Nathan moved closer and snaked his arm around my waist. And whispered....

"You're cute when you blush." Mas lalo naman uminit yung mukha ko. Nag 'ayiiee' naman yung lima. Tinulak ko agad si Nathan palayo.

"W-will you s-stop." Tumawa naman yung lima. Lakas ng mga trip.

"Why are you stuttering, wife?" Nathan asked. I can sense his wearing his all famous smirk.

"N-no, I'm not." Ramdam kong umusog siya palapit sakin. Umusog naman ako palayo.

"Deny pa." sabay sabay na sabe nung lima. Choir lang?!

Tumayo na ako. "Hay nako! Tigilan niyo nga ako. Uuwi na ako!" Sabe ko sabay lakad paalis. Di na din sumunod yung dalawa.

Dumeretsyo ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko at nagdrive pauwi. Nang makarating ako sa bahay. Sinalubong ako ni yaya may dala siyang box. Dalawang box to be exact.

"Yaya, para kanino yan?"

"Para sayo. Pinadala ng parents mo ang sabe eto daw suotin mo sa dinner niyo, meron din para kay Nathan. Teka, nasan ba si Nathan? Bat di mo siya kasama?" sabe ni Yaya.

"Ah, di po kasi siya sasama may importante daw siyang gagawin."

"Ganun ba, sayang naman. Lalagay ko nalang tong damit niya sa kwarto niya." Tumango nalang ako at inabot niya sakin yung box.

Umakyat na ako at nagbihis. Naglagay na din ako ng light make up and I straightened my hair. Ang cute nga nung dress a white off-shouldered dress with silver heels na may glitters.

Chineck ko ulet ang sarili ko sa salamin. "Okay. Ang cute!" sabe ko sabay kuha nung bag ko at bumaba na. Kinuha ko yung car keys ko at nagpaalam na kay yaya.

"Yaya, aalis na po ako." lumabas si yaya galing kusina.

"Sige, ingat ka. " I nodded and smiled.

Naglakad na ako palabas ng bahay papunta sa kotse ko. Pagkasakay ko sa kotse ko agad ko pinaandar paalis. After 10 minutes nakarating na din ako sa restaurant. Pumasok ako at hinanap sila mama.

Nang makita ko sila agad akong lumapit sa kanila. Pagkakita nila sakin tumayo sila at nakipag beso.

"Oh? Bat di mo kasama si Nathan?" tanong ni Mommy Mich.

"Hindi daw po kasi siya makakapunta ngayon eh. May importante daw po siyang gagawin." paliwanag ko. Nagkatinginan lang sila sabay tango.

Umupo na kami and started eating. Katabi ko si Nikki at tahimik lang kaming kumakain.

"Saan po pala kayo pupunta?" tanong ko.

"Pupunta kami sa London." sagot ni Mama.

Napa-pout naman ako. Sayang gusto ko sana sumama. Gusto rin pumunta ulit ng Paris.

"Sayang! Di kami makakasama." sabe ni Nikki sabay pout. I smiled.

"Okay lang yan. Sa susunod tayo tayo mago-out of the country. Di sila kasama. " Sabe ko kay Nikki. She smiled. Umagree naman parents namin, basta daw madami kami.

"Gusto ko sa Japan!" sabe ni Nikki.

"Japan? pwede din. How bout Paris?" her face brighten up. Yes! May kasama na ako.

"Gusto ko dun! The City Of Loooove!" tumawa kami. Mas okay naman na ganito kami atleast di tahimik.

"Sige, kahit saan niyo gusto. Basta mag-iingat lang kayo." sabe ni Daddy Steven. We nodded.



Secretly Married To A Gangster (Editing)Where stories live. Discover now