"Wika" apat na letra isang salita
Nagsisilbing sagisag ng ating bansa,
Na kahit ano paman ang gawin nila
Mananatili parin itong pambansa.
Ito ang siyang wika ng mga anito,
Tinatawag naman itong Pilipino
Mayroong ibat ibang mga dayalekto
Na siyang ginagamit ng bawat tao.
Wikang kaugnay na ng ating kultura
Na kailan man ay hindi mabubura
At kahit saang dako pa man mapunta
Di ko mawawaglit ang kanyang halaga.
Bilang isang kabataan na makata
Halina't bigyan natin itong halaga
Gaya ng gawa ng ating ama't ina
Pinanatili nila itong Mahal at malaya.
YOU ARE READING
Malayang Damdamin
PoetryMga koleksyon ng tula na inilimbag kasabay ng pagkamulat sa mundo.
