Chapter 31 - "The Hunter's Burden"

Start from the beginning
                                    

"Hindi mo ko naiintidihan."

"Babe, matagal pa ba ya----", narinig ko nanaman yung boses ng babae na parang nang aakit.

"Umuwi ka na, ayoko na sayo. Nakakasawa ka.", sagot naman ni Dale. Sira ulo talaga.

"What did you just say? How dare you! IKAW ANG UMUWI! CONDO KO TO!", tssssss, pahiya ang loko.

"Hoy! Para sabihin ko sayo, kayang kaya kong bilin tong buong building ng condo unit mo! Jan ka na! *BLAAAAG!", sagot ng gago sa babae sabay balibag ng pinto.

"Dude! Huhuhuhuhuhu!", umiyak?

"Dude! Ang sexy non e! Sayang! Alam mo ba yun ha? Sayang! Huhuhuhuhu! Hindi mo ko maiintindihan!"

"DALE! Wala akong oras makipagbiruan! HQ, 20minutes.", seryosong sagot ko sabay baba ng linya.

Gusto ko sanang tumawa dahil naiimagine ko muka nya habang nagmumukmok dahil sa babae. Pero hindi ko magawa dahil dalawang malaking problema ang iniisip ko ngayon. Una ay yung kay Chester, sunod ay yung kay Jasmine.

Hinagis ko ang cellphone ko sa passenger seat pagkatapos namin mag usap ni Dale. Inihawak ko ang dalawang kamay ko sa manibela tsaka ako yumuko. Kailangan kong mag isip ng plano. Sa tingin ko, hindi basta basta ang plano ni Demi dahil mukhang isang malaking grupo ang kausap nya base sa narinig ko kanina.

Hindi sana ako matitinag kung si Demi at yung kausap lang niya sa telepono ang kasali sa usapan dahil sigurado akong kahit gaano pa sila karami, kayang kaya namin sila. Pero yung pagsali ng nanay ni Chester sa plano nya ang mabigat na problema. Siguradong kakampihan nun si Demi laban kay Yuri.

"Haaaaaay!", napabuntong hininga nalang ako.

Pagkatapos ng ilang minuto ng pag-iisip, nagpasya akong iistart na ulit ang kotse, pupunta na talaga ako sa apartment nila Yuri. Sa sobrang gulo ng isip ko, hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa street nila. Doon ko nakita ang kotse ni Chester kaya nasiguro kong nandito nga siya.

Ipinarada ko ang kotse ko sa tapat ng kotse ni Chester. Kinuha kong muli ang cellphone ko na hinagis ko sa passenger seat tsaka ko nilagay sa bulsa ko. Pagkatapos kong kunin ang susi ng kotse ko, dere-deretso akong lumabas pero natigilan ako sandali dahil sa nakita ko. Napangiti ako ng di ko namamalayan.

"Jazz...", nasabi ko ng wala sa loob ko. Naglalakad siya papunta sa bahay nila.

Lalapitan ko na sana siya nang mapahinto muli ako at kusang nawala ng ang mga ngiti ko. Ngayon ko lang napansin na may nakaakbay sa kanya na lalaki habang buhat buhat niya si Ethan. Nagtatawanan sila na para bang wala silang pakialam sa mga tao sa paligid.

"HAHAHA! Oo na! Utang na loob ko na ang pagsama mo samen ni Ethan.", narinig kong sabi niya.

"Talaga! Kaya may utang ka saking kiss!... ARAY! Bat mo ko binatukan! Hahaha!", sagot sa kanya ni Eyd, ang ex ni Yuri, habang nagkakamot ng ulo.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDWhere stories live. Discover now