Dalawa

14 2 2
                                    


"Kilala mo ba ang lalaking 'yon Hersh?"

Pamatay ang tinging iginawad ko sa kanya habang sumusubo siya ng pizza. Recess ngayon kaya nandito kami sa cafeteria.

"Bakit? Crush mo?"

"Hindi nagtatanong lang, kilala mo ba?"

"Edi interesado ka sa kanya tinatanong mo ang pangalan e."

Sinamaan ko ng tingin si Hersh.

"Sasagutin mo ba ang tanong ko o iiwan na kita dito?"

"Biro lang. His name is Cardinal Jacinto."

Napatawa ako. Ang bantot pakinggan ng pangalan niya. Kasing bantot ng ugali niya.

"Also known as Casio."

Napatigil ako sa pagtawa at hinila si Hersh palapit sa akin.

"Casio? Don't tell me iyan 'yong kapatid ni Bryce?"

"Kapatid ni Bruno Yvess? Oo siya nga."

"Kaloka, bakit kailangan mo pang sabihin ang buong pangalan? Pwede namang oo na lang."

Nagkatawanan kaming dalawa,
ano kayang trip nang mga magulang nila Bryce at ganun ang name nila? Mayroon pa ngang kapatid si Bryce sa elementary na Melchor naman ang pangalan. Kaklase yun ng kapatid ko. Tapos sa high school ay si Jacinta. Probably si Cardinal Jacinto ay college na din. Ano kayang year na niya? Ngayon ko lang siya nakita e pero alam ko may kapatid si Bryce na Casio.

"So ba't mo nga tinatanong? Jusko, total opposite yan ni Bryce. Kung siya ay mabait tsaka friendly, si Casio puro kasungitan lang ang alam. He's a snob."

"I don't care. Kaya ko lang din natanong ay dahil sinungitan niya lang naman ako kahapon."

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kahapon sa hallway. Pagkatapos kong magkwento ay parang kinilig pa si Hersh.

"Baliw ka ba, anong nakakakilig don? Minura niya ako Hersh just to remind you."

"Kahit na, mala-romantic movie ang datingan niyo. Move on ka na kay Bryce, never ka nang papansinin noon. Dedma lang ang beauty mo sa kanya."

Hindi ko na siya sinagot. Alam ko, alam na alam ko.

Tiningnan ko ulit ang puwesto ni Casio and to my surprise nakatingin din siya sa direksyon ko. Inirapan ko siya at nagpatuloy na sa pagkain. Teka, bakit niya ako tinitingnan? Nakatingin pa kaya siya?

"Nandoon pa ba sa pwesto niya si Cardinal?" tanong ko kay Hersh habang nakain.

Lumingon si Hersh.

"Huwag mong tingnan baka sabihin niya pinag-uusapan natin siya."

Notice Me PleaseWhere stories live. Discover now