd. yr ako. at sya ay 4th. yr na. Isang magandang event ang Js prom. isang event na hinding hindi ko makakalimutan... Nagusap kami bago ang js namin na walang magsasayaw sa isa't isa dahil mahahalata kami. Sumangayon sya pero nung gabing yon, masama ang loob ko dahil sya lang ang kukumpleto ng Gabi ko pero kahit anong gawin ko hindi pwede. Magkatext kami nung gabing yon. Parehas namin tinitiis kahit anong mangyare. Nagpunta ako ng CR at hindi ko akalain na magkakasalubong kami. Hinawakan nya ang aking kamay at sanabing ano? ayos ka lang.. Patuloy akong naglakad na kunwari na hindi ko sya pinansin talaga.. Pag balik ko ng aking upuan nakita ko sya malapit sa stage na nakatingin saakin. At mya mya nawala sya saakin paningin... at mya mya din may kumulbit saakin likod at kamay nya lang ang aking nakita kaya ang sanabi ko sorry masama ang pakiramdam ko. At mya mya Lumuhod sya at nakita ko ang mukha nya at nagulat ako at LAHAT ng mga kaklase ko ay nagsihiyawan nalang. Wala akong nagawa kundi nakatingin sknya habang hawak nya ang aking kamay at Naihagis ko pa ang aking cellphone nun. Mahinag bulong nya saakin. "HINDI KITA KAYANG TIISIN tara sayaw tayo? :D Mga udyok ng mga barkada at kaklase ko at nya ang aking naririnig, habang hawak nya ang aking kamay na ngingilid ang aking mga luha di ko akalin na magagawa nya un sa gabing un.. matagal kaming magkasayaw.. Hindi ako makatitig sa mga mata nya kahit patuloy nyang tinitingala ang aking mukha ., nahihiya ako sa ginawa nya... Tamang tama pa ang kanta nung nagsasayaw kami "PAANO na Kaya" Andami nyang sinasabi nung magkasayaw kami pero wala akong maisagot sa mga tanong nya. hinatid nya ko sa aking iniupuan at patuloy pa rin ang kanyang mga tanong at patawa. NAPAKA SAYANG GABI NUN SAAKIN .. tiime and days pass us by masaya kaming dalawa pero dumating na ung time na lilisan na sya ng paaralan at alam ko bihira ko nalang sya makikita.  Nagpunta ako nung graduation nya kahit ayaw nya. Ang hirap tangapin dahil malayo na sya saakin.. magkokolehiyona sya at ako ay mag 4th. yr palang. Sa maikling salita hindi na namin napagpatuloy ang relation namin.. Incoming 4th, yr na ako , bakasyon na, pero still, nagkakasama at nagkakatext pa din kami ni kerbi. Kahit hndi na kami, nararamdaman ko na mahal nya ako ng sobra-sobra. Pati pagpunta nya sa kapit bahay nila o sa shop nila nagpapaalam pa rin sya saakin.Isang araw nagkausap kami at sabi nya “Miss na Miss na kita” nalungkot ako dahil parehas kami ng nararamdaman. Sa tuwing namimiss k si kerbi nagpupunta ako ng park doon ko inaalala ang nakaraan doon ko nilalabas ung sama ng loob ko. Pero isang araw pag punta ko park nasulyapan ko si kerbi na noon ay nakitang kong umiiyak. Nilapitan ko si kerbi nun na parang wala lang. Nagulat sya saakin nung tumabi ako sakanya. “Bakit ka nandito?” ang tanong nya. “Alam mo naman na pag may inaalala at pag naiinip ako ditto ako nagpupunta ah.” Ito ang sagot ko sa katanungan nya. Di ka pa rin nagbabago wika nya. Mailap at sensitibo ka pa ding babae ka. Wala akong masabi skanya noon!.

Umalis nalang ako bigla dahil patulo na ang aking mga luha…

may kasunod pa yan... wait nyo nalang :D

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My life and love storyWhere stories live. Discover now