"But Nica.. most of the time... I mean.. all of the time.. sila palagi ang magkamasa ni Alisa.." Sabat naman ni Kael. Huminga nalang ako ng malalim. Hindi ko naman sila masisisi. Kaibigan din sila ni Stephen. Nagpaalam nalang ako sakanila na muuna nalang ako kasi kailangan ko pang mag-aral. Hinatid lang ila ako sa labas ng gate ng school at agad silang pumasok sa campus.

Naglakad lang ako pauwi, tutal wala din naman masyadong tao. Tsaka hindi din naman ganun kainit kahit na ito pa yung mga oras kung saan na napakainit talaga ng panahon. 

Kahit na anong pilit kong iwasan isipin kung ano ang nangyayari sa sitwasyon ni Stephen at Alisa, hindi pa din maalis sa isipin ko yun habang naglalakad. I keep telling myself na iwasan yun, pero I failed. Wala eh, yun talaga ang gustong isipin ng utak ko. Alam ko naman na hindi ko kailangan intindihin ang problema ng mga taong hindi ko naman dapat pinoproblema. Pero, hindi lang basta-basta si Stephen. He's my best friend since then. At alam kong kailangan niya ang tulong ko ngayon - kahit na hindi man kami madalas nagkakasama ngayon.

Nakarating ako sa street kung saan si Alisa nakatira. Grabe napakatahimik  pala dito. Walang tao. Sariwa ang hangin at madaming puno na natatabunan ang sikat ng araw. Palagi kaming dumadaan ng barkada dito tuwing naglalakad pero iba pala yung pakiramdam na ikaw lang mag-isa kasama ang sariwang hangin. Napahinto muna ako sandali at pumikit. Huminga ako ng malalim. Dinamdam ko lang kung gaano kaganda at kasariwa ang paligid na napapalibutan ko ngayon. Pagkatapos ng ilang segundo, I opened my eyes at lumiko sa bandang kaliwa kung saan dun ang tamang daan at kung saan din nakatira si Alisa. At pagkahakbang ko ng mga paa ko, nagulat ako sa nakita ko. Si Stephen at Alisa. Napahinto ako sa paglakad. Hindi ako umalis saking kinatatayuan kahit na sa isang galaw lang ng mga ulo nila, makikita nila ako.

"Hindi kita maintindihan! I gave everything up para sa relasyong ito!" Sigaw ni Alisa kay Stephen at tila yata mangingiyak na ang boses nito. "Please Stephen. Just now. Be honest with me...." Naputol ang sasabihin ni Alisa kasi biglang lumingon si Stephen patungo sakin.

"Nica?" Sabi sakin ni Stephen. Napaurong ako sa gulat. Gusto ko pa man sanang marinig kung ano ang susunod na sasabihin ni Alisa. Gusto kong malaman kung bakit kailangan maging tapat ni Stephen sakanya. Gusto kong isipin yun pero nawala lahat ng yun sa isang tawag ng pangalan sakin ni Stephen.

Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaskyon ko ngayon sa harapan nilang dalawa. Sanay ako na palagi akong nasa tabi ni Stephen pagdating sa mga relasyon niya, pero huwag naman yung ganito. Hindi ko kasi alam kung ano gagawin ko dito. Tinignan ko si Stephen ng ilang segundo. Tingin kay Alisa. Tingin kay Stephen. Tingin kay Alisa. Tingin kay Stephen.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagising naman ako sa sinabi sakin ni Stephen. Ano nga ba ang ginagawa ko dito? Naglalakad lang naman ako apuwi ng bahay tapos nadatnan ko kayong dalawa. Yun ba yung sasabihin? Siyempre, hindi. Hindi naman ata kapani-paniwala kapag ganun ang sasabihin ko. Pero bahala na, wala na eh. Wala na kong maisip na iba

"Uhmm.. Ano.. naglalakad lang naman ako pauwi.... bakit?"  Utal utal kong sabi kay Stephen. Hindi ko na alam kung ano pa ang susunod kong sasabihin. Napakawkward talaga ng paligid ngayon. Sabayan mo pa na walang taong dumadaan sa paligid at napakatahimik ang paligi.

"Sige Steph Alis.. mauna na muna ako sa'yo.. may gagawin pa kasi ako" Sabi ko sakanila at agad na naglakad palayo sakanila. I am 2 feet away na sakanila ng biglang sabihin ni Alisa ang pangalan ko.

"Nica sandali" Kinabahan ako sa pagsabi ni Alisa ng pangalan ko. Parang ang tapang nang pagkasabi niya. Agad akong lumingon sakanilang dalawa at nagulat ako kasi ang tatalas ng tingin nilang dalawa sakin. Hindi na ko nagsalita; hinintay ko lang ang susunod na sasabihin ni Alisa.

"Hahatid ka na ni Stephen" Seryosong sabi niya sakin habang nakatingin pa din sakin. Agad niyang binalin ang tingin niya sakin kay Stephen "Di ba Stephen?" Agad namang napatingin si Stephen sakanya na nakatingin sakin. Hindi ko makita kung ano ang reaskyon niya sa sinabi sakanya ni Alisa pero nararamdaman ko sa kinatatayuan niya na hindi niya alam kung papayag ba siya sa sinabi sakanya ni Alisa o hindi.

"Huwag na guys... Kaya ko nang umuwi - kaya ko ang sarili ko.." Sabi ko sakanila at agad na ngumiti. I don't want someone to push their self on me. Ayoko na merong taong napipilitan sa isang sitwasyon ng dahil lang sakin. Kung ano ang desisyon nila, kailangan nilang panindigan yun. Lalakad na sana ako palayo sakanila pero bigla akong natigilan ng biglang nagsalita si Stephen

"Hahatid na kita Nics" Seryosong sabi niya sakin at agad naman akong napalingon. Tumakbo siya ng mahina papunta sakin. Nakita ko naman si Alisa na naglalakd papasok ng kanilang bahay. Nakadiretso lang ang tingin niya sa gate nila; hindi niya man lang kami tinignan ni Stephen.

"Halika na?" Hindi na ko nagsalita; tumungo lang ako. Tutal wala naman akong dapat sabihin sakanya ngayon eh. Anong sasabihin ko? Magaact ako na as if okay lang ang nangyari kanina? Na pagkatapos nun - na kasama niya na 'ko - wala nang magiging problema?

Hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa sakanya, tinanong ko siya kaagad kung anong problema nilang dalawa. Ayoko maging overacting dito o maarte pero lets come to the point na meron akong nararamdaman na parte ako sakanilang away. Ayokong sabihin niya na dinudutdot ko lang sarili ko sa problemang nilang dalawa para mapansin lang nila ako. Kahit sino naman ang nasa sitwasyon ko ngayon aakalain niya talaga na isa siya sa mga sanhi sa problema nilang dalawa.

"Anong problema? Is it about me? Is it about us?" Diretsahan kong tanong sakanya. I maybe sounded rude pero alam niyo yun? Ayoko nang palibutin pa ang istorya kung saan ang punto ko lang naman dito eh tanungin siya kung anong problema.

Hindi niya ko sinagot. Naglalakad lang siya habang nakayuko at nakalagay ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa. Pasipa-sipa pa din siya ng kanyang paa. Naalala ko nanaman ang ginagawa niya tuwing naglalakad kami. Huminga nalang ako ng malalim at agad siyang tinanong. At sa ganitong punto, huminga siya ng malalim. Ganun pa din siya - nakayuko at pasipa-sipa lang ng kanyang paa.

"Problema? Ikaw? Tayo?" Sabi niya habang nakayuko pa din at nakalagay ang dalawang kamay sakanyang bulsa. Pero kahit na ganun, nakikita ko pa din na nakangiti siya. Yung ngiting mahina.  "No.. its just us. Huwag mo kaming problemahin. Makakaya din namin to" Sabi niya at agad niyang inangat ang ulo niya at tumingin sakin. "Yung problemahin mo yung studies mo" Sabi niya at agad na tumawa ng mahina. Yung tawa na parang napakahina talaga. Yung tawa na may dinaramdam. Yumuko siya ulit at bumalik sa pagsipa sipa ng kanyang paa. 

Hindi na ko nagsalita. Ayoko nang pilitin siya na magkwento pa sakin ng magkwento. Gusto ko siya mismo ang magsabi sakin na "Nics, I want to talk to you. I need your help". Kasi alam ko na sa ganitong punto, hindi pa siya handa. Maybe, he wants to be alone; not physically. Pero alam niyo yun? Siguro kailangan ng puso niya na mapag-isa - magisip ng mga bagay-bagay; magdesisyon. Pero kahit anong mangyari, I will always be here para sakanya

I Will Never Leave You [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon