"Iyang pag-uwi mo ng mag-isa ang dahilan kung bakit tayo nandito ngayon. Kaya ihahatid na kita."

"That's my friend." Tinapik-tapik pa ng senador sa balikat si Avex. "Ingat kayo, ha? Boys, let's go."

Agad nagsisunuran sa senador ang mga bodyguards nito at ilang sandali pa ay dalawa na lang sila ni Avex ang naiwang nakatayo sa gitna ng presintong iyon. Saglit pa silang nagkatinginan nito na tila ba lihim na sinesenyasang ang isa't isa na kailangan na nilang lumabas doon at baka madisgrasya na naman ang kalayaan nila.

"Hindi man lang nag-iwan kahit isang Pajero..." sambit ni Avex paglabas nila. Kasalukuyan na sila noong naghihintay sa tabi ng kalsada hindi kalayuan sa presintong pinanggalingan nila.

"Dito ka na lang maghintay ng taxi pauwi sa inyo. Marami ng dumadaan dito—"

"Ihahatid kita. Nangako ako sa harap ng susunod na presidente ng Pilipinas."

At wala sa tono ng pananalita nito na magbabago pa ang isip nito. "Bahala ka na nga." Naghintay na siya ng masasakyan nilang jeep. "Kaibigan mo pala si Senator Jamic Realista. Kaibigan din ba niya si Sir Chris?"

"Highschool classmates kami sa isang school for boys."

"Pati si Sir Chris? No wonder marunong siyang makaintindi ng Tagalog."

"Marunong din iyong magsalita ng Tagalog. Kapanahunan nga lang ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang alam niyang Tagalog dahil iyon ang huli niyang na-engkuwentrong salitang Filipino bago bumalik ng Korea ang pamilya niya."

"Si Sir Chris? Nagsasalita ng ganon ka-lalim na Tagalog?"

"Hindi. Joke lang iyon."

Eksaherado siyang napasimangot sa pang-asar na lalaking ito. But he and his friend helped her bail out so she will have to resist strangling guy's neck for a while. 


******************************************************************

"PAGPASOK NATIN, huwag kang gagawa ng kahit na anong ingay. Tulog na ang pamilya ko at ayokong magpaliwanag sa kanila kung bakit may kasama akong lalaki ngayong gabi."

"Bakit kailangan ko pang pumasok ng bahay ninyo kung namomoroblema ka lang naman pala sa sasabihin ng pamilya mo kapag nakita nila ako?"

"Basta." Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kanilang bahay.

Mabuti na lang at iniiwan ng kanyang ina na bukas ang ilaw sa sala kaya hindi na siya mag-aalala na magising ang pamilya nila kapag nagbukas siya ng ilaw kung sakali.

"Dito ka lang. May kukunin lang ako sa kuwarto ko."

"Ano iyon?"

"Basta."

"I don't like that answer."

Napabuntunghininga na lang siya. "Alam kong wala ka ng pera para pamasahe pauwi. Nakita ko ang laman ng bulsa mo kaninang umaga nang magpunta ka sa Hanoel. At dahil karamihan sa mga tourist spots dito sa Antipolo ay may bayad, either hindi na sapat ang pera o ubos na iyon sa maghapon mong paglalaboy. Hay. Ewan ko ba naman sa iyo kung bakit ayaw mo pang tawagan ang driver mo para masundo ka na."

Naupo na ito sa sofa bago sumagot. "Natutulog na sigurado si Mang Manny."

"Sabi ko nga. Dito ka lang at kukuha lang ako ng pera para pamasahe mo."

Paalis na siya nang maramdaman niyang tila may kung anong pumigil sa kanya. Paglingon niya ay nakita niyang hawak ni Avex ang laylayan ng suot niyang uniporme.

The Unexpected You (COMPLETE)Where stories live. Discover now