"Anong lasing? Sinong lasing? Gusto mo magtumbang preso pa tayo dito?" Pasigaw na sinabi ni Kit sa bartender na nasa harap nya. Nakaupo sya sa stool sa harap ng bartender top. Aminado syang tipsy sya, pero hindi pa sya lasing. The night is still young. Gusto nya pang mag-enjoy, mag-relax at makalimot.
Ang lakas lakas ng tugtog ng musika pero tila wala syang marinig. Pinapanood nya kung paano magsayawan ang mga tao sa dance floor. Yung iba, parang hindi na sayaw ang ginagawa.
Hindi nya nga alam kung bakit ba ang bigat bigat ng loob nya. Dahil ba nahuli nya ang boyfriend nya na aktong hinuhubaran ang ibang babae sa dapat sana ay magiging bahay na nila o dahil ang malanding babae na tinutukoy nya ay ang mortal nyang kaaway since high school?
"Pakshet kayong lahat." Ang nasabi na lang ni Kit sa sarili nya ng iabot sa kanya ng bartender ang scotch on the rocks nya. Di pa sya nakuntento, tinitigan nya ng masama ang bartender bago tinungga ang alak na nasa harapan nya. Dali-daling tinalikuran sya ng bartender para harapin ang iilang mga elitistang customer.
Tinawag nya ulit ang bartender pero dahil na rin sa dami ng tao at sa lakas ng tugtog kaya't di sya agad naentertain, ngunit kahit ganoon, nag-init pa rin ang ulo nya. Sabi nga ng mama nya, nagmana sya sa papa nya na mainitin ang ulo.
"Mainitin ang ulo ko, pero hindi naman masamang tao para ipagpalit na lang. Maganda naman ako, ha? Yang si Sandra, wala nga sya sa Ms. Business Administration finalists eh, samantalang ako ang nanalo." Tinignan nya ang repleksyon nya sa iniinom na baso at lalo syang nanlumo sa nakita. Magulong buhok, mugtong mga mata humulas na eyeliner.
Tinawag nya pa ulit ang bartender ngunit hindi sya napansin. Nainip na sya kaya kinuha nya ang bagong bigay na alak sa katabi nya, wala syang pakielam kung bakit biglang namutla ang bartender sa harapan nya. Gumuhit sa lalamunan nya ang pait ng ininom, at tila lalong kumulay at umikot ang paningin nya.
Namamanhid sya sa sakit.
Ano bang mali? Na nagtitipid sya ng husto kahit pa kumikita naman ang café nya? Na hindi sya masyadong nag-aayos dahil nanghihinayang sya sa pera dahil gusto nyang maglaan para sa magiging future sana nila ni Brix?
Naalala na naman nya ang peste nyang boyfriend. O mas dapat tawaging ex na ngayon. Naalala nya pa kung paano sya sinabihan ng nanay ni Brix na "negra" ng isama sya ng ex nya sa family gathering ng partidos nito. Dapat doon pa lang nagduda na ako, na sa sama ng pinakita sakin ng mama nya, malamang na gawin nya rin sa akin.
"Gago ka. Pinag-invest mo pa ako ng 15,000 sa lecheng mga kaldero tapos hindi naman stainless. Mas maganda pa yung mga ginagamit ko pang-bake sa cafe tapos inintindi kita ng sabihin mong nascam tayo. Ang kapal pa ng mukha nyo na sabihin sakin na pinang-Hawaii nyo yun. Samantalang ako, di mo man lang pinatapak sa ibang parte sa Pilipinas. Mamatay na kayo!" Hinayaan ni Kit na tumulo lang ang mga luha sa mata nya, walang pakielam kahit pinagtitinginan na sya ng mga tao sa bar.
Mukha syang basahan kung tutuusin. Alangan sa bar na pinuntahan nya na mukhang mga mayayaman ang dumadayo. Siguro kasi nasaling ang pride nya ng pinamukha ni Sandra na kaya sya pinagpalit ni Brix ay dahil na rin sa lifestyle nya. Kaya't pagkaalis na pagkaalis sa townhouse, pumunta sya sa pamosong bar sa Alabang at doon sya ngayon nagbuhos ng sama ng loob.
Umabot pa ng dalawang oras ang pag-inom nya, at tumigil lang sya kung kelan ang basong iniinom nya ay naging lima na sa paningin nya. Tinawag nya ang bartender at binigay ang credit card nya na napakadalang nyang gamitin. Aalis na sana sya ng tinawag nya ulit ang bartender na parang takot na takot na sa kanya. Dumukot sya sa coin purse nya at bnigyan nya ng 40 pesos na taglilima bago tinapik tinapik ang balikat ang kawawang bartender.
Pagkatayo ni Kit, naramdaman nya ang pag-ikot ng mundo nya. Parang pag-ikot na nangyari ng nakita nya si Brix sa ibabaw ni Sandra. Ang mga luha na pinipigilan nyang tumulo sa harap ng dalawang taksil. Ang nang-uuyam na ngiti sa mga labi ni Sandra na ang sarap kayurin gamit ang steel wool sa kusina nila. Hanggang sa napakapit sya sa pader. At nagdilim na ang paningin nya.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagbukas ng mata si Kit at tumambad sa paningin nya ang puting kisame, eleganteng mga ilaw at mamahaling muebles. Inikot nya ang paningin nya at nakita nya ang sarili nya sa napakalaking kama at puting bedsheets at itim na comforter. Itim na comforter? Wala syang tinatago na itim na comforter sa condo nya.
YOU ARE READING
Smitten (Kathniel Fanfiction)
FanfictionOne night. One ring. And it changed everything.
