C H A P T E R 6

Magsimula sa umpisa
                                    

"KID! Bumaba ka riyan! Huwag mong hintayin na umakyat ako riyan!"

Narinig ni Kid ang mga bulong-bulogan ng pasareho, pilit na hinahanap kung sino sa kanila si Kid.

"Tatay mo ba iyon?" ani ng Lola na katabi ni Kid.

Para siyang batang umiling-iling nang sagutin ang tanong ng Lola. "Opo."

* * *

M R. P E T E R L E E (3RD PERSON)

"Let's go home, marami tayong pag-uusapan tungkol sa pagkatas mo sa feild trip," mahinahong ani Mr. Lee nang matagpuan niya ang binatang anak sa loob ng bus.

"Pare, ano 'yan? Anak mo ba? Puwede bang sa baba kayo mag-usap? May mga pasahero kami oh!" badtrip na sita ng kondoktor kay Mr. Lee.

Umitim ang anyo niya at hindi na lang pinansin ang kondoktor.

"Kid, let's go..." mahinahon ulit na sabi ni Mr. Lee---trying not not to shame his son.

"Ayoko!" nakayukong sigaw ni Kid at maya-maya pa ay nakita ni Mr. Lee na umiiyak na pala itong 17 year old niyang anak na lalaki. Pambihira!

"Kid tara na..."

"Ayoko sabi!" sigaw ni Kid na ikinagulat ni Mr. Lee dahil hindi lang basta-bastang iyak ang nakita niya sa anak niya. His son was wailing, parang grade 1 student na pinagalitan dahil natae sa breif. At tila galit na galit din ito sa kanya.

"Ano ba Dad!" Nang hindi na talaga nagustuhan ni Mr. Lee ang inasta ng anak ay binuhat na niya ito.

Maraming natawang pasahero. Kailan ka ba kasi makakakita ng 37 year old na guwapong tatay na binubuhat ang anak niyang mas matangkad pa sa kanya? That scene was really cute.

K I D A L L E N T O N

"'Yong mani ko..." umiiyak, ngumangawa at parang batang sabi ni Kid habang ang mukha ay nasa likod ng dad niya. Hindi siya makagalaw habang binaba siya ng Dad niya sa bus. Masyadong malakas ang Dad niya. Ngayon ay nagmukha lang siyang puting towel na isinampay sa balikat ng Dad niya.

M R. P E T E R L E E

Nang makababa ng bus ay ay mabilis na inilagay ni Mr. Lee si Kid sa likod ng Audi niya. Isinara niya ang pinto roon at nagpunta na sa driver seat.

Nang pinaandar niya na ang Audi at tinahak niya ang dahan ay hindi mapigilang hindi masaktan ni Mr. Lee. Naalala niya bigla ang isang senaryo noong apat na taong gulang pa ang anak niya....

"Mommy!" sumisigaw ang anak niyang si Kid noon sa airport. Actually, wala naman talaga si Thalia roon at dinala lang ni Mr. Lee si Kid doon dahil may meeting siya sa may-ari ng airport na iyon na si Mr. Florendo. Wala kasing magbabantay kay Kid noon kaya sinama niya lang ito.

Ngunit noong nanunuod sila ng mga nagti-take off na eroplano, nagulat na lang si Mr. Lee nang biglang tumakbo si Kid papunta sa runway.

"Mommy!" pag-iyak Kid na tila iniisip na naroon ang mom niya sa loob ng eroplanong papalipad na.

Nang mahabol ni Mr. Lee ay niyakap niya ang anak niyang si Kid. Hindi napigilan ni Mr. Lee na umiyak noon dahil sa nakita niyang pagka-miss ng anak niya sa Mommy nito....

"Do you want to have lunch with me?" tanong ni Mr. Lee kay Kid na nasa backseat ng Audi niya. Kahit inis siya sa ginawa nitong pagtakas sa feild trip nito ay hindi mapigilan ni Mr. Lee na mamutawi sa puso niya ang concern sa anak. Afterall kahit gaano pa ka tarantado nitong anak niya, anak niya pa rin ito. At mahal pa rin niya ito.

K I D A L L E N T O N

"Do you want to have a lunch with me?"

Hindi sumagot si Kid. Pero noong hininto ng Dad niya ang Audi nito sa tapat ng isang fastfood chain na may chicken joy at jolly spaghetti sa poster nito sa labas ay nauna nang bumaba si Kid.

M R. P E T E R L E E

Napangiti si Mr. Lee nang makitang pumila na si Kid sa counter ng fastfoodchain kasama ng mga maliliit na bata.

"What a childish man," natatawang sabi ni Mr. Lee.

L U K R E C I A K A M U L A G

"Para!" sigaw ni Lukrecia hindi sa isang taxi kundi sa isang bus. Huminto ang bus sa tapat niya.

Nang sumakay ay pinagtinginan siya mga tao. Hindi niya na lang iyon pinansin at umupo na lang siya sa tabi ng isang lola na may dala-dalang lata ng Bonakid.

Walang ekspresyon ang mukha ni Lukrecia noong umupo na siya sa upuang iyon. Patanaw-tanaw lang siya sa dinadaanan ng sinasakyan niyang bus.

Actually, sumakay na rin siya ng bus two hours ago. Uuwi na sana siya paprobinsnya para magsimula ulit ng bagong buhay doon. Iyon nga lang, sa gitna ng paglalakbay niya, bigla siyang ti-next ni Dudong. Naka-delete na sa contact list nito ang pangalan pero dahil memorize niya ang number ay alam niyang si Dudong iyon:

Sabi sa text:
Baby, usap tayo.

Ayaw na sana ni Lukrecia pero may parte pa rin ng kanyang hypothalamus na gusto ring malaman at marinig ang panig ni Dudong. Kaya nangyari, ito nga, sumakay siya ng bus pabalik sa pinanggalingan.

"Lula? Kanenung mani etu?" tanong Lukrecia sa Lolang katabi sabay turo sa container ng mani na nasa paanan niya.

"Sa lalaking malaki ang tiyansang makatuluyan mo..." misteryonsong ani Lola.

Nanindig ang balahibo ni Lukrecia. "Isang mane vendur ang makakatuloyan ku?" nakangusong sabi niya.

* * *

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon