Don't you dare read this. Just don't.
Nakakatawa lang kasi sa totoong buhay matatakutin ako. And I thought, na kung manonood ako ng horror and paranormal movies, maoovercome ko yung takot ko. But then, naisip ko, medyo di ko kaya yung mga gory scenes. So, my second option was reading horror stories. Since, nauso ang Wattpad, hala sige, hanap ako. Kaya ko naman siya basahin kahit gabi, or magisa ako. Kasi sa utak ko lang naman siya nagpeplay. Ako mismo nagshushoot ng kung anong gusto kong scene, based sa nabasa ko.
But, then I was wrong. I should've listened to that little voice telling me, "Don't!" Pero anong ginawa ko? Nanood pa din ako. Nagbasa pa din ako.
Ano bang nangyari?
There's this story na ang title nya, it somehow served as a warning. Para bang pinagbabawalan ng author na basahin ng iba yung story, pero bakit in the first place eh sinulat nya yon? Edi, sabi ko sa sarili ko prank lang yon. I still added the story onto my libabry nonetheless.
Maganda yung start. Para siyang real story. A story about the author. A horror story. Edi, basa ako no? Walang takot. Kasi ang ganda talaga! Nong nandon na ko sa part na nagloko daw phone ng author, nagloko din ang phone ko. Bigla siyang nagblackout. Namatay. Akala ko nagrestart lang. Or lowbat. Then, I remembered, full charge yon. I tried reviving my phone. A couple of minutes umilaw siya. Pero imbes na logo ng brand ng phone ko ang lumabas, iba. It was the cover of the last book I'm reading bago mamatay ang phone ko.
I don't know if coincidence pa din 'to. Magisa ako sa bahay non. Namatay yung ilaw sa kwarto. Damn it. Sabi ko sa sarili ko hindi naman to horro movie bakit ganito?
Tapos napatingin ako sa phone ko. Bumalik na pala siya sa dati. Edi kinuha ko. Pero naihagis ko yung phone ko sa pader. Paanong hindi kung pagkaslide ko sa screen eh mukha ni Annabelle at Chuckie ang nakita ko? Let alone, wala akong sinisave na kahit anong picture ng mga horror dolls.
Eto pa, sira na yung phone ko. Pagkahagis ko sa pader, nagcrack yung screen saka namatay ulit. Pero nagtaka ako, bakit tumutunog yung phone? Ang tugtog pa, Mary's Little World. Niremove ko na yon sa Music Library ko!
Tapos biglang may narinig ako static sound na nagmula sa phone ko. Then, sinundan ng boses na parang may sinasabi. Sa una, medyo malabo pa. Tapos, after awhile, luminaw din. Ang paulit ulit lang niyang sinasabi,
Don't
Kinabukasan, nabalitaan na lang na nasunog daw ang bahay namin. And may natagpuang sunog na katawan. I never expected it to be me.
Kaya ikaw, sa susunod, matuto kang seryosohin ang mga babala ah? Edi di ka matutulad sakin. Hanggang sa muli.
