💠Chapter 40💠

Magsimula sa umpisa
                                    

"A—"

"Please welcome the champions!" Biglang sigaw ng emcee.

Agad akong napatayo. Gustong gusto ko ng patayuan ng rebulto ang emcee. Salamat ng marami dahil iniligtas mo ako😭. The best ka talaga, tatanawin ko itong utang na loob habang buhay!

Agad kaming pumanhik sa harap. May anim na nakahilerang mga gintong kopita na kagaya ng aming kinuha sa Abyss at ibinigay ito sa amin pero yung pagkakaiba lang ay may nakaukit na pangalan namin sa kopita. Napangiti naman ako , sa wakas ay may achievement na ako bilang Elite. Nakakatuwa at agad ko na naisip ang papa ko. Alam ko na matutuwa si papa pagnalaman niya ito. Ilang araw ko na palang hindi nakakausap yun dahil sobrang abala niya sa mga negosyo.

"Let's give them a round of a plause!" Saad ng emcee ulit at masigabong palakpakan ang namumuo sa event hall. "Any message from our champion?" Tanong ni Emcee.

Nanlaki naman ang aking mga mata. Agad na napatingin ako kay Yuan at pati sina Luna ay napatingin kay Yuan. Hindi naman nag-iba ang reaction nito dahil talagang nakakunot noo na ito simula't sapol.

Mukhang nakuha naman nito ang gusto namin iparating kaya ito na ang nagkusang pumanhik sa stall para magbigay mensahe.

"Good evening. I am Prince Yuan Rave Vel Versailles, embodied the Elite to send you the message in the unity of whole universe. We fight and struggle and we did our best to win the Knighthood. It is an honor to work with them with passion and courage, the perfect team. This win is nothing without them and you as our supporters. We thank you from the bottom of our hearts, for continuing your support and never ending faith. Thank you." Litanya ni Yuan.

Napapalakpak naman ang lahat. Hindi ko rin inasahan na magsasalita siya ng ganun. I was expecting it would be brief and cold but it was long and warm message. Bumalik na si Yuan sa amin at agad naman kaming nagbow ng sabay sabay bilang pasasalamat sa mga tao.

"Hail the Elite! Hail the Elite! Hail the Elite!" Sigawan ng mga tao sa hall and the sound was echoing in every corridor.

It was overwhelming. Habang chinachant ng buong hall ang pangalan namin ay bumalik na kami sa aming table. It was quite big at may mga bakante pang chairs pero wala naman gumamit dahil exclusively ours lang ang mga yun.

"And another thing. We will formally announce as well the new Students of Universe Academy." Saad ng emcee.

Lahat kami ay napabaling ang atensyon sa emcee. Ipapakilala ang mga bagong estudyante. Biglang may namuong agam agam sa aking dibdib. Nakalimutan ko na sana ito pero biglang pinaalala na naman. Hindi ko talaga alam pero may agam agam ako knowing na may mga bagong estudyante at hindi basta-bastang estudyante lang.

"We are going to see the living God." Excited na saad ni Luna.

Napangiti naman ako. Excited din ako but there are places in my heart wavering. Napatingin naman ako kay Yuan na halatang na excite dahil titig na titig na ito sa emcee na parang di na makapaghintay na sabihin nito.

"Let's welcome, Hera Calypso Freed and Clandestine Drone!" Tawag ng emcee.

Lahat kami ay napabaling kung saan nakatingin ang emcee. Hindi namin kaagad nakita ang dalawang bagong estudyante dahil sa mga ibang tao roon din na abala ka pagtingin sa mga bagong estudyante. I don't know pero ako yung kinakabahan.

Umugong ang mga bulong bulongan at lumikha ng mga parang gigil at pigil na tili ng mga babae. Nagtataka na ako kung bakit. Ang tagal naman kasing dumating sa harap ang dalawa, hindi tuloy pa namin makita. Then a few moment, nakita na namin ang dalawa na naglalakad without wearing a mask. Para akong itinulos sa aking kinatatayuan ng una ko na makita ang lalaki. This is the guy yesterday and earlier! Kaloka! Hindi ko man lang napansin! And the girl, she has a shoulder length hair  na seryosong naglalakad din ito.

She is very pretty sa simpleng kasuotan nito. She looks harmless too.

"Isn't that the guy we saw yesterday?" Di makapaniwalang kumpirma ni Luna.

"Yeah. Holy freaking hot." Komento naman ni Violet.

Si Avis at Jin naman ay napatigin kay Luna at Violet seems like, they heard something unpleasant to their ears.

"She's pretty!" Saad naman ni Avis.

"Yeah. Innocent looking." Komento naman ni Jin.

Agad naman na tumalim ang tingin nina Luna at Violet.

"Yeah she is pretty, but what is that innocent thing? Are you implying that we are not?" Nakataas kilay na saad ni Violet.

"I did not say that, cousin." Saad naman ni Jin.

Hindi na lang kumibo si Violet. Patuloy kami na nanonood sa kanila. Pero agad naman akong napabaling kay Yuan. Yuan is looking as well pero mukhang wala naman itong reaction o baka naman magaling lang itong magtago ng reaction.

Natapos din ang pagwelcome sa dalawa at pinaupo ang mga ito sa table namin. Hindi naman kami umalma dahil okay lang din yun dahil malaki naman yung mesa at marami pang bakanteng upuan.

"Hello!" Bati sa amin ni Hera. She looks so sweet at maaliwalas ang aura nito.

Ngumiti lang naman si Clandestine and he particularly looked at me or let say his stare lingered longer at me. Gusto ko naman mabilaukan, nakakapressure naman kasi ito. Dalawang gwapo nasa harap ko ang isa katabi ko pa talaga di ba?

"Hello Clandestine!" Bati naman ng sabay ni Luna at Violet. Alam ko na kung bakit. Sinapian naman ang dalawang ito.

"Hi, just call me Clad." Sagot nito na may bahagyang ngiti.

"And hi to you Hera!" Bati ulit ni Violet at Luna.

Nagwave naman si Hera at ngiti-ngiti lamang ito. Her eyes roamed around the food. Mukhang wala itong pakialam kundi sa pagkain.

"Lobster!" She screamed with glee.

Agad itong kumuha ng lobster at kumuha din ng sawsawan at maganang kumain. She likes seafood as well. Napangiti naman ako, at least hindi na ako nag-iisa. Pero parang nahiya naman ito dahil nakatingin kami sa kanya.

"I-I'm sorry. I just came and I did not ate dinner yet." Hinging paumanhin naman nito.

"It's fine." Saad ni Yuan.

Napabaling naman ang tingin ko sa kanya. He was eyeing Hera intently.

Tumingin naman si Hera sa kanya at napatitig dahan dahan itong napangiti at lumamlam ang mga mata.

"Thank you, your highness." Saad nito and there are sparks in her eyes that it was not hidden well.

Those words lingered inside me like a parasite gnawing the wood inside me until it is pieces and destroying every foundation until the whole thing is broken.

MYTH ||Universe of Four Gods Series|| Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon