The past (Part 1)

15 1 0
                                        

"Hahahaha! Ano na? Tumigil ka nanaman! Tara laro pa tayo.."

Naupo na muna ako sa bakanteng upuan malapit sa flag pole ng school..

"Teka muna.. Hinihingal nako kakatakbo e. Diba pwedeng magpahinga na muna tayo?"

"Walang pahi pahinga. Lika na. Gusto ko pa maglaro e."

"Ah gusto mo? Sige. Edi ikaw nalang magisa maglaro" napatayo nako. Ayoko na talaga. Pinapagod nya lang ako e. Naaasar nadin ako.

Lalakad na sana ako ng bigla nya kong hawakan sa kamay.

"Ito naman. Di na mabiro.. Jino joke lang kita. Lika na sa room, baka hinahanap na tayo."

Hanggang sa may tumawag ng pangalan namin..

"Mark! Evelyn! Kanina pa namin kayo hinahanap e." Sabay lapit samin ng mga classmates namin. Sila benedic, raphael, at sam.

Halata ngang hinahanap nila kami. Hinihingal sila e. Tumakbo ata..

"Wow ano yang hawak kamay na yan? Is that best of friend parin ba? Or may something na?" biglang sabat ni raphael.

Ngayon ko lang din nalaman na magkahawak kamay pala kami ni mark. Napatingin tuloy sakin si sam. Matagal na syang may gusto sakin.. Oo mabait si sam. Gwapo. May kaya sa buhay. Medyo weird nga lang syang kasama kasi ang tahimik nya masyado.. Kahit kapag kasama din sila mark ganun din pinapakita niya, oo baka naman sadyang ganun lang talaga siya?

"Ah kase nga pabalik na kami sa room." sabay bitiw sa kamay niya. Buti nalang nakaisip kaagad ako ng idadahilan.

Pabalik na kami sa room ng marinig namin na naguusap usap mga classmates namin tungkol sa christmas party namin bukas..

Ang bilis ng panahon. December na agad..

"Bukas ano eve. Susunduin paba kita sa gate? Or mauuna nako pumasok?"

"Di na. Mauna kana bukas. Wag mo na ko hintayin.."

"Sige. Pero hatid kita maya ah?"

"Sige."

Kriiiingggg!!! Tunog ng bell paguwian na.

"Lika na eve. Uwian na."

The PastWhere stories live. Discover now