Chapter 01

8.5K 131 15
                                    

Well, what can i say? HAHAHA! Ang hirap pala talagang makipaghantuhan sa mga sira ulo noh? Lalo na sa dalawang character ko sa kwentong ito. Sobrang pinasakit nila ang ulo ko dahilan para di ako makatulog ng maayos kakaisip kong ano ang gagawin sa kanila. HAHAHA

Wala talaga sa plano ko ang gawan ng estorya ang mga kaibigan ni Alex,  kung baga ginawa ko lang sila para gamiting pangulo sa mga scene ko noon sa Chances, kaso heto’t dahil sa kabaliwan ko binigyan ko nang malaking problema ang sarili ko. Bwahaha!! Ang kwentong ito ay maglalaman ng 10 Chapters mga kabayan, at ang posting schedule nito ay every other day without fail LOL! (Ayan na naman ako sa mga pangako kong napapako noh? Pero totoo na ito pramis!) Anyway, enjoy niyo lang ang kwentong ito at ang pakikibaka ni Nicollo sa kamay ng kanyang mortal na kaaway. Ipapakita sa kwentong ito that love has no limits nor no boundaries. Walang pinipili itong tao kahit paman siya pa ang pinaka-inaayawan mo noon.

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

Nasa coffee shop si Niccolo, ang coffee shop na pinagtulungan nilang maitayo ng isa sa kanyang apat na pinakamatalik na kaibigan – ang Keros Cafe. Kasalukuyan niyang pinapakain ang pusang minsang dumayo sa kanilang bahay para mamingwit ng makakain. Lumaki siya kasama ang alagang aso na si Buffy, ngunit sa ‘di inaasahang pangyayari ay aksidente itong nasagasaan na ikinamatay nito. Kinahiligan na talaga niya ang maging mapagmahal sa mga hayop, sa mga ito niya naipapakita ang soft side niya na ipinagkait niyang ipakita sa mga taong malalapit sa kanya.

He doesn’t want to be noticed. Hindi rin siya ang tipo ng tao na madaling makapalagayan ng loob. Arogante, walang pakialam sa mundo iyan ang palaging nagiging komento ng mga kaklase niya simula elementary pa lang siya. Maliban sa apat na taong nakilala niya no’ng high school na siyang tanging binigyan niya ng karapatang maging malapit sa kanya.

“Kerochan, kumain ka ng marami para tumaba ka.”

Ikiniskis ng probreng pusa ang ulo nito sa kanyang kamay na siyang humihimas sa ulo nito bago linantakan ang binili niyang isda.

“Naku sir, ang sweet mo talaga diyan sa alaga mo.” Ani ng isa sa mga tauhan niya sa coffee shop na si Gezell. Hindi ito gaanong apektado sa kaarogantehan niya.

“You better finish you work rather than wasting your time watching me feed my cat. Mamaya, may mga tao nang magsisidatingan.” Kunot-noo niyang baling dito.

“Alam mo sir, kahit suplado ka, crush pa rin kita.”Pambabaliwala nito sa kanyang sinabi. Bakas ang paghanga sa mga mata nito.

Ever since, hindi niya nagugustuhan ang atensyon at papuri na binibigay sa kanya ng mga kalahi ni Eba at ng mga alanganin. Hindi naman sa girl o gay hater siya o kung anupaman iyon. Ayaw lang niya na may pumupuri sa angking tikas niya. But the girls and gays can’t help it. Nicollo has this oozing sex appeal na kahit sino ay hindi maiiwasang mapansin iyon.

“Go back to your work Gezell.” May awtoridad niyang sabi.

“Hey, easy. Huwag mong idamay ang mga empleyado mo sa kabadtripan mo sa buhay. Wala namang masamang ginagawa sa ’yo ang tao, ah.” Biglang bungad ng isa sa mga kaibigan niya, si Maki.

“Walang masama sa ginagawa ko. Pinapabalik ko lang siya sa trabaho niya.” Simpleng tugon niya rito. “Anong masamang hangin ang nasinghot mo at kay aga-aga narito ka? Wala ka bang trabahong pinagkakaabalahan?”

Sa isang online company ito nagtatrabaho bilang isang graphics designer. Minsan, kapag tinatamaan ng lintik ang connection nito sa bahay ay sa coffee shop niya dinadala ang trabaho nito para doon maki-connect, at nasisiguro niyang iyon ang rason kung bakit naroon ito ngayon.

Complicated CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon