C H A P T E R 7

Magsimula sa umpisa
                                    

Kahit may kinikimkim na galit si Kid sa Dad niya ay hindi niya pa rin mapigilang magselos kapag may kaagaw siya ng atensiyon ng Dad niya---lalo na kapag babae. He want all the time and attention of his Dad yet minsan ay ayaw niya ring makita ito. At kung bakit siya ganoon ka-komplikadong tao ay simple rin lang naman, saan pa ba siya nagmana?

Lahat ng physical attributes ng Dad niya ay halos namana ni Kid. Mula sa lean na katawan at guwapong mukha ay nakopya niya sa genes ng Dad niya.

Ang tanging namana niya sa Mom niya ang medyo pouty niyang lips. Manipis kasi ang labi ng Dad niya.

"Uy ano ba!" sita niya sa Dad niya nang inilapit nito ang kamay na may hawak na tissue papunta sa gilid ng labi niya.

"Don't move..." hinawakang ng maputi at maugat na kamay ng Dad niya ang pulido niyang panga at maya-maya pa ay natigilan siya nang pinunasan ng Dad niya ang stain ng gravy sa gilid ng labi niya.

"Para ka pa ring bata kumain..." anito at maya-maya pa ay kumibot ang mga labi ni Kid. Naiiyak siya!

*  *  *

M R.  P E T E R  L E E

"Ano ba kasing pumasok sa isip mo at tumakas sa feiild trip niyo?" tanong ni Mr. Lee sa anak niya na nakaupo sa gilid niya habang minamaneho ang Audi niya papunta sa bahay nila.

Alas sais na ng gabi, medyo natagalan sila pag-uwi sa kadahilanang nagpumilit ang anak niyang si Kid na magpunta sa mall para magpabili ng flower horn na idadagdag na naman nito sa paborito nitong aquarium.

Nakita ni Mr. Lee na wala sa kanya ang atensyon ng anak niya kundi nasa flower horn na paikot-ikot lamang sa fishbowl na hawak nito.

He felt disappointed. Noong 17 years old siya ay matured na siyang mag-isip. Sa mga panahong iyon, fino-forecast na ni Mr. Lee ang mangyayari sa itatayo niyang business. Habang itong anak niyang si Kid na 17 years old na ngayon ay parang bata pa ring mag-isip.

"Don't touch it!" sita ni Mr. Lee sa anak niya nang isawsaw sana nito ang kamay sa loob ng bowl.

Noong papalaki pa lang si Kid ay napansin na ni Mr. Lee na sobrang ikli lang tagala ang attention span ng anak niya, kasing ikli ng pet nitong flower horn. Nagduda si Mr. Lee noon kung bakit ganoon ang anak niya kaya pina-check up niya ito kung may ADHD (attention deficit/hyperactivity disorder) nga ba ito at napatunayang mayroon nga pagkatapos ng mga test ti-nake nito.

Kaya kahit maikli ang pasensya ay pilit na hinahabaan ni Mr. Lee ang pangunawa sa anak niya. Hindi lang dahil may ADHD ito kundi dahil alam niyang kagaya niya ay nangungulila rin ito kay Thalia.

"Anak ng..." Kamuntikan nang mapamura si Mr. Lee sa ere nang lumipas ang ilang minuto ay niyang tulog na si Kid sa gilid niya.

Inihinto niya saglit sa gilid ng daan ang kotse niya. "Para kang aso, kahit saan ka na lang nakakatulog," ani Mr. Lee at kinuha niya kay Kid ang ang fish bowl na yakap-yakap nito. Inilagay niya iyon sa tabi ng stuff toy na aso na panghabang buhay na yatang pagewang-gewang ang leeg.

"Pati pag-set belt hindi maayos na magawa..." dagdag ni Mr. Lee sabay inayos ang set belt ng anak niya.

Nang matapos ay hinawi niya ang malabot na buhok ni Kid. "The perks of being a lone parent. Pero ayos lang basta't huwag ka lang magaasawa ng maaga..." dagdag ni Mr. Lee at hinalikan niya ang noo ng anak niya.

Sa totoo lang ay wala naman talagang pake si Mr. Lee sa grades ng anak niya. Para kasi kay Mr. Lee, hindi basehan ang numero para sabihing matalino o bobo na ang isang bata lalo na't alam niyang sa halos lahat ng mga eskwelahan ngayon sa Pilipinas ay halos memorization lang ang examination. Alam ni Mr. Lee na hindi gaanong magaling si Kid sa multiple choice type of exams but the write ups of his son sa mga essay na ginagawa nito tells it all.

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon