C H A P T E R 4

Začít od začátku
                                    

"Oh! Anong tini-tingin mo ha!" sigaw sa akin ng batang sipunin, nakatingala siya sa akin dahil sa tangkad ko.

Hindi ako nagsalita. Inagaw ko 'yong sako niyang kulay green.

"Aba loko ka ka ah!" sinuntok niya 'yong hita ko at para lang akong kinagat ng lamok.

"How do we do this? Lalagyan ba natin 'to ng bote at mga bakal?" natulala 'yung bata sa sinabi ko at noong hindi siya nakapagsalita ay nagpakilala ako sa kanya.

"Kid ang pangalan ko bro," sabi ko sa kanya at tinulungan ko silang tattlo na maghanap ng bote at bakal. Pagkatapos ko silang tulungan, binigyan ko sila ng isang libo at tuwang-tuwa sila.

Isang pang kinawe-weidurhan ko sa mga mahihirap ay kung paano sila matuwa kapag binibigyan ko sila ng one thousand pesos. Na para bang iyon na ang pinakamalaking halagang nakita nila sa buong buhay. Hindi sa hinuhusgahan ko sila pero nagtataka talaga ako kung paano silang nasisiyahan sa isang piraso ng papel.

Dad told me that money is not real. Ang pera raw ay guni-guni lang ng isip natin, sabi niya. At first, nalito ako pero totoo ang mga sinabi niya.

Money is not real. Ang totoo ay ang value na meroon ito. Some may think that a one thousand bill is a big amount, some may think that that it is just equivalent to a one peso bill. Sobrang liit lang sa akin ng isang libo sa totoo lang.

"Are you happy now bros?" tanong ko sa kanila. Tumango-tango sila.

Naglakad ulit ako. Then I saw a street sweeper. Matanda na siya. Isang Lola.

"Hoy!" sigaw niya ng inagaw ko 'yung walis niya.

Noong nagwalis ako sa daan, hinintay kong makaramdam ako ng happiness but I only ended up being tired and irritated kasi hinahangin lang 'yong mga dahon na winawalis ko.

"Diyos ko!" Halos mapasigaw si Lola nang bigyan ko siya ng three thousand pesos. Masayang-masaya siya kaya nagtaka ako. Kung masya siyang makatanggap ng pera o kung gusto niyang makatanggap ng malaking pera, bakit siya napapakandakuba para lang sa maliit na halaga ng pera?

I found it so weird. My Dad don't tend to work as hard as this--physically pero bawat segundo, nalalagyan ng millions of peso iyong mga bank accounts niya.

Sabi ni Dad, kung ano raw ang iniisip natin sa sarili natin ay nagiging ganun daw tayo. Kaya nalulungkot talaga akong makita ang Lola na ito.

Nagulat si Lola nang bigla ko siyang niyakap. Maya-maya pa, umalis na ako.

I love analyzing people. Gustong-gusto kong nalalaman iyong iniisip nila. Si Mom? Bakit niya kaya iniwan si Dad?

Naglakad ulit ako at may nakita akong isang nanay na vendor na nagtitinda ng mga DVD. Namula ako noong makita 'yong mga DVD niya.

"Bibili ka ba?" pasigaw niyang sabi habang pinapadede iyong baby niya sa ano niya.

"17 pa po ako, bawal pa po sa akin 'yan, tsaka na lang pag nag-18 ako, babalik ako rito para bumili niyan," sagot ko, walang expression ang mukha.

Namula ulit ako at tinitigan ko ng maayos 'yong baby na sina-suck 'yong ano ng mommy niya.

"Whoa!" napasigaw ako dahil sa sobrang pagkamangha. First time kong nakakita ng baby na umiinum ng gatas sa ano ng mommy niya. Si Dad lang kasi ang madalas kong makitang umiinum ng milk sa mga ano ng mga babae niya.

"Bastos!" sigaw noong nanay sa akin at pinalo niya 'yong ulo ko.

"S-sorry," sabi ko at binigyan ko siya ng 5,000 bago umalis.

For the first time, sumakay ako ng jeep. Wala talaga akong kaalam-alam kung ano 'yong system sa jeep kaya ang ginawa ko, pinara ko lang 'yong jeep na wala pang pasahero.

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Kde žijí příběhy. Začni objevovat