CRISTINA IKIK IRASSO'S POV
Good Day Diary!
Nandito ako ngayon sa C.R ng school namin... Alam mo na siguro kung anong ginagawa ko dito diba ? Jumi-jingle ako!
Malas nga eh! Ngayon pa ako na jingle kung kailan first day pa ng pasok! My ghassss sigurado late na ako nito!
Habang nag lalakad na ako papuntang room ko pawis na pawis ako dahil sobrang kinakabahan ako at wala ng tao dito sa labas ng room dahil nga umpisa na ang klase at late na ako!
Nung nakita ko na yung room ko at sirado yung pinto.. Dali dali kong binuksan yung pinto at nag good morning sa guro namin at sa mga classmates ko.. Lahat talaga sila ay napatingin sa akin.. Yung iba tawang tawa pa nga eh! Sarap ipabugbog kay anton eh! 😂😂 btw kilala niyo ba kung sino si anton ?? Well kung hindi malalaman niyo rin kung sino siya..😂😂
Yun na nga pinaupo na ako ng guro namin at dun nalang ako umupo sa likod dahil wala na rin naman ng ibang bakanteng upuan eh! Nag taka ako at kahit nakaupo na ako eh nakatingin pa rin yung mga classmates ko sa akin at nakatakip sila sa kanilang ilong.. Ano bang problema nila ?? Kasalanan ko ba na dumikit sa akin yung amoy ng ano ko ? Manigas sila sa amoy! Anong gusto nilang gawin ko ? Ako pa mag adjust ? Ako na nga laging nag aadjust eh!
Hinayaan ko lang sila nun ! Dahil mabait naman akong tao eh! Hanggang sa natapos na yung first subject namin at lumabas na ako agad para pumunta na sa next subject ko.. Habang nag lalakad ako ay nag pabango na ako para wala nang masabi pa o maisip yung mga classmates ko sa susunod subject ko.. Nang nasa harapan na ako ng pinto ng room at huminto muna ako saglit at siniguradong mabango na talaga ako.. Mahirap na noh! Tsaka ako tuluyan ng pumasok sa room.. Kunti palang kami dahil medyo maaga aga din ako eh.. Buti na yun kaysa malate na naman ako eh! Kaya nakapili pa ako kung saan ako uupo.. Kaya nakapag isip na ako na sa gitna sa gilid nalang ako uupo.. Nag cp lang ako habang nag hihintay sa teacher namin habang nag ccp ako ay may tumabi sa akin na lalaki.. Gwapo siya at mukhang seryoso sa buhay niya.. Maputi din ito at nakasalamin siya.. Wow! Medyo parang awkward kasi nakatulala lang siya eh.. Ewan ko kung anong iniisip! Manghuhula ba ako ?! My ghasssss... -_-v Kaya naman para di masyadong awkward ay nag umpisa na akong mag salita.. Para naman mag karoon na ako ng bagong kaibigan.
" Hi ! Im Cristina Ikik Irasso.. 18 years old! And you ? "
My ghassss... Medyo nakakahiya din ah... Kasi kahit nag sasalita ako ay di man lang siya tumingin sa akin eh! Nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay na tumingin siya sa akin.. Maya maya ay tumingin din siya sa akin at tinitigan lang ako tapos sabay balik ulit siya sa pagiging tulala niya.. Kaya naman bumalik nalang ako sa pag ccp ko! K fine! Sarap din nitong ipabugbog kay anton eh!!
" Not interested! "
Nagulat ako nun napatingin ako sa kanya ulit! My ghassssssss.... Not interested ? My ghassss... Nahilaw ako dun sa sinabi niyang yun.. Kaya naman gusto ko sanang lumipat ng upuan nalang dahil goshhhhh... Di ko yata kakayanin makatabi tong lalaking to! Syempre tinarayan ko muna siya noh! Kaso bigla siya ulit nag salita..
" Ano ? Lilipat ka ng upuan dahil ayaw mo na akong makatabi ? "
Habang nag sasalita siya ay tumingin na siya sa akin.. At ako naman ay napataas yung kilay..
" Obvious ba ? Sorry ha ?! "
Pag tataray ko! Pero yung aktong kukunin ko na yung bag ko para lumipat sa ibang upuan ay nagulat ako dahil bigla niyang hinawakan yung bag ko!
" walang lilipat! Upo ! "
Wow! Ano ? Gusto niya akong katabi ? Aso ako ? Aso ? Para sabihan niya ng upo ? Sasapakin ko na to! Pigilan mo ko anton! Kaso walang anton dito eh! Grrrrr... Pero umupo nalang ako para walang away 😂😂 pero tinarayan ko pa rin siya ulit at inusog ko nalang yung upuan ko palayo sa upuan niya.. Tsaka naman dumating na yung guro namin..
"Good Day Class! My name is Noel De Guray! Dahil kilala niyo na ako.. Kayo naman ang magpapakilala isa isa sa harapan tsaka sasabihin niyo rin kung anong talent niyo! Okay ? "
"Okay po sir! "
"Good! Mag uumpisa tayo sa unahan! "
Nag pakilala na yung iba.. Yung iba ko ngang classmates ay tawang tawa sa iba eh! Ewan ko ba kung anong nakakatawa! -_-
Hanggang sa yung katabi ko na yung mag papakilala ay ganun pa rin yung itsura ng mukha niya habang nag lalakad papuntang harapan e nakapamulsa lang siya at sobrang mahinahon lang siya! Alam mo yung parang pa easy easy lang.. Hanggang sa wakas nakarating na din siya sa harapan e tumingin mo na siya sa akin bago nag salita! Wow😂
"Miguel Develian! 18 yrs of age and my talent is Dancing and singing "
Wow! Sayaw at kanta ang talent niya! Wow! Unbelievable.. Just Wow! 😮😂 e ako nga eh di na marunong sumayaw di pa marunong kumanta😌 Sarap gumulong gulong sa hallway eh!
Nagulat ako dahil halos lahat na sila ay nakatingin sa akin! My gosh ako na pala..😂 Kaya dali dali na akong tumayo at pumunta sa harapan..
" Eheeeemm! Hey... Im Cristina ikik irasso, 18 yrs old at ang talent ko ay ang mag pretend na OKAY lang kahit di naman.. Thank you! "
Napa "Woah" silang lahat.. Aba'y ewan ko sa kanila.. Trip yata nila sa palawan.. Ee yun naman talaga yung talent ko eh! 😌😌
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nang mag uuwian na ay di ko na classmate ulit yung miguel pala na yun! Tsss.. Sarap pasakayin ng jeep papuntang pasay eh! Kainis nga eh.. Sa tatlong subject ko pa siya naging classmate! Grrrr Qiqil xi ateh mo ikik😂😂
Pag dating ko sa bahay ay nakahanda na agad yung pag kain.. Hihi ang bait ng nanay ko noh!
" Nandito na po ako "
Sabay kiss kay nanay at kurot sa pisnge ni pisot..😂😂 Si pisot nga pala kapatid ko.. Dalawa lang kaming mag kapatid! Sa tatay ay nasa abroad kaya tatlo lang kami dito sa bahay..
" Ay! Nak wala kapa dito.. Nasa pasay kapa! -_- "
" Nanay talaga mapagbiro😂 "
Ganun talaga si nanay.. Pag pasensyahan niyo na! Kaya lab na lab ko si nanay eh! Masayahin na supportive pa😊
" Kain kana ik! "
" Opo nay "
Habang kumakain ako ay iniisip ko yung lyrics ng playing with fire by blckpink😂 tsaka iniisip ko rin yung miguel na yun! Duhhhhh ang pangit ng pangalan niya😑
____________________________________
Follow and vote po! Selemet😊
©All Rights Reserved.
Canries Wp . 2017
