Why do we always fall in love with our best friends?

Magsimula sa umpisa
                                    

“I know so, Audrey. Someone will come along, that special, knight in shining armor,prince charming, right one will come along.” Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Audrey sa sinabi niya at nakahinga siya ng mas maluwag. “Someday…someday he will make himself known to you.”

“Someday?” tumango siya kahit hindi siya nakikita nito.

“Someday.”

Gusto niyang magbuntung hininga sa sinabi niya pero hindi niya magawa. Alam niya sa ‘someday’ na sinabi niya na iyon na maaring makakita nga si Audrey ng lalakeng para sa kanya. Na magtatagal at maghihintay ng isang taon para makamtan lang ang matamis na pagsang-ayon ng dalaga. Na meroon isang lalakeng makikita kung gaano kaganda ang personalidad at ugali ng bestfriend niya sa likod ng maganda nitong mukha. Ang makakakita kung ano ba talaga ang totoong halaga ni Audrey.

Masama man pero winiwish niya na sana matagal pa ang someday na iyon. Sanay naman siyang nakikipagdate sa iba si Audrey at nagpapaligaw sa iba pero ang hindi siya sanay at hinding-hindi siya masasanay sa thought na makikita na talaga ni Audrey ang lalakeng pinapangarap niya.

Kinabahan siya doon sa huling date nito dahil nakatagal ito ng pitong buwan. Sa tuwing i-uupdate siya ni Audrey sa relasyon at date nila ay napapangiwi siya. Sa tuwing makikita niya ang hinayupak na lalakeng iyon ay kumukulo ang dugo niya. Buti na lang, buti na lang talaga at matigas ang kaibigan niya at hindi nito sinagot ng wala sa ‘isang taong’ kondisyon niya. Dahil kung hindi maghahalo ang balat sa tinalupan. Hindi niya alam ang magagawa niya sa lalakeng iyon na sa unang kilatis palang niya ay mukha ng manloloko. At true enough, manloloko ito. Nakita niya itong nakikipaglandian sa ibang babae sa bar na pagmamay-ari ng isa niyang kaibigan. Hindi niya alam kung ano bang nangyari sa kanya at kinompronta niya ang hinayupak na lalake na iyon at pinagbantaan na layuan si Audrey. Hindi niya gawain iyon at wala siyang pakialam sa mga lalakeng nakakadate ni Audrey pero alam niyang ang lalakeng iyon, ang kasumpa-sumpang lintik na iyon ay kinahuhulugan ng loob ng kaibigan niya. At hindi niya magawang mas masaktan si Audrey sa kabulagan niya sa inaakalang pag-ibig. Mas mabuti na masaktan na siya ngayon dahil hindi nagtagal ang lalake na iyon kesa masaktan siya kung kailan sila na at iwan pa siya. Iyon ang hindi niya maatim. Hindi siya nakaramdam ng maliit na guilt kung bakit iniwan ng lalakeng iyon si Audrey. Hindi ito ang lalakeng para sa babaeng mahal niya.

Oo, mahal niya. Si Audrey na maganda na bestfriend niya. Si Audrey na napakametikulosa. Si Audrey na napaka-moody at may maikiling pasensya. Si Audrey na late bloomer. Si Audrey na nerd at bullied noon highschool. Si Audrey na tumulak sa kanya sa pond malapit sa may simabahan noong mga bata pa sila. Si Audrey na kilala na niya buong buhay niya. Mahal niya ang bestfriend niya. Mahal hindi dahil kaibigan niya ito, mahal niya ito bilang pagmamahal ng lalake sa babae. Hindi niya nga alam kung kailan ba niya nagsimulang tingnan si Audrey bilang mas higit pa sa kaibigan, siguro noon highschool kung saan lagi itong nagsusumbong at umiiyak sa kanya dahil sa pambubully na ginawa dito at siya ang tanging panangga nito at dahil doon naramdaman niya ang pagiging protective dito. Pwede rin naman noon nag-kolehiyo na ito, dahil dumami ang pumaligid na lalake rito. Siguro nga in between those events, nagsimula hanggang sa umigting ng umigting. Hanggang ngayon. Hanggang ngayon bente-dos anyos na siya at ang babaeng tinatangi niya ay bente.

“Carl…Mcdo tayo.” Napangiti siya sa malambing na tinig ni Audrey. Pagkatapos nitong umiyak walang palya ay magyayakad itong magMcdo. Sumang-ayon na lang siya kahit na alas-dose ng hatinggabi at may pasok pa siya sa trabaho bukas. Ginagawa niya ito hindi dahil malungkot si Audrey, alam niya sa sarili niya na ginagawa niya ito dahil para sa kanya spending time with her is priceless.

……

(One month later.)

“Si Audrey? Papadate mo sa akin? Seryoso ka Carl Joshua?” napataas na lang ng kilay si Carl dahil sa hindi makapaniwalang balik sa kanya ng kapatid niya.

Why do we always fall in love with our best friends?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon