Part 1 :) Sorry mabibitin kayo! Bukas ko pa to ikukumpleto ;)
ENI'S POV
"Anong tagalog ng street?" tanong ko.
"Edi daanan?" Si Yna, best friend ko.
"Hindi ahhhh! Edi, diretso!"
Tawa kaming lahat! Hahahahahahaha! Pati ako natatawa sa pinagsasabi ko. Ewan ko ba, puro kalokohan na lang ata yung pumapasok sa isip ko.
"HAHAHAHAHAHA! Hay nako Eni, iba ka talaga. Pwede ka nang maging comedian!" singit ni Dan. Oo nga ehh, halos kasi ng tao na namimeet ko, pinapasaya ko. Hindi ko alam, nababaliw na ata ako.
"Nyee! Kulang pa yaaan! Eto, alam nyo ba yung INNER ROW?" habol ko.
"Ano?" tanong nilang lahat. Sorrry, bago ko sagutin yan, magpapakilala ako. Ako nga pala si Enia Eigenmann! Kung nagtataka kayo kung kamag-anak ko ba si Andi Eigenmann, it's a big no! Kung pwede lang nga eh XD
Ngayon, kasama ko yung decagon of friends ko. 10 kasi kaming lahat dito. Kaya ayun, ako yung nagsisilbing clown nila. Tawag nila sakin Eni, ewan ko pero ang cuteeee! x)
"Diba yun yung start ng mga months, INNER ROW, PEBREROW, MARSOW, ABRIL, MAYOW!"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!" Halos lahat kami hindi na makapagpigil ng tawa. Hindi ko alam pero parang may tingining na ko sa ulo ko XD
Sa totoo lang, hindi naman ako noon yung talagang nagpapatawa sa grupo namin eh. Nag start lang ng November ito at ngayong May na, still I make people happy. ^o^
Kasama ko ang crush ko ngayon. XD Yiiiie! Kinikilig ako sa loob! Haha! Pasensya na ah, minsan lang ako umibiggggg hihihi!
Sa totoo lang, isang tao lang ang nakakaalam na siya ang crush ko. Si Trys lang ang nakakaalam hahaha. Pangalan ng crush ko ay Dev Soneta. Siya yung pinakamisteryosong tao na mamimeet mo pag unang kita mo sa kanya. Pero pag nakilala mo siyaaa, aba, makikitawa na rin! Kaya I use my jokes and laughter when umaaligid siya.
Pag may kausap siyang iba, linalakasan ko yung tawa ko pag masulyapan lang nya ako ng kahit isang segundo lang. At least, napansin nya akooo! HAHA!
"Eni, tama na! Ayoko naaa! HAHAHA! Last mo na yan," ani ni Weyo.
"Sige, sabi mo yan eh."
Sumulyap ako kay Dev, nakita kong nakatingin siya sakin. Wooo! One point haha. Umiwas kaagad ako ng tingin. Shoot, matutunaw na ako! HAHA!
Ngumiti na lang ako sa iba at nakipagkwentuhan rin.
YOU ARE READING
Love Story ng Alien
RomancePosible kayang maging mutual ang feelings ng alien sa crush nya? || one shot
