"Mabuti ulet iyan."

"Susundan ko na ngayon ang matandang iyon. Lissana, where can I find that old freakin' guy?"

"Outside. Smoking."

"Anak ng—bawal manigarilyo rito, ah. Ang matandang iyon, walang pinagkatandaan."

Agad sumunod sa labas si Avex. Nang makasalubong nito si Jonas na papasok naman ng coffeeshop.

"Ikaw," bungad nito kay Jonas na halatang nagulat. "Kapag nag-abroad ang ate mo, mag-aral kang mabuti at dapat laging matataas ang mga grades mo. Huwag kang maglalakwatsa, huwag kang magastos at matuto kang magtipid. At lahat ng matitipid mo, ipunin mo sa bangko pandagdag sa gastusin mo at nang hindi ka hingi ng hingi sa ate mo. Para hindi na niya kailangang magtrabaho nang husto at nang makauwi na rin siya agad." Malakas pa itong napalatak bago nagpatuloy. "Hindi dapat pinagtatrabaho ang mga babae, lalo na sa ibang bansa. Gawain iyon ng mga lalaki. Kaya ikaw, kapag nalaman kong nagloko ka sa pag-aaral mo habang nagpapakahirap ang ate mo sa pagtatrabaho sa ibang bansa, ihuhulog kita sa helicopter ng walang harness."

Tuluyan nang lumabas ng coffeeshop si Avex pagkatapos iwan ang kapatid niyang tila may napakalaking bagay na na-realize sa buhay dahil pagbaling nito sa kanya ay nagtutubig na ang mga mata nito.

"Ate..." nagsusumamo ang boses nito nang lumapit sa kanya. "Huwag ka ng umalis. Kanina nakita ko sila tatay na malungkot at si nanay e umiiyak pa. Hindi na ako magdo-doktor. Simpleng course na lang ang a-apply-an ko sa college at sa murang university na lang ako mag-aaral. Kaya ko ring magtrabaho habang nag-aaral para makatulong sa bahay kahit paano at nang hindi na rin tayo masyadong gumastos sa pag-aaral ko. Basta huwag ka na ring umalis. Dito ka na lang..."

Pinitik niya ito sa ilong. "Para kang tanga. Huwag ka ngang umiyak. Nakakahiya sa mga nakakakita sa iyo rito." Sinulyapan niya ang magkasintahang Trax at Mirajane na walang kiyeme sa panunuod sa drama nilang magkapatid. "Pasensiya na, Sir, Ma'm." Nakangiting tumango lang ang mga ito. Binalingan niyang muli ang kapatid. "Bakit ka nga pala nandito?"

"E kasi nga hindi ko matiis sila nanay na malungkot." Nagpunas na ito ng luha. "Ate..."

"Hindi na ako puwedeng mag-backout. May kontrata na ako at malilintikan ako kapag hindi ko iyon tinupad."

"May kilala akong magaling na lawyer na puwedeng tumulong sa iyo na maayos ang kontrata mo," singit ni Trax.

"Oo nga. Maganda pa ang boses nun," dugtong ng girlfriend nito.

"Salamat na lang ho. Huwag na lang ninyong pansinin itong kapatid ko."

"Avex really likes you, you know."

Napayuko na lang siya sa sinabing iyon ni Trax. "I know."

"Do you like him?"

Hindi siya sumagot.

"Ate, pakasal ka na lang sa lalaking iyon. Gusto mo naman siya, hindi ba? Mayaman naman siya—"

"Jonas!" galit niyang hinarap ang kapatid. "Kailan ka pa natutong mag-isip na manggamit ng ibang tao para guminhawa ang buhay natin? Kaya ko kayong bigyan ng masaganang buhay, sa sarili kong paraan! Kaya huwag na huwag mo na uli babanggitin iyang sinabi mo kung ayaw mong malintikan sa akin. Wala sa lahi natin ang maging gold digger!"

"I'm sure that's not what your brother meant—"

"I'm sorry," baling niya kay Trax. "Kalimutan nyo na sana ang sinabi ng kapatid ko. May...may o-order-in ho ba kayo?"

"Ah...just give us anything cold to drink."

Hinila niya ang kapatid patungo sa counter matapos kunin ang order nina Trax. Doon niya pinagalitan pa si Jonas na hindi na umimik pa at tahimik na lang na sinarili ang kung anomang nararamdaman o sasabihin pa nito.

The Unexpected You (COMPLETE)Where stories live. Discover now