Para sayo ito,kaibigan
Hindi alam ang mararamdaman
Nang minsang sinabing hindi naman namin dapat malaman
Ang iyong nararamdaman
Hindi makapaniwalaang iiling
Sa iyong tinuwiran napatingin
Maluha luhang itinigil
Nang hindi masaktan at puso'y parang pinipisil
Hindi kita maintindihan
Hindi ka namin maunawaan
Bakit kailangan ika'y magkaganyan?
Isang tao,sayo ay nakapagpabago
Hindi positibo pero medyo negatibo
Siya ang naging mundo mo
Sa buhay mo'y naging sentro
Nabalewala kaming mga kaibigan mo
Nawalan ng gana
Sa lahat ng gawa
Sabi pang ang pagiging masaya ay nakakasawa
Gustong maging malungkot at mapag-isa
Ayaw sa amin ipaalam
Dahil ba wala kaming karapatan?
O dahil natatakot ka sa reaksyon naming iyong kaibigan
Hindi mo alam na kami'y labis na nag-alala
Sa iyong hindi maipaliwanag na gawa
Sa mga tingin,salita at asta
Tinanong kita minsan
Pero hindi mo naman nasagot ni isa sa katanungan
Hindi alam kung ako iyong pinagtitripan
Dahil ito'y nakakaasar naman.
Ang sarap mong sampalin
Ang sarap ipamukha sayo na hindi ka niya mamahalin
Gusto kong puso mo'y tanggalin
At isip ang pairalin
Bata ka pa,bata pa siya
Hindi na dapat pa
Huwag mong ipagpilitan
Huwag mong itanong ang mga walang kasagutan
Huwag mo siya kabaliwan
Ikaw lamang ay masasaktan
Dahil hindi lahat ng magugustuhan
Ay ganun din ang ibabalik sayong nararamdaman
Hindi ito natututunan
Hindi ito pinagpipilitan
Kusa mo itong mararamandaman
Kusa kang mahuhulog ng hindi namamalayan
Kaya kahit anong mangyari ang puso mo'y hindi madidiktahan ninuman
Mahal mo siya pero huwag ka ng umasa na ito'y susuklian
Dahil hindi naman kailangan
Basta hayaan ka lang niya na iyong paramdan ang tunay na nasa kalooban.
-Sister
YOU ARE READING
Salitang Naisambit
PoetryA spoken words for anyone. Damahin niyo ang hugot ng isang bitter. Choss! Basta walang forever WHAHAHAHA
