CHAPTER 3: the head master

68.7K 1.9K 76
                                    

ZHARLIE'S POV

paglabas namin....

O_____O!!!

wooaah ang laki ng school literal na malaki para siyang isang palasyo, oo palasyo talaga  yung kulay nung school is white and gold saan kapa ? ang yaman naman ng school na 'to.

Eto yung mga napapanood ko sa mga anime ay hindi mas maganda 'to waah akala mo isa akong bida sa isang fantasy anime.

" uhmm.. tara na Zharlie " tawag sakin ni Mia na kinabalik ko naman sa reyalidadm

" ah- ah sorry sige tara na" masigla kong sabi excited na ko makita yung loob ng school ang ganda kasi nung labas paano pa kaya yung loob diba?

" ang laki naman ng school na 'to Mia" sabi ko na hindi nakatingin sa kanya kasi tinititigan ko yung kabuuan ng school.

" sinabi mo pa ay andito na pala tayo tara na bilis" sabi niya at saka ako hinila sa isang room nilibot ko yung mga mata ko sa kwarto simple lang yung design pero kulay white and gold parin yung pintura nito.

" oh Mia, ba't andito ka?" sabi nung lalaki mga ka age lang siguro namin siya? Mukha siyang bata eh.

" uhmm erm head master Kira siya nga pala si Zharlie nakita ko siya sa mundo ng mortal at nakita ko siyang gumamit ng magic" tuloy tuloy na sabi ni Mia teka ? siya yung headmaster? eh magkasing edad lang ata kami ah?

" sa mundo ng mortal? Pumunta ka ng walang pahintulot ko Mia?" nakita ko namang napayuko si Mia

" pasensya na po Headmaster may gusto lang po sana akong makita"

Napabuntong hininga naman ito

" May mga taga mortal pa palang may magic huh? so ano yung magic niya?"  tanong nung headmaster ano nga bang magic ko? 'di ko naman alam kung anong tawag sa ginawa ko.

" Head master Kira hindi po kasi alam ni Zharlie kung anong magic niya pero nakita kong tumalsik yung sasakyan nung sumigaw siya para iligtas yung mama niya" mahabang sabi ulit ni Mia.

" hmmmm.... may clue na ko kung anong power mo Ms. Zharlie pero nagtataka ako kung ayun nga ang magic mo ay may katulad kang magic pero hindi pwedeng mag karoon ng katulad ang magic na ito dahil isa ito sa 4 magical powers at may nakakuha na ng slot na yun kaya pag aaralan pa natin kung ano talaga yung magic mo" mahabang paliwang ni hm (headmaster)

ha? ano ba kasi yung magic ko? naiintriga na tuloy ako pero maari nga kaya na kasali ito sa 4 magical powers?

" uhmm Headmaster ano ano po ba yung 4 magical powers?" tanong ko

" hmm.. bago yun Kira na lang ang itawag niyo sakin masyadong mahaba pag headmaster at matagal ko ng sinasabi sayo Mia na you should call me Kira right?" Pailing iling na sabi niya

"okay balik sa usapan yung 4 magical powers ay binubuo ng fire , air, water and ice. Ang totoo ang apat na slots na yun ay may nakapagmamay ari na si Duster para sa fire, si Chad para sa water, si Mark para sa air and si Ice para sa ice. Sila ang apat na nakatakda para ipagtangol ang University natin  laban sa mga dark wizard nakalaban ng school natin"

Napatango naman ako sa mga nalalaman ko.

" pero head- este Kira ano naman yung mga dark wizard ?" tanong ko pero tinignan niya lang si Mia at tumango naman ito.

" Ang dark wizard ang mahigpit na kalaban ng school natin dahil tayo ay nasa panig ng kabutihan at sila ay kasamaan dahil nga tayo ang nasa kabutihan ay maraming mga may magic o tinatawag na wizard ang sumapi sa atin na ikinagalit naman ng mga dark wizard. Ang dark wizard ay naghahamak ng kapangyarihan at gusto nilang pabagsakin ang school natin para sila na ang maging makapangyarihan sa mundo ng mga wizards" paliwang ni Mia 

" eh hindi na naman nila mapapabagsak ang school dahil nasa inyo na ang 4 magical powers diba?" tanong ko ulit pasensya na dahil curious lang ako at involved na rin naman ako.

" Hindi namin alam walang makakaalam sa mga pwedeng mangyari sa hinaharap basta ang alam lang namin ay kailangan maging malakas ang school natin at maging handa sa mga pwedeng mangyari" sabi ni Kira tumango tango na lang ako.

"Mia sa dorm mo nalang patirahin si Zharlie para narin mabantayan natin siya at masubay bayan ang magic niya"

tumango naman si Mia

" oh sige po head--  este Kira aalis na po kami ni Zharlie para rin po makapaghanda siya para sa pagpasok bukas " sabi ni Mia may pasok agad??

" sige makakaalis na kayo, Goodluck sa bagong chapter ng buhay mo Zharlie " sabi ni Kira at nginitian ako at syempre ngumiti din ako at saka naman kami umalis ni Mia.

" Mia may pasok na bukas?"

" Ang totoo niyan Zharlie nung nakaraang week pa pero okay lang yan hindi naman katulad sa mga mortal ang pinag aaralan dito eh" ha ?

" ha? eh ano naman yung pinagaaralan dito?"

" ang pinagaaralan dito ay kung paano pa mapapalakas yung magic mo kung ano pang mga techniques yung pwede mong gawin mga ganun"  Ow, goodluck na lang sakin sana malaman ko na agad yung magic ko.

" dun ka sa dorm ko titira okay? tapos yung mga damit ko muna yung suotin mo at saka na lang tayo bibili ng damit mo tuwing last day of the month lang kasi pwedeng lumabas sa school na to" tumango tango na lang ako.

" tara pasok kana mag gagabi na rin pala magluluto muna ako ha? tapos matulog na lang tayo ng maaga, maaga rin kasi ung pasok natin "

" sige Mia "  sabi ko na nakangiti gutom narin kasi ako eh hindi nga pala ako nakakain sa bahay kanina bago ako palayasin ni mama hay naalala ko na naman kalimutan ko nga muna yung nangyari at mag focus na lang muna sa pag tuklas ko ng magic ko at sa ibang parte ng pagkatao ko.

" oh Zharlie tara na kain na masarap yung luto ko, adobo" waaahh adobo?

lumapit naman  agad ako sa  dining area mukhang masarap.

" wahhh ! ang sarap Mia" sabi ko pagkatapos namin kumain grabe busog much ako.

" haha thanks makakain ka pa ng marami sa mga susunod na araw " nakangiting sabi nito

"ano tulog na tayo?" tumango naman ako sa kanya at saka nilagyan sa lalagyan ng plato yung hinugasan ko.

humiga na kami sa kama hahaha ang kulit nga eh magkasama kami sa kama ni Mia buti malaki 'tong kama niya tapos ang lambot pa.

hmmm..  sana naman maging maayos yung first day ko dito bukas.

-------------------------------------

_________

SCHOOL OF MAGICS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon