Ate ng makiki-agaw sa presidential seat nito?

"Nasa kanan mo, Jamic," boses iyon ni Avex.

"Kanan?"

Nakilingon din si Tara sa direksyon na nilingon ng senator at ng mga tauhan nito. Wala siyang nakita kundi poster ng mukha ng kasalukuyang presidente ng bansa. That's when she realized...Avex was talking about her!

Muntik na niyang batuhin ng hawak na awdotibo ng telepono si AVex nang lapitan siya ng senador. Pero, wow. Madalas niyang nakikita ang senador sa telebisyon at alam ng lahat na may itsura ito. Hindi nga lang niya akalain na higit pa ang gandang lalaki nito sa personal.

"G-good evening, Senator."

"Ikaw daw ang ate ng makakalaban ko sa presidential election?"

"Ho? Eh...isa lang ang kapatid ko, Senator. At fourth year highschool pa lang siya ngayong taon. Wala pa rin sa isip ni Jonas ang tumakbo sa kahit na anong government position sa kasalukuyan."

"Your brother was just a teenager?"

"Oho. Sixteen pa lang iyon."

Nagpamaywang lang ito, at saglit na nawalan ng imik na tila may kung anong iniisip. Seconds later, the young senator gave her his signature smile that almost melted her heart and took her hand for a handshake.

"Ipagpaumanhin mo ang kalokohan ng kaibigan ko. Minsan talaga, pumapalya ang katinuan niyan. But he's harmless. I hope you won't take this against me."

"E..."

"I wish your brother a goodluck on his studies."

"Jamic, puwede mo na ba kaming i-bail out dito?" boses uli iyon ni Avex. "Inaantok na ako."

"Of course."

"Huwag mo na lang din sana itong idaldal kay Trax."

"Sure." Nilapitan ng senador ang desk officer at nakipag-usap sandali.

Maaaring pinairal ng senador ang red tape pero...wala naman silang kasalanan ni Avex kaya okay lang iyon. Hindi ba? Ilang sandali pa nga ay malaya na sila ni Avex.

"Ang sekretarya ko na lang ang makikipag-coordinate sa kanila bukas," wika ni Jamic habang naglalakad na sila palabas ng presinto. "Pero matanong ko lang, Avex. Ano ba ang ginagawa mo rito sa Antipolo sa ganitong oras ng gabi?"

"Naaliw lang ako sa paglilibot ng mga tourist spots dito maghapon. Hindi ko na namalayan na ginabi na pala ako."

"Where's your car?"

"Pinauwi ko na si Mang Manny kaninang tanghali. Gusto kong mag-isang mag-tour."

"Kung ganon, tawagan mo na ang driver mo at nang masundo ka na rito."

"Gabi na. Tulog na iyon."

"Paano ka uuwi?"

"Hindi mo ako ihahatid?"

"Saka na. Kapag presidente na ako." Lalayasan na sila ng senador nang mapadako ang tingin nito kay Tara. Saglit itong natigilan at napabuntunghininga na lang nang tila may kung ano itong ma-realize. Pagkatapos ay muli itong ngumiti saka bumaling uli kay Avex. "Sige, ihahatid na kayo ng mga bodyguards ko."

"Ah, Senator. Hindi na ho ninyo ako kailangang ihatid. Malapit lang naman ang bahay ko rito."

"No, no, no, no, no. Lahat ng mga simpleng mamayan ng bansang ito ay mahalaga sa akin kaya—"

"Ako na ang maghahatid kay Tara sa kanila."

Napalingon siya kay Avex. "Huwag na. Kaya ko nang umuwi mag-isa. Salamat na lang."

The Unexpected You (COMPLETE)Where stories live. Discover now