"Naku Ma'am, don't get me wrong. Ginagawa ko lang din ang trabaho ko. And actually po, hindi sa hindi namin nirerespeto si Miss Lukrecia. In fact, sa lahat ng models namin ay siya lang ang hindi celebrity at wala sa listahan ng FHM. Hangad lang po talaga namin na i-offer sa kanya ang alok ng aming CEO."

Okay. Kumalma ako bigla. Pero biglang nag-lag iyong utak ko.

Okay. Inhale. Exhale. Si Lukrecia ay pinaghahanap ng isang napakalaking kompanya ng c0ndom para maging model nang packaging ng product ng kompanyang iyon. Teka? Parang hindi kayang i-sink in sa utak ko ang information na iyon?

"Pasensya na Sir pero wala na rin si Lukrecia rito eh. Isang buwan na ang nakakalipas bago siya umalis dito. Teka po, legit po ba talaga kayo? Baka scam 'yan ha! Patayuan kita ng billboard eh!" sabi ko sa kaniya.

"Ay, totoo ho ito Ma'am at hindi po 'to scam. Pero seriously, wala ho ba siyang sinabi sa inyo kung saan sa pupunta bago siya umalis?"

Inisip kong mabuti kung mayroon nga bang sinabi sa akin si Lukrecia at maya-maya pa ay napa-flashback ako sa aking isipan sa mga nangyari isang buwan na ang nakakalipas....

"Lukrecia?" Gulat na tanong ko sa kanya nang makita ko siyang umiiyak. Kakatapos ko pa lang magsulat sa blog ko sa balcony sa second floor at noong bumaba na nga ako rito ay nakita ko siyang humahagulhol.

"Ma'am, aalis na pu ako. Salamat pu sa lahat. Pakisabeng tenkyu na lang pu kay Ser Hebin," sabi ni Lukrecia sabay luhod sa harapan ko. "Marameng salamat pu sa lahat. Tenatanaw ko pung malakeng otang na luob ang pagtolong nenyo sa aken. Marameng salamat pu sa lahat." Umiyak siya.

"Naalala ku pa po ang lahat ng kabotehan na ebenegay nenyo sa aken. Pasyinsya na pu kong nung una ay akala ko, maldeta kayo pero hendi naman pala."

"Naalala ku pa po ang kabotehan na enalay nenyo sa akin lalu na nung montekan na akong mapagaletan ni Ser Hebin dahel genawa kong payaso ang mokha ni Baby Kebin."

"Sore po kung nageng makolet ako mensan."

"Sore po kung hendi niyo ako maentendihan mensan," maluha-luhang sabi ni Lukrecia sa'kin habang binabasa niya 'yung letter niya para sa akin. Oo! Binabasa niya 'yun at hindi 'yun impromptu.

"Malapet na pu akong magsampong taun sa pagiging mid ko kay Ser Hebin kaya panahun naren po seguro para magpahenga na ako at tahaken ang sareli kong landas."

Medyo nalito ako sa mga pinagsasabi ni Luktecia kaya pinahinto ko siya sa pagsasalita, "Tika nga! Este---teka nga Lukrecia? Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Tumayo ka nga!" sabi ko sa kanya sabay alalay sa kanya.

"Ang saket po pa lang lomohud," umiiyak na sabi niya tapos agad ko naman din siyang pina-upo, nakita kong sinisinok-sinok pa siya kaya agad akong pumunta sa may ref para kumuha ng tubig pero ubos na pala 'yung tubig. Out of no choice, gamit ang pitsel, kumuha ako ng tubig sa may aquarium.

Distilled water 'yung nasa aquarium kaya swak na rin 'yun para inumin ni Lukrecia.

"Lukrecia, inum ka muna oh," sabi ko kay Lukrecia sabay painum sa kanya ng pitsel.

Luckily, naubos naman niya.

"Buurp!" sabi pa nito na nag-burp na parang baboy, "Sore po ma'am, ang sarap po kasi ng tobeg, lasang esda."

"Hehehe," awkward na pag-tawa ko sa sinabi ni Lukrecia.

Nung medyo kumalma na siya, ti-nry ko na siyang kausapin.

"Uhm, Lukrecia, okay lang bang tanungin na kita?" sabi ko sa kanya.

"Upo," sabi niya.

BACK OFF! LUKRECIA IS MINE!Where stories live. Discover now