Chapter 1

2 0 0
                                        

Nahuhulog na ang talukap ng aking mata habang nasa harapan ko ang kumpol ng libro at kwaderno. Sinipat ko ang relo na nasa aking mesa at napasapo sa aking noo ng napagtantong alas onse na gabi. Damn, I'm totally screwed. Dalawang instant coffee na ang aking ininom pero hindi noon inibsan ang aking antok. Putting academic materials in front of me is really the best sleeping pill.

Tumayo ako at nag inat-inat. Pilit dinilat-dilat ang sumasaradong mata. Bukas na ang midterms at halos wala akong nasaulo sa aking mga binasa. Napahiga ako sa aking kama. Sa ganitong sitwasyon, isa lang ang naiisip ko. Dinampot ko ang aking cellphone at hinanap ang taong alam kong makakatulong sa akin. Ring ng ring.

"Hay, nilamon na naman ng quadratic functions" binaba ko nalang ang tawag at pinikit ang mata. Bahala na si Batman bukas.

*

Humahangos ako habang hinahabol ang hininga sa tapat ng aming classroom. Nakatukod ang dalawang kamay sa aking tuhod habang kinakalma ang aking paghinga. Tagaktak ang pawis dahil sa pagtakbo. The bell rang minutes ago. Good thing wala pa ang guro kaya may oras pa akong ikalma ang aking sarili.

Kalma ng aking paghinga at kalma dahil wala akong maisasagot mamaya.

Papunta sa aking upuan, kita ko ang di magkamayaw na kamag-aral na nagkukumahog na makasaulo ng ilang aralin dahil sa wala pa ang guro. Making the most out of the minutes while me? Nandito at chill sa upuan.

Iginiya ko ang aking ulo sa kanan at sinalubong ng tingin ang isang traydor.

"O, bakit?"

"Pakopya mamaya, ha?"

Blangko niya akong tiningnan habang sinosoli ang kwaderno sa kanyang bag. Agad akong napairap. Tusukin ko mata niya kamo.

One seat apart ang ayos ng aming upuan. Kahit regular class days ay ganoon din. Pahirapan kung kumopya lalo na at may mala hawk-eye ang aming guro.

Two subjects later then lunch came. At tama ang hinala ko. Sabaw na sabaw lahat ng sagot.

"Uy, anong sagot niyo sa #3 problem?"

"Alin nga dun?"

"Yung may x10 na problem?"

"Oo! Hmm, -3 answer ko"

"Ano!? Negative! Hala, ba't saken positive" aba malay ko sa pagsolve mo nun, girl.

Ewan ko ba at bakit palaging pag natatapos ang exam ay nagcocompare sila ng mga sagot. Tapos na nga diba? Di na mababalikan? Diba pwedeng sa checking of paper nalang yan? Hays, bitter lang talaga ako dahil wala akong naisagot.

Pumunta nalang ako ng canteen para magkanutrisyon ang utak ko, baka sakaling may masagot na ako mamayang hapon.

"Ate, dalawang rice, isang chicken curry, isang sprite tapos.... Isang egg pie, isang ensaymada at isang salted pork siopao"

"Wow, galit sa pagkain, Ran?" tatawa tawang puna ni Ate Ling.

"May teorya akong kapag maraming lamon, maraming sagot"

Pumunta ako sa upuan na malapit sa court. Punuan ang mga chairs. Buti nalang at mag-isa lang ako sa upuan. Jusko, ang iingay ng mga estudyante. Paano ako makakapag-aral nito? Ha ha.

Ipinasak ko saking tenga ang earphones at mapayapang kumain. Ilang saglit ay may humablot noon na nagpatigil sa aking pagnguya.

"Instead of listening to music, why won't you cram for the next subject?

Suhestiyon ng napakamatalino kong kaibigan.

"Ikaw na genius. I'm listening to music 'cause it relaxes me you know? Chill, brotha" sinabayan ko pa iyon ng breathing in and out.

Nilapag niya lang ang kanyang tray at kanyang mahiwagang kwaderno. Wow. I continued eating and while I was having my nomnom time, Jace opened his notebook and offered it to me.

"Pag ako nabagsak neto. Who you ka sakin!"

"As if"

"Pwe!" confident talaga ng apog nito. Pwe!!!!

But seriously, Jace is the kind of guy na confident na lowkey. He talks but not much, he loves silence and probably hates my me and my nagging existence. Siya yung matalino na hindi show-off. He studies, but he never claimed bragging rights. Sadly, sa akin lang yata niya ginagamit para alipustahin ako.

Dahil sa hindi ko naman kayang ubusin ng tatlong minuto lahat ng inorder ko sinipat ko muna ang aking relo at tinantiya ang oras at mga kinakain ko.

Hmm, so pwede pa ang rice meal, siopao tapos yung egg pie rin at ensaymada. Ay wait, okay pala lahat. Yes.

Iniabot ko kay Jace ang egg pie.

"Thanks" at pinagpatuloy ang pagkain.

May isang oras pa bago ang sunod na exam. Buti nalang History at English ang susunod na exam. Walang formula na isosolve. Mabuti at mapaghandaan ko man lang ang Physics bukas. Hays.

"Jacee Boy, fire questions. Dali!" sabi ko apatnapung minuto ang nakalipas.

"When did Magellan landed in the Philippines?"

"Wait alam ko yan. Nasa kanta yan, e..."

"On March 16, 1521~" pakanta kong sagot

"Okay. Now, I'm sure that you'll not zero the exam"

"Gago! Makalait ka ha! I'm so wounded!" sabi ko habang inis na kinagatan ang siopao.

Then he just smirked. Haynako kung di ko lang talaga kaibigan itong taong ito.

**

"You're totally screwed"

"Have I told you that I ain't one of those who follow instruction?"

"Thus, you're screwed"

"Gago isa nalang ganyan makikita mo"

"Yeah, you--"

Pinandilatan ko ng mata si gago. Tangina talaga. Hindi naman ako grade conscious pero sasapatusin na talaga ako ng nanay at tatay ko kung mababagsak na naman ako. Graduating pa naman.

Ipinost kanina sa bulletin ang student standing at rank 1 na naman si Jace habang ako... Nevermind.

"Jace, anuna gagawin kooooooo"

"Jace... Sabay tayo mag-aral?"

"Jace!!! Include me plissss"

"Jace!!!!!" pinindot ko pa siya sa tagiliran

Blangko na naman niya akong tiningnan at pinagpatuloy ang pagbabasa. Book is more interesting than me, huh?

Tiniklop niya ang libro ng marindi na sa pagpipindot ko sa katawan niya.

"I told you before that you're always welcome to join me"

"Pero--"

"Your call. Uunahin mo ang barkada mo o ang grades mo"

Para naman akong tuta na patango tango. Bumeep naman ang cellphone ko nasa table. Sinulyapan yun ni Jace.

Greggy Boi:
Ran, laters?

Lumingon ako kay Jace pagkatapos mabasa yun.

"Pwe-"

"If you don't want to mess this school year, you know what to do" sabay sulyap sa gawi ko.

Ngumuso nalang ako. He really knows the right buttons to push.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Sep 27, 2017 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

She's So DangerousBağımlısı olacağınız hikayeler. Şimdi keşfedin