"W-why are you talking like that? Aalis ka ba? Iiwan mo ba ako?" maluha-luhang sabi ni Baby Kevs.

Ngumiti naman si Lukrecia, "Tapus, 'yang englis mo. Kahet hendi keta maentinidihan oki lang. Pero bebi, kahet hendi kita gits minsan, palangga pa rin kita," sabi ni Lukrecia kay Baby Kevin sabay yakap dito. Naiyak bigla si Lukrecia. (Palangga; bisaya. English: love/somewhat like that.)

"Lukrecia, where are you?" naiiyak nang sabi ni Baby Kevin.

Nilibot niya ang ang paningin niya sa room ni Lukrecia, at nagulantang nalang si Baby Kevin nang matagpuan niyang wala na doon ang mga gamit ni Lukrecia.

Wala na doon ng arenola nito.

Ang mga kumot.

Ang mga mahababang palda ay wala na rin doon at pati na ang multiplication table na madalas nilang mini-memorize dalawa.

"Lukrecia? You're playing hide and sick with me right? Sige, magbibilang ako ng sampu. Pag hindi ka lumabas, itutulak kita sa pool."

"Isa."

"Dalawa."

"Tatlo."

"Apat."

"Lima."

"Lukrecia, andyan ka na ba?"

"Anim."

"P-pito."

"Walo."

Biglang nagbukas ang pinto.

"Lukre---" hindi natapos sa pagsasalita si Baby Kevin nang makita niya si...

....mommy Chocogirl niya na malungkot na nakatingin sa kanya.

"Where's Lukrecia, mommy?"

Lumapit si Mommy Fear sa kanya at lumuhod para mapantayan ang height ni Baby Kevs, "Baby, umalis na si Lukrecia."

"Hindi! Hindi totoo 'yan!!" umiiyak na sigaw ni Baby Kevin sabay takbo palabas ng bahay.

"Baby!" sigaw ni Mommy Fear at sinundan lang niya si Baby Kevin.

Paglabas nila ng bahay, takbo lang takbo lang ng takbo ni Baby Kevin habang umiiyak.

"Stacey? 'Yung totoo? Mga manyika lang tayo 'diba? Bakit tayo naiiyak?" tanong ko kay Stacy na nasa kabilang kamay ni Baby Kevin......

"Sorry po Mr. Jerms, pero wala po eh. Pagkatapos niyang umalis, hindi na siya nagparamdam," sagot ko kay Mr. Jerms at umalis na siya ng bahay.

* * *

T H I R D P E R S ON P. O. V.
"Hi Mr. Chavez," nakipag-shake hands si Mr. Jerms kay Heaven Chavez. Papaalis na sana ito nang bahay ng pamilya Chavez kung saan niya hinahanap si Lukrecia kaso noong papasok na sana siya sa pick up niya ay nagulat siya ng tinawag siya nito mula sa likuran niya. Nag-slow motion ang mundo ni Jerms. Ang guwapo kasi ni Mr. Heaven Chavez. Naaakabakla.

Ngayon ay nasa isang coffee shop sila sa may labasan ng subdivision kung saan nakatira ang mga Chavez.

In-explain na ni Mr. Jerms kay Heaven Chavez ang pakay niya at nang matapos siya ay doon pa ito nag-komento.

"Ang naalala ko..." ani Heaven at nag baliktanaw ito sa isang senaryo isang buwan na ang nakakalipas.....

"So you're really going?" Heaven told Lukrecia.

"Upo," nakayukong sabi ni Lukrecia na nandito sa loob ng kotse ni Heaven. Masakit sa loob ni Lukrecia na lisanin ang pamliya ng Chavez pero sa isip niya, she need to this kasi nga gusto pa niyang matupad ang mga pangarap niya 'diba? Remember! Gusto pa niyang maging SHEEP?! Pero bago 'yan, gusto niya muna maging teacher. Malaki-laki na rin kasi ang naipon niya.

"Shh!" sabi ni Heaven kay Lukrecia nang makita nila si Baby Kevin sa may gilid ng kotse na humihigop ng gasolina.

"Bebi, Kebin!" naiiyak nabi ni Lukrecia habang nakadungaw sa may window. Gusto niya yakapin si Baby Kevin pero alam niyang hindi pwede kasi 'pag nagpakita siya dito, at nalaman nitong aalis siya, paniguradong pipigilan lang at pipigilan ni Baby Kevs ang pag-alis niya.

Umalis na si Baby Kevin. Naiyak bigla si Lukrecia. "Ser, tenkyu for iverytheng."

Natawa naman si Heaven, "Tokwa ka talaga, Lukrecia. How many times na kitang sinabihan na ipaayos mo na 'yang ngala-ngala mo, hindi mo pa rin ginagawa."

Mas lalong naiyak si Lukrecia, naalala niya bigla 'yung time na college pa si Heaven. The feels. Huhu. Lakas maka-déjà vu e. Sabi nga ni Lukrecia, mabelis ang panahun, in englis, time is so PAST.

Parang kailan lang kasi talaga e! Tandang-tanda niya pa dati 'yung hinihiram niya ang laptop ng Ser Hebin niya para maka-chat si Dudong sa pesbuk. Tandang-tanda niya pa dati kung paano umiyak si Ser Hebin niya nang dahil kay Fear.

Habang inaalala ni Lukrecia ang lahat, umagos bigla ang luha ni Lukrecia.

And for the first time, si Heaven na dati niyang alaga ay bigla siyang niyakap, "Thank you for being my alalay. My loving adviser. My alarm clock. My sister. My mother. Thank you Lukrecia."

Kumalas si Heaven sa pagkakayakap sa kanya, "Sana matupad mo ang lahat ng pangarap mo."

"Tenkyu sir." sabi ni Lukrecia at umalis na sila ng Ser Hebin niya.

Maya-maya pa, biglang may narinig si Lukrecia na sigaw sa likuran ng kotse.

It was Baby Kevin---crying and shouting her name na kasalukuyang hinahabol ang sasakyan ni Heaven.

"Bebi." Naiyak si Lukrecia at maya-maya pa ay nawala na sa paningin niya ang isa pang Chavez na naging malapit sa puso niya....

"Ganun ba Sir?" ani Mr. Jerms matapos magkuwento si Heaven Chavez sa kanya. May pagkadismaya sa tono ng boses niya. Ang akala pa naman niya ay ngayon niya na matatagpuan si Lukrecia Kamulag. Patay din siya kay Mr. Lee ngayon. Nangako pa naman siyang ngayon niya ito mahahanap.

Napatingin si Jerms sa labas ng coffee, dismayado niyang tinanaw ang babaeng parang baliw na palakad-lakad sa gilid ng daan. May suot na heels na pangsimba, paldang pang holy communion at blouse na pang-semana santa.

"If you want puwede mo namang iwan ang number mo pre, tapos tawagan na lang kita kapag nakita na namin si Lukrecia," ani Heaven.

Agad niya itong nilingon, "Sige pre," binigay ni Jerms ang number niya kay Heaven at nang ma-save na ang numero nito ay hinimas niya ang braso ni Heaven. Nakasando lang kasi ito.

"Ganda ng braso mo pre ah?" ani Jerms sabay kagat ng labi. Ngumiti lang si Heaven.

* * *

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें