"UNA"

2 0 0
                                        

Simulan natin sa una

Nang una kitang makilala

Nagsimula sa wala hanggang napunta na sa ganito, kung ano mang tawag nyo sa sitwasyong ito ..... basta magulo

Pero d ko inakala na sayo ko iaalay ang aking mga una

Unang mga bagay na hindi makalimutan

Mga unang bagay na hindi ko pinagsisihan

Ang

Mga unang beses na nagkaroon ng kulay ang bawat araw ko

Mga unang beses na papasok ako ng may ngiti sa mga labi ko

Mga unang beses na sinagad ko ung utak ko matulungan ka lng sa kailangan mo

Mga unang beses na halos himatayin na ako magpapayat lng para sayo

Mga unang beses na binago ko ang buong pagkatao ko pra sayo

Lahat ng unang bagay na ginawa ko ay inalay ko sayo

Pero...... d ba hindi lahat ng una masaya

Hindi lahat ng una pang habang buhay na

Hindi lahat ng una ay magiging masayang alaala

Isa ka dun sa mga unang yun

Dahil kahit ikaw ang unang nagpatibok at nagpasaya sa puso ko

Ikaw din nmn ang unang nagpahirap at sumira nito

Pano?

Nang sabihin mo na sayo ako ay mahalaga pero hindi mo pinadama

Nang sabihin mo na pag kasama mo ko ikaw ay masaya, habang nakatingin ka sa iba

Na ginawa ko na lahat para mapasaya ka pero... wala... walang kwenta

Yung tipong

Mas masaya ka pa sa simpleng sulyap nya kesa pagpapakalma ko sayo ng may problema ka

Mas masaya ka pa sa simpleng ngiti nya kesa sa lahat ng oras na binuhos ko mapaligaya ka

Mas masaya ka sa pagkatao nya kahit wala sya at ako ang laging nanjan pag may kailangan ka

O sadyang kulang lahat ng aking ginawa

Siguro kulang pa kahit sinasabi nilang tama na, mukha ka ng tanga

Siguro kulang pa kahit sinasabi nila na pra sa kanya hindi ka naman mahalaga

Siguro kulang pa kahit mas nanghihinayang pa sila sa mga binigay ko sayo kesa sa sarili ko

Pero siguro ganun lng talaga

Hindi lahat ng una masaya

Hindi lahat ng una pang habang buhay na

Hindi lahat ng una ay masayang ala ala

Pero salamat kasi ikaw ang aking naging una.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"UNA"Where stories live. Discover now