Every time I think of you
I feel shot right through with a bolt of blue
It's no problem of mine
But it's a problem I find
Living a life that I can't leave behind
But there's no sense in telling me
The wisdom of the fool won't set you free
But that's the way that it goes
And it's what nobody knows
well every day my confusion grows
Unang beses ko palang marinig ang boses nya para ng may something akong naramdaman sa loob ko.
January 21.. 7 ng gabi ng unang beses ko syang marinig na kumakanta sa isang mall. May show sya doon at para bang nahook ako sa boses nya. I am an ordinary girl na naggagala lang sa mall ng araw na yun. Then nung napadaan kami ng friend ko sa stage malapit. Narinig ko ang boses nya at para bang may sariling buhay ang mga paa ko at dinala ako doon.
Every time I see you falling
I get down on my knees and pray
I'm waiting for that final moment
You say the words that I can't say
At habang pinakinggan at pinapanuod ko sya. Namalayan ko nalang ang pagsibol ng ngiti sa labi ko. Para bang may something akong naramdaman na hindi ko kayang ipaliwanag. Basta.. parang tumalbog ang puso ko nung nakita ko sya.
I feel fine and I feel good
I'm feeling like I never should
Whenever I get this way
I just don't know what to say
Why can't we be ourselves like we were yesterday
I'm not sure what this could mean
I don't think you're what you seem
I do admit to myself
That if I hurt someone else
Then I'll never see just what we're meant to be
Hinding hindi ko makakalimutan ang gabi na yun. Ang gabi na unang beses kong narinig at makita sya.
Every time I see you falling
I get down on my knees and pray
I'm waiting for that final moment
You say the words that I can't say
Last night with my super crush..Glaiza Galura. Sikat daw syang singer pero ako na itong busy sa buhay hindi ko sya kilala. Pero ngayon... gusto ko na syang makilala. Isa na din ako sa dakilang fan nya.
"Hoy Faye. Ano to?" Bulyaw sakin ng kaibigan kong si Alice. Nasa trabaho kami ngayon pero kung makasigaw wagas. Pinakita nya sakin yung ticket ng concert ni Glaiza na nasa mesa ko.
"Ticket. Hindi mo ba alam yung gan...."
"Hay naku Faith Marie! Malala ka na. Gusto mo dalhin na kita sa mental?"
"Dalhin mo nalang ako kay Glaiza. Daliiii." Kinikilig kong sabi tapos yumakap pa ako sa braso nya. Haha She rolled her eyes sakin. "Ang KJ mo naman Alice. Minsan lang naman yan. Hindi naman araw-araw."
"Alam ko. Pero naman. Sabihin mo nga sakin.. baliw ka na ba?"
"Humahanga lang friend. Akin na nga yan." Kinuha ko yung ticket. Tinago ko na sya sa wallet ko. Kahit kailan ang kaibigan ko panira ng moment. Ang ganda-ganda ng soundtrip ko dito eh. Pinapakinggan ko lang naman ang mga kanta ni super crush eh.
"Sa tingin mo ba pag nakita mo sya mapapansin ka nya?" Tumingin ako sakanya at nag-isip.
"Malay mo naman diba? Walang imposible." Sabi ko na pataas taas pa ang kilay. Haha. Naniniwala talaga ako na magkikita kaming dalawa at makakausap ko sya or makapagpapicture lang naman.
Wala naman talagang imposible sa mundong to. Lahat pwedeng mangyari. Kung ako nga tong hindi mahilig sa mga ganyang singers o artista eh... ngayon baliw na baliw na sa isa. At kay Glaiza Galura lang yun.
"Wait. May naalala ako." Humawak pa sya sa kamay ko. "Alam mo bang...."
"Hindi ko pa alam. Ano yun?"
"Sira. Seryoso to Faye. Naalala ko lang. May friend ako na friend ni Glaiza."
At dahil sa narinig ko? Yung puso ko tumalbog na naman ng sobrang bilis. "Seryoso?"
"De joke lang."
"Ay paasa."
"Hindi nga. Seryoso nga Faye. Sa susunod ipapakilala kita sakanya. Malay mo naman diba? Sya pala ang way para mapalapit ka kay Super Crush mo. Hahaha."
At dahil sa tuwa ko. Niyakap ko si Alice. "Ayiiieh. Thank you Alice. Mapapakinabangan din pala yang pagiging pala-kaibigan mo eh. Haha."
"Sira."
//
Pagkauwi ko ng bahay. Dumiretso ako agad sa room ko. I opened my laptop at hinanap ko agad sa gallery ko ang videos ni Glaiza at ilang music nya. Gusto kong marinig ang boses nya bago ako matulog.
Pliney ko ang favorite kong song nya na Bizzare love triangle. Ang unang song na narinig kong kinanta nya. Di ko makakalimutan to.
Habang pinapakinggan ko ang maganda nyang boses na para akong hinihele at unti-unti ng pumipikit ang talukap ng mata ko.
Goodnight super crush...
//
"Fayeeeee."
Napalingon ako kay Alice. Sigaw ng sigaw ng pangalan ko eh.
"Faye. Faye!"
"Ano. Ano?"
"Listen. Nakausap ko na yung friend ko. Lets meet her tonight. "
"Kasama si Super Crush? 😍" excited kong tanong sakanya. Pero sa nakita kong reaksyon alam ko na ang sagot nya.
Alice's Reaction -> 😑
"Excited naman masyado Faye eh. Hindi pa. Kakausapin palang natin sya about your Super crush ek ek na yan."
"Sige. Sige okay na din yan. Mas okay na yan kesa wala . Haha. Thank you talaga Alice." And then I hugged her. Finally, magkakaroon ako ng chance to meet her. Can't wait. Hays. Sana naman magkaroon talaga ng chance. Hindi naman imposible yun diba? I'm a fan you know. At kahit ano gagawin ko makita lang sya.
Hays. Glaiza, what have you done to me?
YOU ARE READING
Last Night With My Super Crush
FanfictionA short story for my Super Crushes Glaiza De Castro and Dj Faye 😊
